Nikki Gil plans to hone craft further in 2014; may entertain suitors by 2015

Gusto pagtuunan ni Nikki Gil sa taong 2014 ang pagyabong ng kanyang pag-arte. Ito raw ay upang lalo pa siyang magtagal sa industriya.

Sa tanong naman kung bakit hindi siya nakitaan ng kahinaan matapos ng breakup nila ng five-year boyfriend na si Billy Crawford, sagot ni Nikki: “Of course, I have my moments of weakness, but it was something that I dealt with on my own, behind closed doors, within the confines of my family and my home."


Marami daw nais gawin ang Kapamilya actress na si Nikki Gil sa darating na 2014.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Gusto kong enjoyin yung pagiging single. Kasi ano e, parang feeling ko, ngayon ko pa lang siya mai-enjoy.

“Kasi ngayon ko pa lang siya mai-enjoy nang buong-buo. Kasi before, I was in school. After that, work, jowa [boyfriend].

"So, parang wala akong time to really push for, alam mo yun, for things na gusto ko, kung anong gusto kong mangyari sa buhay ko.

"So, I will enjoy 2014 para pagpasok ng 2015, handa na akong ano…”

Naputol ang sinasabi ni Nikki, pero kalaunan ay nasambit niyang gusto niya, pagdating ng taong 2015, na handa na siyang umibig muli.



"VERY NEW YORKER ANG PEG." Bukod sa i-enjoyin niya ang pagiging single, gusto rin daw ni Nikki na mangibang-bansa kahit saglit.

Saad niya, “If I have the time, not to live abroad, but maybe stay abroad for a few months.

"Mga two months, take up short courses, maybe acting and theater. Very New Yorker ang peg.

"New York or London, basta all for ano—an investment sa craft, ganun.

“Parang I wanna take it a notch higher and really invest on what I do, because that’s the only way… It’s key to longevity.

"If you’ve always been longing for growth—room for growth and meron kang constructive discontent, alam mo yun?

“You’ll never really be content with what you are and you keep aiming higher.”



KEEPING IT TOGETHER. Isa marahil sa pinakamasakit na pinagdaanan ni Nikki ay ang hiwalayan nila ni Billy Crawford.

Halos umabot sa limang taon ang kanilang relasyon, pero nauwi din ito sa wala, dahil sa third party.

READ: Nikki Gil reveals third party caused breakup with Billy Crawford: "There were always a lot of warnings, but I chose to ignore them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos nito, sinabi niyang nakausad na siya mula sa breakup at napatawad na niya ang dating kasintahan. Pero, hindi raw kaakibat ng pagpapatawad ang pagiging magkaibigan nila ulit.

READ: Nikki Gil on ex-boyfriend Billy Crawford: Yes to forgiveness, no to friendship

Ano ang sikreto ni Nikki at hindi siya nakitaang natinag o nasaktan?

Sagot niya, “Hindi natinag? E, kasi ewan ko, what for? I mean, as it is, a lot of eyes are on you because you’re a public figure, public property, so you wanna be able to show them something that will draw inspiration for others.

“Of course I have my moments of weakness, but it was something that I dealt with on my own, behind closed doors, within the confines of my family and my home.

"Siyempre, tao lang din naman ako, but as to… what for, bakit ko ipapakita? Siyempre, ang ipakita mo yung okay ka na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN