Pauleen Luna on Vic Sotto’s confirmation of their relationship: “Kinilig ako. Yun lang!”

Hindi magkakasama ngayong Pasko at Bagong Taon ang magkasintahang sina Pauleen Luna at Vic Sotto. Si Pauleen ay lilipad sa Japan kasama ang kanyang pamilya, habang si Vic naman ay magiging abala sa pag-monitor ng MMFF kung saan may entry siyang pelikula.


“Kinilig ako. Yun lang!”

Ito ang natatawang reaksiyon ni Pauleen Luna sa ginawang pag-amin ni Vic Sotto sa kanilang relasyon.

Noong December 13 ay nag-guest si Vic sa "Ikaw Na" segment ng late-night news program ng ABS-CBN na Bandila.

Sa tanong ni Boy Abunda kung sinong pangalan ng babae ang nakaukit sa puso niya, si Pauleen ang isinagot ni Vic.

Pati ang news anchor na si Karen Davila ay sumali sa usapan na nagtanong kung kailan ang kasal.

Sinagot ito ni Vic ng: “Imbitado kayo, pumunta kayo ha?”

Read: Vic Sotto finally admits relationship with Pauleen Luna

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen sa story conference ng bagong drama series nito sa GMA Network, ang The Borrowed Wife.

Naikuwento ng aktres na napanood niya ang interview ni Vic sa Bandila.

Ayon kay Pauleen, gaya ni Vic, ang leksiyong natutunan niya sa pag-ibig ay para itong lansangan na pangdalawahan.

Sabi ng 25-year old actress-TV host, “For me, what I’ve realized in this relationship, you really have to give a lot to the person.

"You have to love him and the people that he loves.

“Dito, natutunan ko maging selfless.

"Natutunan ko na it’s not all about me, it’s more on things about him.

"And yun, kung sinong mahal niya, kailangan mahal ko din."

Iyon daw ang malaking bagay na napagtanto ni Pauleen sa mahigit dalawang taong relasyon nila ng comedian-TV host.

VIC’S CHILDREN. Ang tinutukoy ba niyang "mga mahal ni Vic" ay ang mga anak nito?

Sagot ng Kapuso actress, "Mahal ni Vic ang mga anak niya, kaya mahal ko din ang mga anak niya."

Sino sa mga anak ni Vic ang pinakamahal niya o close sa kanya?

Napangiti lang si Pauleen at sinabing, “Pantay-pantay lang… even his grandchildren.

“Ganun naman talaga yun, e. You cannot love the person without loving his family.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil napag-usapan na rin lang ang mga anak ni Vic, binanggit na rin namin kay Pauleen ang dating isyu nila ni Oyo Sotto.

Si Oyo ang bunso sa dalawang anak ni Vic sa dating asawa nito na si Dina Bonnevie.

Naging open noon si Oyo sa pagsasabing hindi siya pabor sa relasyon ng ama kay Pauleen.

Read: Oyo Sotto on Vic Sotto-Pauleen Luna romance rumors: "Hindi ako galit, pero hindi ako approve."

Pero umiwas nang sumagot si Pauleen.

“Huwag na. Ipapahamak niyo pa ako niyan, e. Okay na, e,” sabi nito, na halatang iniiwasang mapag-usapan muli ang isyu nila noon ni Oyo.

Basta masaya raw siya ngayon.

At nang tinanong namin kung kaninong pangalan naman ang nakaukit sa kanyang puso, ito ang mabilis na sagot ni Pauleen:

"Isang malaking V-I-C."

CHRISTMAS WITHOUT VIC. Yun nga lang, hindi raw makakasama ni Pauleen si Vic sa darating na Pasko hanggang Bagong Taon.

Sa Lunes, December 23, kasi ay aalis na ang aktres kasama ang buong pamilya nito patungong Japan para doon mag-Pasko at salubungin ang Bagong Taon.

Naiintindihan naman daw ni Vic dahil lakad ito ng pamilya ni Pauleen.

Sabi ng Eat Bulaga! co-host, “Kasama ko naman po ang family ko. So, wala namang issue dun.

“Siguro, this is the longest will be away from each other.

"Pero he’s happy for me and my family.

"Kasi first time nga po namin na lalabas ng bansa na malamig, and you know, first time din ng family ko na makapunta ng Japan.

"So, we’re very much excited.”

Hindi raw makakasunod si Vic dahil magiging abala ito sa pag-monitor sa Metro Manila Film Festival, kung saan entry ang pelikula niyang My Little Bossings.

Hindi pa raw sila nagbigayan ng Christmas gift ni Vic, at wala naman daw siyang hinihiling pang ireregalo sa kanya ng kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Pauleen, “You know, gifts aren’t really that important pag matagal-tagal na kayo sa relasyon.

"Ano na lang yun, e, parang added kilig for that moment.

"Pero it’s not really important."

THE BORROWED WIFE. Pagbalik ni Pauleen galing Japan ay sisimulan na niya ang taping para sa bagong drama series sa GMA na The Borrowed Wife.

Kasama niya rito sina Camille Prats, Rafael Rosell, at TJ Trinidad.

Ngayon pa lang ay may isyu na kay Pauleen na pinagbabawalan na raw ito ni Vic na makipaghalikan sa leading man niya sa TV o sa pelikula. Kailangan pa raw niyang ipagpaalam ito kay Vic.

Ngunit sabi ng aktres, “Wala pa nga. Nag-storycon pa lang, wala pa. Hindi ko pa nga alam kung meron.”

Pero kung sakali, hindi naman daw isyu ito sa kasintahan.

“I think he will understand.

"But, of course, we do these things kung necessary sa story.

"Hindi yung para kang basta na lang makipag-kissing scene.”

Kung sakali, okay lang ba kay Vic ang makipaghalikan siya sa co-actor niya?

“Hindi naman siguro,” medyo alanganin at napapangiting sagot ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN