Liza Diño summarizes her relationship with Aiza Seguerra in two words: "It’s complete."

Liza Diño is awed by Aiza Seguerra: "I’ve never been in a relationship where it’s so open, it’s so giving." Another thing is they think and feel the same way about things: "We’re so reflective of each other kasi, e. Kung gaano siya kapursigido sa mga ginagawa niya so ganun din ako."


September ng taong ito unang lumabas ang mga balitang magkasintahan na raw sina Aiza Seguerra at Liza Diño—hanggang sa kumpirmahin mismo ni Liza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano nga ba ang relasyon nila ni Aiza.

Bukod sa muling pagpasok ni Liza sa showbiz, ang relasyon niya kay Aiza ang isa sa maituturing ni Liza na highlight ng kanyang 2013.

Aniya, “I’ve been very appreciative. It’s been a good year kasi I just moved back from the U.S., from living there for a while.

“So, I tried doing what I really love to do, so it’s good. I got more than what I expect when I got here.”

Nakapanayam ng PEP si Liza sa awarding ceremony ng 26th Awit Awards noong December 1, sa Seqouia Hotel sa Timog Avenue, Quezon City, kung saan nanalo si Aiza ng Best Performance by a Female Artist award.



BLESSED YEAR. “It’s complete.”

Ito ang nasabi ni Liza nang tanungin ng PEP kung paano niya ilalarawan ang relasyon nila ng singer na si Aiza Seguerra.

“I think complete and inspiring. I can’t put it in one word. Siguro, lahat ng superlatives na puwede kong masabi,” sabi pa ni Liza.

Maraming nais ipagpasalamat si Liza dahil hindi raw niya inaasahan ang mga blessings na nakuha niya sa taong 2013. Bukod sa kanyang pagbabalik showbiz, naging maganda rin daw ang takbo ng kanyang lovelife.

Ani Liza, “A lot of things to really be thankful for, kasi yung pagkikita namin ulit, hindi naman namin in-expect na mangyayari.

“I decided to come here to Manila because things have been really good with my acting here, and I found something more than that.

“So, talagang blessing lahat. All the rest na nangyayari with both of our careers, ano na, icing on top na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro ngayon, more than anything, ang grateful ako is for us to have found each other.

“I think it’s something that, if I can celebrate every day, I will celebrate it every day.”

“Siguro, kasi… kasi we’re very happy with our relationship and everything is parang very positive, going our way.

“So, sana mas masi-seal pa namin what we have. Mas mabibigyan pa namin ng more reason para to look forward on spending more years together.”

READ MORE: Aiza Seguerra on status of her lovelife: "Happy is an understatement.”

GOING STRONG. Nabalitaan ng PEP mula mismo kay Aiza na nalalapit na raw ang kanilang anniversary.

At kahit halos isang taon na silang magkasintahan, hindi pa raw sila nagkakaroon ng kahit anong away.

Sa halip, mas nakikilala at mas naiintindihan pa raw nila ang isa’t isa habang tumatagal ang panahon.

Kuwento naman ni Liza, “Actually, hindi nga, e. It’s so funny! I’ve been through a lot of relationships before in the past and, you know, I’ve been with people na you go through ups and downs with them.

“But with us, kami ni Aiza, it’s like we go through situations. Siguro yung pinagdadaanan namin sa buhay is like discovery of sino siya, sino ako, paano namin nireresolve or iniintindi yung ugali ng isa’t isa.”

Paliwanag pa ni Liza, iba raw ang relasyon nila ni Aiza kumpara sa mga naging relasyon niya dati. Isang dahilan daw ng kanilang magandang relasyon ay ang pagkakaintindihan sa pagitan nilang dalawa.

“Hindi siya nagiging problema dahil lagi namin siyang pinag-uusapan and I’ve never been in a relationship where it’s so open, it’s so giving," sabi ni Liza.

“I’m just happy na yun pala yun, pag na-meet mo na yung soulmate mo.

“I know it’s so cheesy, but it’s been really good.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang kanilang naging impluwensiya sa isa’t isa simula nang maging sila?

Sagot ni Liza, “I’ve always lived my life very passionately in whatever I do, in all the fields of work of what I do—may it be with career or personal life.

“Parang kaming dalawa, we’re so reflective of each other kasi, e. Kung gaano siya kapursigido sa mga ginagawa niya, so ganun din ako.

“It’s nice to find somebody na hindi ka lang sinusuportahan, ini-encourage ka pa to really fly.”

Para naman sa mga darating pang taon, isa na lang daw ang mahihiling ni Liza para sa kanilang dalawa ni Aiza.

Aniya, “Wala, to just be the way we are. Sana kung paano kami ngayon, sana in the years to come, ganun pa rin kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN