Alice Dixson airs grievance against TV game show for slow turnover of prize money to her charity of choice

Alice Dixson clarifies that she is not angry about the amount of the prize money she won and earmarked for her favorite charity.

"It’s the principle,” she said as she related the long wait for the the prize money worth a little over P100,000 that she won in a TV game show. Half of the total amount was supposed to go to an orphanage in Manduyong, and the other half she meant to distribute to various charities.

It’s


May isiniwalat si Alice Dixson tungkol sa isang game show, na ayaw na niyang banggitin kung ano ang pangalan at kung saang network umeere.

Gusto lang daw kasi niyang medyo kalampagin ang mga taong namamalakad nito tungkol sa isang isyung hindi pa rin nareresolbahan hanggang ngayon.

“Merong isang game show kung saan ako nag-guest two months ago,” panimulang kuwento ni Alice nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang showbiz media kahapon, Biyernes, December 20.

Nangyari ito sa taping ng pinagbibidahan niyang serye sa TV 5 na For Love or Money, sa Himlayang Pilipino Memorial Park, sa Tandang Sora Avenue, Quezon City.

IT’S THE PRINCIPLE.” “Nanalo ako ng a little over a hundred thousand [pesos]. Tinanong nila kung sino ang charity ko.

“So I gave the name of the charity. It’s an orphanage in Mandaluyong.

“I didn’t say I was going to give the whole amount. They assumed that they were going to give the money to the charity nang buo.

“Sabi ko… okay, let’s fix it. It’s supposed to be, I’m going to get half.

“And then I’m going to distribute it the way I want for Christmas. And then half will go to the charity.

“So every week we would follow up. One month later, wala pa rin.

“Sinasabi nila, hindi pa maayos.

“It’s two months later. Pasko na.

“And, they’re asking for all these documents. Tapos ang sa isip ko is, ’Why didn’t you just ask for that noon pa?’

“Yung hinihingi nila ay documents regarding the foundation, regarding the tax exemption.

“Pero, that could have been done long time ago. Nung una pa lang sana.

“Parang, it’s already Christmas time na. Inaasahan ko na, you know.

“But the thing is, I’m not angry about the amount. It’s the principle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because kung u-oo kayo, you’re gonna announce that you won this amount. Di ba?

“Shouldn’t you... they keep on saying lang, and I’m just fed up.

“Gusto kong makarating pa rin yung fund para sa charity ko.

"Gusto ko lang malaman nila [production staff ng game show] na, ’Hey, it’s been two months na. And it’s Christmas time na. C’mon naman!’”

Kilalang bukas-palad si Alice pagdating sa charity. Sinasabing madali siyang lapitan at hingan ng tulong.

“Basta kaya ko. And there’s a good purpose for the giving, of course!” sabay ngiti niya.

“It’s just our way to help, di ba? Kahit papa’no, our small way to help.”


CHRISTMAS WISHES. Kung siya naman kaya ang bibigyan, ano naman ang gusto niyang matanggap ngayong Pasko?

“Merong dalawa. Pero yung isa, sa akin na lang,” bahagyang natawang sagot ng aktres.

“Basta the other one is health and happiness. Not just for me but for my family.

“’Coz my mom, she’s in her early eighties. And it’s a challenge to have, you know, to have my mom and… whatever her ailments.

“Gusto ko rin na our family would be happy this 2014. My mom also, to be happy.

“My mom stays with me.

“So, aside from that, for our country. Less calamities.

“Pero that’s our fate, e. Hindi natin naku-control ‘yon.

“But I think nadadaan din sa dasal.”


FHM COVER SHOOT. Lately, pinag-usapan nang husto ang cover pictorial na ginawa niya for FHM Philippines.

Ano ang naging reaksiyon ng pamilya niya rito?

“My mom and my sister were at the photo shoot. And I wasn’t sure if my mom would approve it or not.

“But I think that was the reason why I wanted her there. Kasi I don’t keep anything from them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Makikita din naman nila kung ano ang pinaggagagawa ko. So I thought, you know, if she feels uncomfortable watching me, then that means I’m not doing the right thing.

“Then I was ready to… I could leave. Magpapaalam ako, for my mom ‘yon.

“But she didn’t. She just had some questions for the photographer. And when the photographer showed her the shots on his camera, my sister and my mom said… ’It’s nice, ang ganda.’”

Dahil sa nasabing pictorial, na maganda ang feedback mula sa mga kalalakihan, sinasabing may anghang pa rin ang beauty niya.

Nangingiting reaksyon ni Alice, “I’m very humbled na may following pa rin ako.

“Napaka-suwerte ko. Na even at my age, ang dami pa ring humahanga.

“So, inaalagaan ko ‘yon. Tsini-cherish ko ‘yon.

“Because in the same token, I’d like to be a good example of health and fitness to women my age.”


TIGHT-LIPPED ABOUT HER MYSTERY GUY. Sa edad niyang 44-anyos, walang kupas pa rin ang ganda ni Alice.

Hindi nga nakapagtataka kung maraming gustong lumigaw sa kaniya, ngayong napawalang-bisa na ang kasal niya kay Ronnie Miranda.

Wala pa ba siyang napipili na puwedeng makapasa?

“Meron akong isang nagugustuhan!” tila bahagyang kinilig na pag-amin niya.

“But I don’t wanna reveal.

“He’s non-showbiz, so I don’t wanna reveal much about him.

“But we’re dating.”

Exclusively dating sila?

“Basta, we’re dating,” sabay ngiti na naman niya.

“And, I don’t wanna reveal too much. Let’s keep it private.

“You know, we’re just getting to know each other.”

Pero yung iba na gusto pa ring patuloy na manligaw sa kanya, open pa rin siya?

“Yeah!” panghuling nasabi na lang ni Alice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN