Louise delos Reyes will not be spending Christmas day with boyfriend Enzo Pineda because “Every day is Christmas pag magkasama kami.”

Kabilang sa Christmas wish ni Louise delos Reyes ang pagbangong muli ng mga nasalanta ng bagyo sa Kabisayaan: “Ako na blessed nang sobra-sobra this year, pero sila bago mag-Christmas, dumaan sa trahedya. Kaya sana sa mga kababayan natin, let’s pray for them at tulungan pa rin natin sila sa abot ng ating makakaya.”


Masayang-masaya ang isa sa pangunahing talents ng GMA-7 na si Louise delos Reyes ngayong araw ng Kapaskuhan.

“Siguro, sa dami ng blessings na dumadating sa akin, wala na talaga akong mahihiling pa,” bungad ng Kapuso actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Sunday All Stars, sa GMA Annex Building, nung nakaraang Linggo, Disyembre 22.

“Bukod kasi sa masaya at buo ang aming pamilya, sobrang na-bless ako this year sa sobrang dami at magagandang proyekto.

“Bukod pa sa happy naman ang lovelife ko, ha-ha-ha-ha!” natatawang sabi pa ng rising GMA star.

Nitong 2013 din kasi nagkabalikan sina Louise, 20 taong gulang, at ang boyfriend na si Enzo Pineda, 23 taong gulang, matapos na magkahiwalay bandang Marso ng taong ito.

Read: Louise delos Reyes on breakup with Enzo Pineda: “Wala namang perpektong pagmamahalan at wala ring perpektong nagmamahal.”

“Kung may wish ako, hindi na siguro para sa akin. Siguro para sa mga mahal ko sa buhay na lang.

“Sana hindi na sila magkasakit, sana laging maganda yung health nila—both my dad and mom.

“Matanda na kasi yung mommy at daddy ko. Sana makasama ko pa sila nang matagal.

“Ano pa ba? Gasgas na yung ‘world peace,’ ha-ha-ha!

“Siguro wish ko din na makabangon yung mga kababayan natin sa Visayas na nasalanta ng bagyong Yolanda. Sa dinaanan kasi nila, sila yung kinakailangan talagang tulungan at bigyang-pansin.

“Para kahit papa’no maging masaya sila sa araw ng Kapaskuhan at maging sa pagpasok ng 2014.

“Kasi tayo, like, ako na blessed nang sobra-sobra this year, pero sila bago mag-Christmas, dumaan sa trahedya.

“Kaya sana sa mga kababayan natin, let’s pray for them at tulungan pa rin natin sila sa abot ng ating makakaya,” hiling ni Louise.

EVERY DAY IS CHRISTMAS WITH ENZO. Magkasama ba sila ni Enzo sa araw ng Pasko?

“Naku, hindi siguro. Na-advance na! Ha-ha-ha! Kasi nakapunta na ako sa kanila,” sagot agad ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi naman kasi kaming magkasama. Kaya siguro this Christmas, kasama ko ang family ko. ‘Tsaka marami din akong a-attend-an na reunion.

“Naiintindihan na niya yun, kasi nag-usap na kami about that.

“Sa amin naman kasi, every day is Christmas pag magkasama kami,” nakangiti pang saad ni Louise.

Pero pagdating sa materyal na bagay, meron ba siyang hinihiling na mapasakanya ngayong Pasko?

“Ever since talaga, gusto ko magkaroon ng Pandora Bracelet. Kasi mahilig ako sa anik-anik,” ani Louise.

Ang Pandora Bracelet ay ang pinasikat na charms, beads, and stones bracelet ng Danish jewelry company na Pandora A/S, nung 2000.

Naging popular ang bracelet na ito dahil puwedeng i-customize ang bawat bracelet sa pamamagitan ng pagdadagdag o pagbabawas ng mga charms, beads, at semi-precious stones na nakalagay rito.

“Yun lang talaga ang gusto kong matanggap na regalo ngayong Pasko, hopefully may magregalo. Ha-ha-ha!” tila nagpaparinig na hiling ni Louise.

“Bukod doon, wala na akong mahihiling pa.”

Paano naman sila mag-celebrate ng Christmas sa pamilya niya?

“Kami kasi, simula pa nung bata ako, magkakasama kami pag Christmas. Buong pamilya, nagsisimba.

"’Tapos sabay sabay na nagno-noche buena at sabay-sabay din naming binibigay yung mga regalo namin sa isa`t isa at sabay-sabay din naming binubuksan.

“Isa kasi ang Christmas sa inaabangan namin sa buong taon, kasi iba yung feelings pag Christmas. Ang saya-saya.”



KAMBAL SIRENA. Sa pagpasok ng 2014, ano ba ang dapat abangan sa kanya?

“Ang isa sa aabangan nila ay ang bago kong soap, yung Kambal Sirena,” sagot ni Louise.

Sumailalim daw ng espesyal na training sa paglangoy si Louise.

“Nag-gym ako, nag-training ako sa swimming and diving under Sir Jess Lapid Jr. Siya yung nagtuturo sa akin.”

Si Jess Lapid Jr. ay anak ng 1960s action star na si Jess Lapid, na naging malaking action star.

Si Jess Lapid Jr. ay dati ring aktor, at ngayon ay kilalang dive and swimming instructor ng ilang showbiz personalities, tulad nina Angel Locsin, Ara Mina, Rocco Nacino, at Jackie Rice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano pa ba? Kasi sa pagkain naman kasi, hindi ako strict sa diet. Kasi since marami akong energy na nako-consume sa pagti-training at sa pagdyi-gym. Siguro break-even na yung pagkain."

Katulad ng ilang batang babae nung araw, pinangarap din daw ni Louise na maging sirena.

“Oo, actually, dalawang pelikula ng Disney ang una kong pinanood nung bata pa ako—yung Snow White at Little Mermaid,” banggit ni Louise sa classic 1937 at 1989 movies ng American filmmaker and producer na si Walt Disney.

“Kaya naging dream ko na rin na, someday, gusto kong maging isang Snow White at Little Mermaid. Ha-ha-ha!

“May isa pa pala akong gustong gawin—ang sumakay ng flying carpet! Mala-Jasmine sa Alladin ang peg! Ha-ha-ha!” banggit niya sa isa pang Disney movie na ipinalabas naman nung 1992.

“Kaya naman sobrang happy ako nang sinabi sa akin na ang next project ko, sirena ako. Kasi dream come true talaga.

“Gusto ko kasi na gumanap sa isang role na inosente, na parang walang muwang sa mundo katulad ng sirena.

“Gusto ko talaga kasi yung may magic, fantasy. Kaya dito sa Kambal Sirena may mga magic silang mapapanood,” pagbibida pa ni Louise.

Nanibago ba siya na hindi ang ka-loveteam niyang si Alden Richards, 20 taong gulang, ang makakatambal niya ngayon?

Apat na beses nang nagkatambal sina Louise at Alden sa mga serye ng GMA-7: Alakdana (2011), My Beloved (2012), One True Love (2012), at Mundo Mo’y Akin (2013).

Ngayon ay si Aljur Abrenica, 23 taong gulang, ang makakatambal niya.

“Nakakapanibago rin. Kasi bago siya, hindi ko naman nakakasama nang matagal sa isang soap si Aljur. Kumbaga, first time ko talaga siya makakasama,” pagtatapat ni Louise.

“Nasanay kasi ako na si Alden yung lagi kong kasama. So, ngayon iba naman, ibang grupo.

“Pero katulad ng ibang loveteams na siyempre nawawala for a while, kasi kailangan talaga ng mga artista na mag-grow at mag-try ng ibang loveteam naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano ba siya ka-excited sa proyektong ito?

“Sobra-sobrang excited. Kasi katulad ng sinabi ko, bata pa ako gusto ko na talagang maging sirena at ngayon nga yung katuparan ng pangarap ko, dito sa Kambal Sirena.

“Excited din, di lang ako, maging yung ibang kasama namin. Kasi bukod sa trabaho, magsisilbi siyang outing. Ha-ha-ha! Kasi may mga beaches kaming pupuntahan.

“’Tsaka excited na rin akong makatrabaho yung mga artistang makakasama ko dito,” patuloy ni Louise.



GOING SEXY? Gaano ka-sexy at ka-daring si Louise sa Kambal Sirena?

“Hindi ko pa alam, abangan na lang nila.

“Kasi alam naman natin, di ba, kung ano ang hitsura at suot ng sirena? So abangan na lang nila.

“Pero ang alam ko, gusto nila [production team ng Kambal Sirena] na maiba nila ang tingin ng mga manonood sa sirena.

“Iba yung atake, iba yung konsepto ng pagiging sirena at magiging takbo ng istorya, na hindi yung typical na napapanood sa mga kuwento ng sirena.

“Actually, hindi ko pa alam kung ano yung mga mangyayari pa, kasi hindi ko pa naman nababasa yung buong script. Pero alam ko na maganda at iba ito sa mga nagawa ko nang soaps. “

Pagkatapos ba ng Kambal Sirena, handa na siyang mag-pose para naman sa FHM?

“Aaay! Siguro hindi pa sa ngayon, hindi ko pa naiisip na as early as now ay magpo-pose ako or magiging cover girl ako ng FHM!” napatiling wika ni Louise.

“Hindi naman sa nagsasara ako ng pintuan, sa opportunity na magiging cover girl ako ng FHM, na magsasabi na ayaw ko, pero darating yung time na magpo-pose ka rin, di ba?

“Ano lang, pag ready na talaga ako physically at mentally.

“Basta pag dumating yung time na gusto ko na, siguro yun na yung time na makikita nila ako sa cover ng FHM.”

Bukod kay Aljur may iba pa ba siyang gustong makatambal sa bakuran ng GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Madami. Siyempre, unang-una, sana maka-partner ko someday si Enzo, ‘tapos si Tom Rodriguez.

“Gusto ko din naman kasi na maka-try na maka-partner ang iba`t ibang male stars ng GMA-7. Sana makatrabaho ko pa rin sila."

May plano rin ba siyang sumali ng beauty pageants? May mga nagsasabi kasing puwedeng-puwede si Louise sumali sa mga timpalak pagandahan.

“As of now, wala talaga. Sa kanila na lang yun, ha-ha-ha!

“Tsaka hindi naman kasi talaga yun yung gusto ko. Kumbaga, hindi yun yung goal ko, hindi yun yung career na gusto kong puntahan.

“Bukod sa hindi naman ako ganun katangkaran. So, ibigay na lang natin sa mga dream talaga yung maging bauty queens at matatangkad talaga,” may pagpapaubayang pahayag ni Louise.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN