Nash Aguas feels the pressure of being dubbed "the next Daniel Padilla"

Nash Aguas on being eyed as "the next Daniel Padilla": “Natutuwa pero kinakabahan. Tapos feeling ko, hindi naman, kasi gusto ko lang talaga ipakita kung paano ako umarte.”


Inamin ng Star Magic talent na si Nash Aguas na na-pressure siya nang masabihang siya na ang susunod sa yapak ni Daniel Padilla bilang next teen sensation.

Wika ni Nash, “Natutuwa pero kinakabahan. Tapos feeling ko, hindi naman, kasi gusto ko lang talaga ipakita kung paano ako umarte.”

Gusto lang daw talaga ni Nash na umarte, kaya hindi siya nag-e-expect ng kung anuman pagdating sa kanyang career.

“Nung bata pa lang ako, yun talaga yung focus ko. Kung paano gumaling nang gumaling sa pag-arte.

“Kasi gusto ko lang mapakita yung skills ko sa acting and gawa lang ako nang gawa ng shows, yun lang talaga.”

Laking pasasalamat ni Nash sa mga nakakapansin ng kanyang husay, lalo na sa mga episodes ng Maalaala Mo Kaya na kinabilangan niya.

Ani Nash, “Sobrang natutuwa po ako ako kasi hindi ko po ine-expect na sobrang ganda ng feedback ng mga tao.

“Tapos, meron pang mga times na sa Twitter, pati mga co-artist ko nagte-trending. Kahit sina Kuya Jason Abalos, nagti-tweet na magaling kami, magaling ako dun sa MMK ko.

“Nakakatuwa kasi na-a-appreciate nila yung hard work ko sa mga ginagawa kong project.”

Sa ngayon, ang teen comedy series na Luv U pa lang ang pinagkakaabalahan ni Nash, ngunit meron daw binubuo ang Kapamilya network na bagong proyektong kabibilangan niya.

“Meron pong… ewan ko po kung puwede sabihin, e. Feeling ko po, bawal pa. Basta may gagawin po akong project, pero hindi ko pa sure kung talagang ako.”

Nakapanayam ng PEP si Nash sa Christmas Party ng Star Magic Kids sa Enchanted Kingdom noong December 19.


NEW YEAR’S RESOLUTION. Tulad ng mga ordinaryong bata, minsan ay nagiging makulit din si Nash sa kanyang mga magulang, pag-amin nito.

Kaya naman pangako nito, bawawasan na raw niya ang kanyang kakulitan sa 2014.

Sabi ni Nash, “Siguro, hindi na ako magiging makulit. Kasi ang kulit ko kay mommy, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan pag sinasabihan ako, ‘Hindi! Teka lang! Wait lang!’ yung ganun. Tapos, ‘Nash, kumain ka na!’ Ako, ‘Hindi, mamaya na!,’ yung ganun. Makulit ako sa kanya.

“Siguro yun, babawasan ko sa kanya kulit ko.”

Bukod dito, nais rin ng young actor na magkaroon ng charity event tuwing Pasko.

“Gusto ko every year, ’pag Christmas, tutulong na ako sa mga… Kasi last week pumunta kami sa DSWD, charity naman din para sa ASAP.

“Parang first time ko kasi [gawin], so parang natutuwa ako... First time ko rin talagang makita yung mga [Yolanda] survivors.

“So, natutuwa ako kasi parang kakaiba yung saya. Iba yung saya na, parang, pag nag-Christmas ikaw lang kasama mo yung family mo.

"Iba yung kapag nase-share mo yung blessings mo. So every year, gagawin ko yun.”

Wala naman daw mahihiling pa si Nash para sa sarili para sa susunod na taon.

Aniya, “Ang gusto ko lang—maging maganda, walang magkasakit, ganun lang. Yung maging happy lang, wala masyadong problems, so dapat chill lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN