Toni Gonzaga affirms John Lloyd Cruz is "definitely" a gentleman

Paglalarawan ni Toni Gonzaga kay John Lloyd Cruz, very professional daw ito sa trabaho, mapagbigay na aktor, at masarap katrabaho. Sabi pa niya, "Suwerte ang mga nakakatrabaho niya talaga kasi he brings out the best."


Kinuha ang reaksiyon ni Toni Gonzaga sa Anne Curtis slapping incident na kinasangkutan ng kanyang leading man na si John Lloyd Cruz.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Toni sa press conference ng upcoming ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home, sa ABS-CBN Compound, December 20, Biyernes ng gabi.

Iniulat ng PEP.ph noong December 1, 2013, ang tungkol sa slapping incident sa Privé Luxury Club, sa The Fort, kung saan nalasing si Anne Curtis at nanampal ng tatlong taong naroon sa club.

Isa sa mga nasampal ni Anne ay si John Lloyd.

(Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day)



Sinasabing na-provoke umano si Anne kaya siya umasal ng ganoon.

May mga bali-balitang habang nasa comfort room ang aktres ay may kumatok nang malakas sa pinto.

May blogger na nag-ulat na sina John Lloyd Cruz at Jake Cuenca ang gumawa ng prank kay Anne.

Galit na galit nang lumabas si Anne sa comfort room at kinumpronta niya ang ilang taong nasa lugar at nanampal.

Itinanggi na ni Jake na hindi niya biniro si Anne habang nasa comfort room. Si John Lloyd naman ay hindi pa rin nagsasalita.

(Read: Jake Cuenca denies pulling prank on Anne Curtis: "I’m a little bit too old to be pulling pranks.)



TONI DEFENDS JL. "Tapos na ako diyan, kasi di na ako nagda-The Buzz..." ang paiwas na sagot ng aktres tungkol sa isyu.

Isa si Toni sa mga host noon ng Sunday showbiz-oriented talk-show, kasama sina Boy Abunda at Charlene Gonzalez.

Patuloy ng aktres, "When something happens, like a controversy [like this one], it’s none of my business, kasi it’s not my job anymore to talk about it.

"So there are some questions na tinatanong ako tungkol d’yan, pero I’d rather not talk about it, because I’m not really involved. I’ve nothing to do [with it], so ayoko siya pag-usapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong na lang si Toni kung ano ang pagkakakilala niya kay John Lloyd.

Sa tingin ba niya ay isang gentleman si Lloydy (isa sa mga palayaw ni John Lloyd)?

"Definitely. [He] never showed any sign of untoward...," sagot ng aktres.

Aniya, hindi raw nila pinag-usapan ang nasabing isyu sa set ng sitcom.

"Actually, nung lumabas ’yan, the next day magkasama ata kami no’n.

"Hindi kasi siya gano’n," patungkol niya sa aktor.

Dahil daw alam niyang sensitibo ang isyu, ayaw raw ni Toni magbigay ng unsolicited advice kay John Lloyd.

Nakita ba niyang apektado si John Lloyd noong sumunod na araw matapos lumabas ang isyu?

"Wala, napaka-professional."

Nakapag-uusap naman daw sila ni John Lloyd, pero hindi ganun kapersonal.

"We talk about life in general," aniya.

Samantala, hindi na humarap si John Lloyd sa entertainment press pagkatapos ng question-and-answer session sa buong cast ng presscon.

WORKING AGAIN WITH LLOYDY. Inamin ni Toni na nakaramdam uli siya ng pagkailang sa sweet scenes nila ni John Lloyd.

Una silang nagkatrabaho sa blockbuster hit movie na My Amnesia Girl noong 2010.

"Iba yung level ng comfortability namin ni John Lloyd sa isat-isa. Hindi naman kami every day nagkakasama sa work.

"Huli kaming nagkasama was three years ago, so nung nagkasama uli, nakakailang uli," paliwanag ng actress-host.

"Gumawa kami ng mga eksena na sweet, pero di madali na maibalik yung dating pagsasama."

Gayunpaman, di raw naglaon ay nawala rin ang pagkailang niya, salamat na rin sa husay ni John Lloyd bilang aktor.

"Mahusay naman kasi siya. Mapagbigay at magaling na aktor sa eksena.

"Hindi mawawala ang hiya nung una, pero eventually nagdire-diretso na, wala na."

Papuri pa ni Toni kay Lloydy, "Napakabait na tao, mapagbigay, at napaka-generous sa eksena.

"Suwerte ang mga nakakatrabaho niya talaga kasi he brings out the best."

NO REASON TO BE JEALOUS. Parehong may kani-kaniyang lovelife sina Toni at John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boyfriend ni Toni si Direk Paul Soriano, samantalang girlfriend naman ni John Lloyd si Angelica Panganiban.

Sa kanilang pagtatambal, hindi kaya magselos ang kanilang mga karelasyon?

"Naku, hindi," mabilis na sagot ni Toni.

Kaibigan daw niya si Angelica at malapit ito sa kanyang nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga. Magkatrabaho sa Banana Split sina Angelica at Alex.

"Siguro sa sobrang dami ng trabaho ko noon, tapos naka-partner ko na rin [si John Lloyd], never naman nagkaroon ng ganon.

"Siguro, for almost six years, nabuo na yung trust na iba ang trabaho at iba ang personal."

Sa katunayan nga raw, aminado si Direk Paul na isa sa mga pinakamagandang pelikulang nagawa ni Toni ay ang My Amnesia Girl nila ni John Lloyd.

Ang Home Sweetie Home ay kinatatampukan din nina Rico Puno, Sandy Andolong, Jayson Gainza, Miles Ocampo, Clarence Delgado, Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, Eda Nolan, Ryan Bang, Eric Nicolas, at Mitoy Yonting.

Ang sitcom ay ipapalabas sa January 5, 2014, pagkatapos ng time slot ng Goin’ Bulilit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN