PEP EXCLUSIVE Claudine Barretto’s camp asks court to recall Gretchen Barretto for cross-examination

Labis daw nasaktan si Claudine Barretto sa mga pahayag sa media ng kapatid na si Gretchen, ayon sa abugado ni Claudine. Sinabi rin ng abugado na papabulaanan nila ang mga pahayag ni Gretchen—tulad ng sinabi nitong drug rehabilitation umano ni Claudine—kapag nasalang na si Gretchen sa hiniling nilang cross-examination.


Hindi pa rin daw makapaniwala ang kampo ni Claudine Barretto na hindi sila pinagbigyan ng korte sa hiling nilang ipagpaliban ang pagdinig ng kasong Permanent Protection Order (PPO) na hinain ng aktres laban sa asawang si Raymart Santiago.

Naganap ang pagdinig noong Huwebes, December 19, 2013, sa Marikina Regional Trial Court Branch 192, sa sala ni Judge Geraldine Fiel-Macaraig.

Bago pa raw nito, nagpadala na sa korte ng notice of postponement si Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Claudine.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atty. Topacio, sa pamamagitan ng telepono, ngayong araw, December 21, sinabi nitong hindi sila makapaniwala sa naging tugon ng korte sa kanilang request.

Saad niya, “Walang ano e, wala daw merit. Hindi ko malaman kung bakit walang merit.

"E, may medical certificate ako from Asian Hospital, pati reseta ko pinakita ko, pati laboratory results ko pinakita ko, na talagang may sakit ako.

"Ano namang style yun? Parang may special treatment dito kay Gretchen Barretto.”

Ang tinutukoy ng abugado ay ang pagkakasakit niya, na dahilan daw ng kanilang paghingi ng postponement sa korte.

Sa kanyang naunang nang pahayag, sinabi nitong ang pangalawang abugado ni Claudine naman ay may kasabay na hearing sa Sandiganbayan, para sa kaso ni former First Gentleman Mike Arroyo.

READ: Claudine Barretto’s camp cries foul over hearing of PPO despite request for postponement



RIGHT TO CROSS-EXAMINE A WITNESS. Sa naganap na pagdinig noong Huwebes, dumalo si Gretchen Barretto at kapatid nitong si J.J. Barretto, kasama si Raymart.

Sa okasyong iyon, nagbigay ng panayam si Gretchen sa mga media na nakaantabay.

Sa interview, sinabi ni Gretchen na naging emosyunal siya sa witness stand.

Ibinunyag niyang sumailalim sa drug rehab si Claudine sa bansang Thailand noong 2011.

Sinabi rin niyang pinagbantaan diumano sila ni J.J. ng amang si Mike Barretto kapag ipinagpatuloy nila ang pagtestigo laban kay Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: Gretchen Barretto testifies against sister Claudine in court; claims dad Mike Barretto threatened to "kill" her

Hindi nakadalo sa naturang hearing ang mga pangunahing abugado ni Claudine, kaya hindi nila na cross-examine si Gretchen.

Bukod dito, kinuwestiyon ni Atty. Topacio kung bakit itinuloy ang pagdinig gayong may abiso na silang hindi sila makakapunta sa hearing.

Himutok pa ni Atty. Topacio, “Karapatan namin yun to examine—why were we deprived of our rights? Yun ang akin.”

Tinanong siya ng PEP kung, sa susunod na hearing, ay hihilingin ng kanilang kampo sa huwes na muling papuntahin sa korte si Gretchen.

Tugon nito, na ang tinutukoy ay ang judge, “E di i-recall niya, kung talagang parehas, di ba?”

Naghain na raw sila ng request sa korte noong Biyernes, December 20, para muling pabalikin si Gretchen sa witness stand.

Aniya, “Nag-request na kami, nag request na kami. Nag-file na kami the very next day.”




GAG ORDER STILL IN EFFECT. Tinanong din ng PEP si Atty. Topacio kung ano ang reaksiyon ni Claudine sa mga pahayag ni Gretchen.

Sinabi ng abugado na nasaktan daw si Claudine sa mga binitiwang salita ng kanyang nakatatandang kapatid.

Saad ng abugado, “Siyempre, to hear your sister’s speaking to you like that.

"Na sinasabi mong mahal ka pa, e alam mo namang hindi na, dahil kung mahal niyo pa yung kapatid niyo, bakit niyo pinagtutulungan nang ganun, in public.”

Ipinagtataka rin daw ni Atty. Topacio kung bakit nagbigay ng panayam si Gretchen tungkol sa mga nangyari sa loob ng korte kahit may gag order ang husgado.

Lahad niya, “Kaya nga we need that to clarify… ano yung sa rehab na sinasabi ni Gretchen?

"Kung nag-cross examine kami, mapapabulaanan namin. Ang nangyari, we were not given [the chance], in fact, to present our side in court. Hindi tama yun.”

Dagdag pa niya, “At the proper time, ilalabas ‘yan. Kaya nga dapat, sa kaso, may mga poder na hindi dapat, ano, na ikuwento. May gag-order nga, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Labag daw sa panuntunan ng gag order ang mga naging pahayag ni Gretchen sa media.

Aniya, “Oo, labag yun, di mo sinasabi in public yung mga nangyayari sa loob ng hukuman. Lalo na ang tungkol sa merits ng case.”

Tungkol naman sa threat diumano ni Mike Barretto sa kanila ni Gretchen, pagdi-dismiss ni Atty. Topacio, “Yung threat, wala namang ganung threat, e.

"Meron ba namang tatay na sasabihin niya yun sa sarili niyang anak? Ano ba naman yun?

"Kaya nga para sa amin, dapat ma-cross examine para malaman kung truthful o fiction yung sinasabi ng tao talaga.”


FAIRNESS AND DUE PROCESS. Ano naman ang gusto nilang mangyari sa ngayon?

Tugon ng abugado ni Claudine, “That we should be given a chance—fairness and due process, that we should be given a chance to cross examine her [Gretchen].

"Yun ang diniprive sa amin ng hukuman, in a manner which we believed unreasonable.”

May tugon na ba ang hukuman sa kanilang hiling na pabalikin si Gretchen sa susunod na pagdinig?

Saad niya, “In due time, we will know. Handa naman kami, e. Rest assured dadalhin namin sa kung saan man makarating para ipaglaban yung karapatan ng aming kliyente.”

Bali-balita ding may balak daw silang magsampa ng kasong libel laban kay Gretchen. Totoo ba ito?

Bilang tugon, sabi ni Atty. Topacio, “Pag-uusapan namin. Actually, matagal ko nang sinasabi ‘yan e.

"Si Claudine lang ang ayaw e, pero palagay ko… Kakausapin ko ulit siya, at sobra-sobra na yung pangyayaring paninira sa kanyang reputasyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN