Paulo Avelino, Miles Ocampo, Michelle Vito, Dominique Roque, and Janus del Prado reveal plans for the holidays

Ibinahagi ng mga artista ng Metro Manila Film Festival entry na Pagpag: Siyam na Buhay, kung paano nila ipagdiriwang ang Pasko. At lahat sila, simple lang ang plano: ang makasama ang kani-kanilang pamilya.


Ibinahagi ng ilang cast members ng Pagpag: Siyam na Buhay, na isa sa Metro Manila Film Festival entries, ang kani-kanilang plano ngayong Pasko.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga artista ng pelikula—Paulo Avelino, Dominic Roque, Miles Ocampo, Michelle Vito, at Janus Del Prado—sa presscon noong December 12.


PAULO AVELINO. Ayon sa Kapamilya actor, December 24 at 25 lang ang bakasyon niya ngayong Pasko, kaya wala siyang planong pumunta sa malayong lugar.

Pinagkaka-abalahan niya ngayon ang primetime teleseryeng Honesto sa ABS-CBN.

Sa susunod na taon naman, ang gusto sana ng aktor ay makagawa pa ng mga pelikula.

Hindi raw niya alam kung ano pa ang puwedeng mangyari sa 2014, “I don’t know, masarap din yung masu-surprise ka.”


DOMINIC ROQUE. Kasama naman ni Dominic ang kanyang pamilya na magseselebra ng Pasko.

Pero sa New Year, binabalak niyang sumama kina Daniel Padilla at mga kabarkada nito papuntang Hong Kong.

“Kulitan lang. Naging barkada kami dito sa pelikula kasi matagal naming ginawa.”

Naging masaya naman daw ang 2013 para kay Dominic.

Bukod sa nagawa niya ang mga teleseryeng Aryana at May Isang Pangarap, lubos ang tuwa niya na mapabilang sa Pagpag, na kanyang unang pelikula.

Bagamat hindi siya nagbigay ng detalye, sinabi ng binata na may nakalinya nang teleserye na gagawin niya sa 2014.


MILES OCAMPO. Family time din ang Pasko para sa young actress na si Miles Ocampo.

“Usually po, yun yung umuuwi po yung mga tito, tita ko po.

“Sa bahay lang kami at ’di po kami nag-a-out-of-town.

“Bahay lang po talaga hanggang New Year.”


MICHELLE VITO. May posibilidad naman daw na magpunta ng Tagaytay o kaya sa Baguio ang pamilya ng Star Magic talent.

“Kung hindi naman matuloy, sa bahay lang—family bonding para happy sa vacation.”

May nakalinya na rin daw sa kanyang proyekto, pero hangga’t wala pang opisyal na anunsiyo, ayaw raw muna niya itong ihayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JANUS DEL PRADO. Tradisyunal daw ang pagdiriwang ng Pasko para sa pamilya ni Janus, na nagsasama-sama sa bahay at nagluluto.

Wala naman daw siyang balak na pumunta sa malayong lugar, dahil posibleng mag-resume sila ng taping ng The Legal Wife, ang upcoming Kapamilya teleserye na pagbibidahan nina Angel Locsin, Jericho Rosales, JC de Vera, at Maja Salvador.

Nagbabalak din siyang magnegosyo, pero kailangan daw muna niyang pag-aralan ito upang matiyak na handa na siya.

“Inaaral ko pa kung paano siya gawin para di magkasablay-sablay sa papeles, so ipon-ipon muna,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN