KC Concepcion wants more quality projects in 2014; considers going to the U.S. to study

Ayaw munang mag-detalye ni KC Concepcion tungkol sa kanyang lovelife. Kapag solid na raw ang relasyon niya sa napupusuang lalaki, saka siya mag-a-anunsiyo sa publiko.


Dahil sa pagiging abala sa pagpo-promote ng Metro Manila Film Festival entry niyang Boy Golden: Shoot To Kill, hindi namalayan ni KC Concepcion na malapit na palang magpalit ang taon.

Noong Parada ng mga Bituin last December 22, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga kung ano ang goals o balak niyang gawin sa 2014.

Medyo naaalangan niyang tugon, “2014? Oo nga pala, parang ilang days na lang 2014 na.

“A, siyempre gusto kong mas lalo pang gumawa ng magagandang proyekto dito sa Philippine entertainment industry.

"Kaya naman ako umuwi galing Europe kasi gusto ko rin kahit papa’no mag-contribute dito at mas masaya po na makilala lahat ng artista dito sa industry, lahat ng director, kayo [media]."

Pagpapatuloy pa ni KC, “Masayang industriya po kasi ito e parang circus, di ba?

"I’d like to do more projects and, at the same time, gusto ko pang mag-aral kahit mga short courses sa Amerika, gusto ko ring gawin yun.

"And nami-miss ko rin yung mga kaibigan ko sa ibang bansa.

"Ang dami na rin kasing nangyari sa kanila, sa buhay-buhay nila, sa WhatsApp [mobile messenger ng android at windows phone] na lang kami nag-uusap.

"So gusto ko silang makita next year."


“GUSTO KONG KILIGIN…” Bukod daw sa gusto niyang makagawa ng maraming de-kalidad na proyekto at makapiling ang mga kaibigan abroad, may isa pa raw na gustong ma-achieve si KC.

Nakangiti niyang kuwento, “Apart from that, gusto kong kiligin. Sana next year meron na talaga akong magiging boyfriend na alam mo yun…”

READ KC Concepcion lets on she’s ready to be giddily in love again...

Noong 2011 ang huling relasyon ni KC sa dati nitong boyfriend na si Piolo Pascual.

Tanong ng PEP, hindi pa ba siya handang pumasok ulit sa isang relasyon?

Saad niya, “A, siguro takot na takot din po akong magkuwento ng masyadong marami kasi naging very open na rin ako and gusto ko munang kumbaga pagandahin yung relationship bago ilabas sa world."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Follow-up question ng PEP: may napupusuan na ba siya sa dalawang Kapamilya stars—Luis Manzano at Paulo Avelino—na nali-link sa kanya?

Sa halip na sagutin ang tanong, ngumiti ito at nakiusap na, “Huwag na lang po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN