Rachelle Ann Go reveals she’s more excited about being on her own in London than performing in Miss Saigon on West End

Rachelle Anne Go on the more meaningful rewards of doing her Miss Saigon stint: “Oo, yung iba ay hindi naiintindihan na aalis ako. Ako kasi ay hindi ko naman habol yung fame o kung anuman ang take ko dun. Ang sa akin, ang habol ko ay yung experience ko. Kung anuman yung matututunan ko dun, hindi naman mababayaran yun, e. It’s a life-changing experience na pagtanda ko ay babalikan ko ’yan—yung experience at lahat ng pinaghirapan ko


Guest performer si Rachelle Ann Go sa mall show ng classical-pop group na Blake noon Linggo, December 15, sa Glorietta Activity Center sa Ayala, Makati City.

Kinanta nina Rachelle at ng all-male trio na nagmula sa United Kingdom ang sikat na awitin ni Martin Nievera na “You Are My Song.”

Pagkatapos ng nasabing duet ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rachelle Ann, na naghahanda na para sa kanyang pag-alis sa March 2014, para sa kanyang Miss Saigon stint sa London.

Napili siyang cast sa pamosong musical play, para sa supporting role na Gigi, isang Vietnamese bar girl.

Ang role na ito ay unang ginampanan ng Filipina singer na si Isay Alvarez sa kauna-unahang palabas ng Miss Saigon sa West End, Theatre Royal, Drury Lane, London, noong 1989.

WILLING TO GROW.” Bungad na kuwento ni Rachelle tungkol sa preparasyon para sa London, “Inaayos ko na lahat. Actually sa March pa ang lipad namin.

“Okay naman sa GMA executives, kasi nang makipag-usap kami, willing naman daw sila na i-suspend muna yung contract ko sa kanila.

“They are all very supportive naman sa akin.

“Grabe ang nararamdaman ko ngayon kasi, unang-una, hindi ako marunong magluto. Wala akong masyadong alam. Kaya feeling ko, isa na rin yun sa purpose kung bakit ako mapupunta dun.

“Para nga matuto ako not just as an artist but as a person also—yung displina and all, but I’m willing to grow.”

Ngayon pa lang daw ay kinukondisyon na niya ang sarili sa klase ng buhay na maaaring maranasan niya sa London.

Aniya, “Iniisip ko rin, kakayanin ko ba? Pero sa ngayon, hindi ko muna masasabi hangga’t wala pa ako doon, e.

“Alam ko na mag-isa lang ako doon, pero alam ko naman na hindi ako pababayaan ng mga taong makakasama ko sa work, yung buong team ng Miss Saigon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Excited ako sa buhay kong mag-isa. Mas doon, kesa sa mag-perform ako sa malaking audience, kasi nagagawa ko naman yung mag-perform in a big crowd.

“Pero, yung mamuhay na mag-isa, iba yun sa akin. Hindi ko kinasanayan dito sa atin sa Pilipinas.

“’Tsaka yung nasa ibang lugar ka na iba ang kultura, tapos mahal at malamig pa dun.”

WINNING INGREDIENTS. Sa tingin niya, ano ang naging advantage niya sa ibang nag-audition sa role ni Gigi?

Matatandaang hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang bansa nagpa-audition ang team ni Cameron Mackintosh para sa pagbuo muli ng musical play na ito.

Paliwanag ng Sunday All Stars mainstay, “Hindi ko rin matanong yun, e, kasi sabi nila, kapag nagtanong ako, hindi rin nila sasagutin, e.

“Basta ako, ginawa ko lang ang best ko, yung audition piece ko and everything. Sa totoo lang, nung mag-audition ako, yung talent at karanasan ko lang bilang singer ang bitbit ko.

“I went there plain and simple. Yung iba kung makita mo, maa-amuse ka talaga.

“Baka there was something in me na nakita nila for me to play as Gigi.”

INTERNALIZING HER ROLE. Napag-usapan namin ang imahe ng isang "Gigi" sa play. Isa nga itong bar girl na maharot at malayo sa tunay na personalidad niya rito sa ating bansa.

“Noong una, yun din nga ang naisip ko, e,” pag-aalangan niya.

“Pero, sabi ko sa sarili ko, it’s just a role at hindi ko naman ibebenta ang katawan ko, di ba?

“Sa ngayon, hindi ko pa natatanggap ang script, so wala pa akong pagbabasehan kung paano siya aatakihin.

“Kahit feelers from the team, wala pa, wala pa. Wala pa naman silang sinasabi sa akin.

“Ang ginagawa ko, I listen to the music. Pinanonood ko sa video tape yung play mismo, pinapa-familiarize ko ang sarili ko sa role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sabi nila, ’wag mo raw kabisaduhin masyado kasi maraming changes ang mangyayari.

“Kaya hindi ko masyadong inaano ang sistema ko, dahil baka kapag nandoon na ay mahirap baliin. So, doon na lang talaga.”

Maging sa sarili niya, hindi raw muna niya inilalagay sa isip kung anong klaseng atake ang gagawin sa role na Gigi.

“Mahirap e,” ayon pa sa 2004 Search For A Star Grand Champion.

“Kasi, yung direktor pa rin naman ang masusunod, di ba?

“Basta, kailangan, physically ay ready ako dahil every day yun, di ba? Kaya, todo exercise ako ngayon—kailangang prepared talaga ako once nag-start na siya.

“Basta kung ano ang ipapagawa sa akin, I promise to be really obedient.

“Sabi ko nga sa friends ko, ’wag naman silang manood nang sabay-sabay para every day ay may makausap ako.

"Tapos, para varied din ang criticisms nila sa akin,” natatawa niyang saad.

NOT FOR MONEY OR FAME. May mga nagsasabi sa kanya na bakit kailangan pa niyang mag-London samantalang maayos naman ang tinatakbo ng kanyang showbiz career dito sa Pilipinas.

Komento pa nila ay hindi na niya kailangang lumipad pa ng ibang bansa para magkaroon ng sariling career.

“Oo, yung iba ay hindi naiintindihan na aalis ako,” pag-amin niya.

“Ako kasi ay hindi ko naman habol yung fame o kung anuman ang take ko dun. Ang sa akin, ang habol ko ay yung experience ko.

“Kung anuman yung matututunan ko dun, hindi naman mababayaran yun, e.

“It’s a life-changing experience, na pagtanda ko ay babalikan ko ’yan—yung experience at lahat ng pinaghirapan ko.

“Hindi ko rin iniisip kung financially rewarding ito. Wala akong pakialam. Yung sa akin talaga, it’s not the money.”

BIGGEST ACHIEVEMENT SO FAR. Bilang artist, masasabi ba niyang ito na ang pinakamalaking achievement niya bukod sa pagkakaroon ng successful singing and TV career locally?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsang-ayon ng 27-year-old singer-performer, “Yeah, I think so.

“It’s a new chapter in my life—excited ako at alam ko na may purpose si God kung bakit ibinigay niya ito sa akin.

“Bata pa ako, pangarap ko na talaga ang makatanggap ng international awards at yung ganitong opportunity.

“Nakapanood ako ng Miss Saigon sa Canada three or four years ago, at nasabi ko sa sarili ko na, ’One day, I’m gonna do that.’

“Tapos, without me realizing, na nagkaroon ako ng Little Mermaid, Tarzan. Tapos na-in love na ako sa theater noong ginawa ko yung Little Mermaid.

“Hindi ko ini-expect na pini-prepara na pala ako ni God para sa isang malaking proyekto.

"So, I’m really thankful at sana maging proud ang Pilipinas sa aming lahat na part ng malaking ensemble na ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN