Gretchen Barretto testifies against sister Claudine in court; claims dad Mike Barretto threatened to "kill" her

Ikinuwento ni Gretchen Barretto na nanghihinayang siya kung tuluyang magkahiwalay at magkagalit ang kapatid niyang si Claudine at asawa nitong si Raymart Santiago. “He took care of her, he’s a very good husband to her. I know that for sure because malapit kami ni Claudine. Yun ang palagi niyang ikinukuwento sa akin nung lumabas siya ng rehab nung February 2011,” ani Gretchen.


Tumestigo si Gretchen Barretto laban sa kanyang bunsong kapatid na si Claudine Barretto sa Marikina Regional Trial Court Branch 192 ngayong araw, Disyembre 19.

Ito ay kaugnay ng Permanent Protection Order (PPO) na isinampa ni Claudine laban sa asawa nitong si Raymart Santiago.

Kasamang dumating ni Gretchen sa korte kanina si Raymart at ang nakatatandang kapatid ng aktres na si J.J. Barretto.

Bago magsimula ang hearing ay nagpaunlak ng maikling panayam si Gretchen sa media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Paglabas niya ng courtroom, nagpaunlak muli ng interview ang 43-year-old Kapamilya actress sa mga naghihintay pang media sa labas ng Marikina Justice Hall.

Inamin ni Gretchen na naging emosyunal siya nang tumestigo na siya sa korte.

“Dahil siyempre babalikan mo lahat ng mga naging nightmare sa buhay namin.

"Pero kinakailangang gawin.

“And I’m hoping that later on, when Claudine is in a better state, she will be thankful,” sabi niya.

Ipinagdarasal daw ni Gretchen na mapasok talaga sa isang rehabilitation center si Claudine.

“Yun ang wish ko, yung ang ipinagdadasal namin, na she will get the treatment that she needs.

"Para maayos naman ang buhay niya, para maging safe siya, para maging safe yung mga tao sa paligid niya.

"And most especially, yung mga anak niya, sana maging safe.

“At sana matapos na yung mga kaso niya.

“Dahil right now, napag-alaman ko, she has nine cases.

“Halos araw-araw nandito siya, nakakapagod yun.

"That’s very stressful and it’s not healthy for her and for her children."

LOVE FOR CLAUDINE. Sa kabila ng mga nangyari sa kanila ng kanyang pinakabatang kapatid at sa pagtestigo niya laban dito, sinabi ni Gretchen na mahal pa rin niya si Claudine.

Aniya, “I love her with all my heart.

"Dahil, kung hindi ko siya mahal, wala ako rito, hindi ko ipaglalaban ito, yung tama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinahayag din ni Gretchen ang panghihinayang niya kung sakaling tuluyan na talagang magkagalit at magkahiwalay sina Claudine at Raymart.

Lubos daw talaga ang pagmamahal na ibinigay ni Raymart kay Claudine.

“He took care of her, he’s a very good husband to her.

"I know that for sure because malapit kami ni Claudine.

"Yun ang palagi niyang ikinukuwento sa akin nung lumabas siya ng rehab nung February 2011.

“Parati niyang sinasabi, paulit-ulit na, ‘Buti na lang hindi ako iniwan ni Raymart. He’s very patient. Mahal niya ako, mahal ko rin siya.’

“Meron ngang sulat na ibinigay sa akin si Claudine and hopefully, soon, puwede kong mailabas yun.

"That she was very grateful that we all put her in rehab and took care of her, that we’re patient.

“So, I’m hoping after ng lahat ng mga gulo na nangyayari, ma-realize niya na ang ginagawa talaga naming magkakapatid is to save her.

“We have a lot of love for each other, kaming magkakapatid.

"And I think that love is bigger than all the mess that we’re going through and all the pain that we’re going through right now,” saad ni Gretchen.

Dahil sa pagbanggit ni Gretchen tungkol sa pagpapasailalim ni Claudine sa rehab, tinanong ng GMA reporter na si Nelson Canlas kung anong klaseng rehab treatment ang pinasukan ni Claudine.

Sagot ng aktres, “Ay, I don’t wanna get to details.

"But the last time, she was in Channah rehab.

“If you Google it, it was a first-class rehab.”

Sa pag-Google nga ng PEP, ang Channah Thailand Alcohol and Drug Rehabilitation Center ay isang rehab center sa Kanchanaburi Province sa Thailand.

Puntahan ito ng mga kilalang celebrities, mayayamang businessmen, at pulitiko na gustong ilihim ang pagpapa-rehab nila.

Patuloy ni Gretchen, “I don’t know kung sino ang puwede naming kausapin kung saan siya dapat, but iyon ang hinihingi namin sa korte.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkasabi nito ni Gretchen ay binulungan siya ng isa sa mga abugado niya na huwag nang masyadong magbanggit tungkol sa rehab.

Tinanguan naman siya ni Gretchen.

Wala si Claudine sa pagdinig ngayong araw.

Pero kung si Gretchen daw ang masusunod, gusto niyang naroon ang kapatid.

“Mas gusto ko nandito si Claudine. Dahil gusto ko malaman niya kung gaano ko siya kamahal at kung bakit ko ito ginagawa.”

ALLEGED THREAT. Tinanong din si Gretchen tungkol sa diumano’y banta na ginawa ng kanyang amang si Miguel "Mike" Barretto laban sa kanya.

Aniya, “Sinabihan ng daddy ko ang kapatid kong lalaki, ang pinakamatanda, at saka yung pamangkin kong si John, na pag nag-testify daw si J.J., nalaman niya magte-testify si J.J., sabi niya, babarilin niya.

“At sinabi naman ng aking pamangkin na, ‘Tita Gretchen, Tita Marj will testify.’

"Sabi niya [Mr. Barretto], ‘I will kill them.’”

Watch: Gretchen Barretto reveals her father Miguel threatened to kill her and her siblings if they appear in court against Claudine

Ano ang masasabi niya sa ganitong diumano’y pagbabanta na nanggaling pa sa kanyang ama?

“Ayoko nang magsalita,” sagot ni Gretchen.

Alam daw niya na siguradong magagalit na naman sa kanya ang mga magulang niya, pero ginagawa raw ni Gretchen ang pagtestigo para sa ikabubuti ng lahat.

“I’m doing all I can for everyone’s good,” banggit pa niya.

Hindi raw ito ang huli niyang pagpunta sa korte para sa kasong ito.

“Paulit-ulit nila akong tatawagin, paulit-ulit akong darating,” pahayag ni Gretchen.

Nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya na ngayong 2013 ay naging napaka-kontrobersiyal ng kanilang pamilya, ibinalik ni Gretchen ang tanong.

“How am I supposed to feel? I should be the one to ask you. I find no joy in this.”

Kinontak ng PEP ang ina ni Gretchen na si Estrella "Inday" Barretto upang kunin ang kanyang panig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit pinili nitong huwag nang ilathala ang kanyang pahayag dahil, sabi niya sa PEP, magpa-Pasko na raw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN