Tom Rodriguez says My Husband’s Lover audition is highlight of his year

Tom Rodriguez on the highlight of his 2013: "Siguro kung may pipiliin akong highlight, yung audition ng [My Husband’s Lover], kasi dun nag-umpisa e. Hindi ko alam kung ano ie-expect. I didn’t know what I was doing there. Parang sumubok lang talaga ako and, dahil dun, lahat ’to nagbunga, e. Dahil dun, siguro yun ang pinaka-catalyst ng buong taon ko ngayon.”


Isang blessing ang dumating kay Tom Rodriguez bago pa matapos ang 2013 dahil kinuha siya ni Dr. Vicky Belo bilang isa sa mga celebrity endorsers ng beauty clinic nito.

Noong December 13, pormal nang ni-launch si Tom ng Belo Medical Group sa tinawag nitong Pink Party, na ginanap sa Bed nightclub ng Greenfield District sa Mandaluyong City.

Wika ni Tom, “I feel very blessed din na Dra. Belo, hindi lang pinili niya ako as one of her endorsers, pero that she put an event just for me is cool.”

“It’s a party for Vince,” pagkumpirma naman ni Dra. Vicky Belo sa pagkaka-organize nito ng party para kay Tom.

Vince ang pangalan ni Tom sa natapos nang My Husband’s Lover, na naging high-rating primetime teleserye ng GMA Network.

Hindi raw naiwasang mapabilib ni Dra. Vicky nang kunin niya si Tom, di lang dahil star na ito ngayon kundi dahil napaka-supportive nito bilang endorser.

Kuwento ng pinakapamosong beauty and skin doctor ng bansa, "Parang ano, he’s such a very supportive endorser, and I couldn’t ask for more.

"And he’s the most mabait, and sweet, and gentlemanly.

"I have to tell him that one day kasi akala ko, di ba, pag mga young generation, hindi na masyadong chivalrous. Pero siya, sobrang gentleman talaga."


2013 RECAP. Naging maugong ang pangalan ni Tom at ng mga co-stars niyang sina Carla Abellana at Dennis Trillo nitong 2013 dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang kontrobersyal na My Husband’s Lover.

Kaya naman sinasabi ni Tom na isa itong highlight ng kanyang taon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang aktor sa dami ng oportunidad na dumating sa kaniya mula nang gampanan niya ang karakter na Vincent, na binuo ng writer na si Suzette Doctolero.

Ani Tom nang tanungin kung ano ang highlight ng 2013 para sa kaniya, “Ang hirap pumili, feeling ko ano e, yung buong year parang hanggang ngayon…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako nagbibiro a, I know it sounds cliché, pero parang hindi pa talaga ako nagigising.

“Parang feeling ko, nananaginip pa rin ako. The whole thing was so unreal, and I’m not even sure what point of the life I’m in right now.

“Pero siguro, kung may pipiliin akong highlight, yung audition ng [My Husband’s Lover], kasi dun nag-umpisa, e.

“Hindi ko alam kung ano ie-expect. I didn’t know what I was doing there. Parang sumubok lang talaga ako and, dahil dun, lahat ’to nagbunga, e.

“Dahil dun, siguro yun ang pinaka-catalyst ng buong taon ko ngayon.”


A NEW YEAR. Ilang araw na lang at papasok na ang bagong taon. Kasabay nito ay kanya-kanyang lista ang mga stars ng kanilang mga New Year’s resolution para sa 2014.

Meron bang New Year’s resolution si Tom para sa susunod na taon?

Sagot ng aktor, “Siguro, kailangan kong mas magsipag pa and mas more disciplined in everything that I do."

Paglilinaw pa ni Tom, mas pag-iigihan daw niya ang disiplina sa sarili, lalo na sa kanyang katawan.

“Gusto ko mabalik yung disiplina ko, ganun. Especially when it comes to working out, when it comes to fitness.

Ano naman ang mga nais niyang abangan sa parating na bagong taon?

Ani Tom, “I’m looking forward to working with great actors agian, like what I did in MHL [My Husband’s Lover].

"And just to explore my craft and try out different roles and have fun, because I’m doing the thing that I love right now.”

Bukod dito, ang pelikulang gagawin nila ng My Husband’s Lover co-star niyang si Carla Abellana ang isa sa mga pinaghahandaan niya sa unang parte ng 2014.

“We’re gonna finish yung movie namin ni Carla, yung Let’s Take A Chance, and after that, let’s see what happens.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN