Jodi Sta. Maria spends the holidays in Dubai with son Thirdy; proud of Richard Yap’s latest achievement

Jodi Sta. Maria on Richard Yap’s Best Actor win: "Sabi ko ‘Chenes, isa ka nang ganap na aktor. May award ka na!’ So kinongratulate ko naman siya, and I’m really happy for him because that’s another feather in his cap."


Kahit na napakabigat ng schedule ni Jodi Sta. Maria, gumawa ng paraan ang Kapamilya star upang makapag-celebrate ng Pasko at Bagong taon kasama ang pamilya.

Paliwanag ng Be Careful With My Heart star, “Kahit gaano naman tayo ka-busy, hindi naman natin puwedeng kalimutan yung importanteng tao sa buhay natin, di ba, especially ang ating mga pamilya.”

Kaya nitong holiday season, ang out-of-the-country trip nilang magpamilya ay isa sa mga tiniyak niyang mangyayari bago matapos ang taon.

“I think, third week of December, magsa-stop muna kami mag-taping para sa holiday season, and then, after that, babalik na kami after New Year.

“And may mga naka-plan naman na bakasyon with Thirdy and my mom, with my family.

“So, I’m looking forward to that, because yung bakasyon namin, yun yung aming way of bonding.”

Babalik ng Dubai sina Jodi at Thirdy para doon mag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.

Kuwento ni Jodi, “Kasi nung nag-show kami nun sa Abu Dhabi and sa Dubai nung March, na-enjoy talaga ni Thirdy yung Mall of the Emirates.

“Na-enjoy niya yung Ferrari World, so balak ko siyang dalhin ulit dun.

“And, siyempre, this time kasama ko yung mom ko, yung kapatid ko, kasi gusto ko ma-experience din nila yung na-experience namin nung nagpunta kami sa Dubai, para happy din sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Enterainment Portal) si Jodi sa opening ng third branch ng kanyang business na Happy Barn Milkshake Factory, sa Market! Market!, sa Bonifacio Global City complex, Taguig City.


HIGHLIGHT OF 2013. Naging maganda ang taong 2013 para kay Jodi.

Sunud-sunod ang magagandang pumasok sa buhay niya, kabilang na ang kanyang pinakabagong business venture—ang Happy Barn Milkshake Factory, na may tatlong branches na.

READ MORE: The guilt-free milkshake experience with Jodi Sta. Maria

Pero ang pinaka-ipinagpapasalamat niya para sa taong ito ay ang daytime drama series na Be Careful With My Heart, kung saan siya ang female lead.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga ni Jodi, “Kumbaga, this show has opened a lot of doors and opportunities for me. Not only for me, but for my co-actors as well.

“Hindi ba? Parang who’d have thought na magkakaroon kami ng album, and then nakakatawa kasi marami ring awards na dumating sa amin this year.

“So we’re really thankful to the Lord for bringing Be Careful With My Heart to our lives.”

Ipinagpapasalamat din daw ni Jodi ang patuloy na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang programa, kahit ngayong kasal na ang mga karakter nilang sina Maya (Jodi) at Ser Chief (Richard Yap).

“We’re very grateful. We’re very happy na we got good ratings for our wedding episode,” ani Jodi.

“Grabe, na talaga namang pinagpaguran namin—kumbaga, blood, sweat, and tears.

“Well, everything paid off naman. And after noon, mas na-excite na yung mga tao kasi, kumbaga, uber level-up na yung sweetness and yung relationship ni Ser Chief and ni Maya, bilang mag-asawa na sila.”

Dagdag pa ng aktres, “So, natutuwa kami because we’re getting good feedbacks and reactions from our followers.”

Kelan naman kaya matatapos ang kanilang programa?

Sagot ng Star Magic talent, “Ang huling rinig namin is 2014, pero hindi pa ako puwedeng mag-disclose kung anong month next year mag-e-end yung show or kung tatakbo pa yung show. Hindi ko alam.”


RICHARD YAP. Samantala, ipinagmamalaki naman ni Jodi ang co-star na si Richard Yap dahil nakuha nito ang Best Actor Award mula sa 27th PMPC Star Awards for Television, noong November 24.

Ito ay para sa Be Careful With My Heart. Ka-tie ni Richard si Coco Martin para naman sa Juan De La Cruz.

Sabi ni Jodi, na kinikilalang magaling na aktres, “Sabi ko, ‘Chenes, isa ka nang ganap na aktor. May award ka na!’

“So, kinongratulate ko naman siya, and I’m really happy for him because that’s another feather in his cap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun, nag-treat naman siya ng pizza sa set. Hindi lang kami nag-celebrate bilang wala naman kami masyadong time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN