KC Concepcion happy about ex-boyfriend Lino Cayetano’s upcoming wedding

Dahil magpapakasal na ang kanyang ex-boyfriend na si Lino Cayetano, naitanong kay KC Concepcion kung kailan naman kaya siya susunod. Sagot ni KC: “Siguro kapag nagawa ko na yung gusto ko. Kasi, gusto ko pa pong mag-aral, mag-travel.”


Masaya si KC Concepcion para sa dating boyfriend na si Lino Cayetano dahil sa pagpapakasal nito ngayong buwan.

Sa kanyang Instagram account noong Lunes, December 16, ibinalita ng entertainment columnist na si Ogie Diaz ang pagpapakasal ni Lino sa dating volleyball player ng Ateneo na si Fille Cainglet.

Sa pocket presscon ni KC kahapon, December 19, tinanong ng entertainment press kung ano ang reaksiyon niya tungkol sa pagpapakasal ni Lino.

Nakangiting sagot ni KC, “I’m happy for him na, finally, nakahanap siya ng babae.

“Siguro nahanap na rin ang katapat niya. Nakahanap siya ng match para sa kanya.

"I’m happy for him."

Bagamat nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon, sabi ni KC ay nanatili naman silang magkaibigan ng direktor at ngayo’y Taguig representative.

Inaasahan na rin daw ni KC na mangyayari ito.

Aniya, “I was waiting for the time na talagang makahanap siya ng pakakasalan niya.

“Lalo na ngayon, may posisyon na siya sa politics.

“So, kailangan niya rin ng partner na susuportahan siya, kasi siguro, stressful din naman sa politics.”

Sa parte niya, hindi pa raw naiisip ni KC ang magpakasal.

Katuwiran niya, “Siguro kapag nagawa ko na yung gusto ko. Kasi, gusto ko pa pong mag-aral, mag-travel.”



MEN IN KC’S LIFE. Bagamat single, sunud-sunod naman ang mga nali-link kay KC nitong mga nakaraang linggo.

Bukod sa matagal nang napapabalitang nali-link sa kanya na si Paulo Avelino, lumilitaw rin ang mga pangalan nina Luis Manzano at Phil Younghusband.

Ngunit paglilinaw ni KC, “Yung iba po kasi, totoo.

"Yung iba naman, well, hindi ko naman masasabing nali-link romantically, pero siguro kapag nakikita nilang nag-uusap kami, may kilig.”

Ibig sabihin ba nito ay totoo ang balita tungkol sa tatlong male celebrities na nali-link sa kanya?

Sagot ni KC, “Actually, isa lang naman talaga yung totally wala talagang katotohanan.”

Tumango ang dalagang aktres nang tanungin kung si Phil ang kanyang tinutukoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito, umiwas na si KC na sumagot pa tungkol dito.

Aniya, “Ayaw ko na lang din pag-usapan. Let’s move on.”

Samantala, tungkol kay Paulo, iginiit ni KC na “close friends” lamang sila.

Sa naunang panayam ng PEP, naging ilag din siyang pag-usapan ang tungkol sa napapabalitang masugid niyang manliligaw ngayon.

Ani KC, “Wala pa akong masasabi about that, kasi ayaw ko po muna magsalita about anything.

“Pero isa po siya sa mga pinakamalapit sa akin right now.”

Read: KC Concepcion receives real Christmas tree from Paulo Avelino

Katulad ni Paulo, kaibigan lang din daw ang turing ni KC sa Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano.

Sabi niya, “Friends kami ni Luis. Siguro hindi rin muna siya ready mag-ano.”

Katatapos lamang ng relasyon ni Luis sa Kapuso actress-TV host na si Jennylyn Mercado.

Ayaw rin munang bigyan ni KC ng ibang kulay ang pagiging malapit nila ni Luis.

Aniya, “Parang ayaw ko rin kasi isipin, na just because nagpapa-close, ibig sabihin nanliligaw na kaagad.”

Tanong pa niya sa press: “Hindi ba puwedeng friend?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN