Michael de Mesa spends Christmas in U.S. with parents Eddie Mesa and Rosemary Gil; mulls returning to local showbiz for good

Ipinagmamalaki ni Michael de Mesa ang pagbabagong nangyari sa anak niyang si Geoff Eigenmann. Dahil dito, inspirado tuloy din daw siyang mag-workout. “In terms of my physical health and mental health also, he really inspires me. I’m really proud of that boy,” ani Michael tungkol kay Geoff.


Sa mga sandaling ito, patungo na ng Estados Unidos si Michael de Mesa.

Nung makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang award-winning actor at director sa GMA Network, nung Linggo, December 22, kagagaling lang nito sa isang meeting para sa nalalapit na pagdi-direct ng isang episode ng Magpakailanman.

Paliwanag ni Michael tungkol sa pagbalik niya sa U.S. ngayong Pasko, “Last year kasi dito ako nung Christmas. Pero this year, first time naming mag-i-spend ng Christmas again with my parents.”

Ang mga magulang ni Michael ay ang mga sikat na artista nung dekada ’60s at ’70s na sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa.

“Kasi matagal e hiwalay kami. So, doon ako [magpa-Pasko] sa States, and New Year with my wife, my stepdaughter, and AJ. Pupunta silang mag-asawa sa California para mag-spend nga ng Christmas with us.”

Si AJ ay isa sa tatlong anak ni Michael sa actress-director na si Gina Alajar.

Ang dalawa pang anak nila ni Gina ay sina Geoff at Ryan Eigenmann na parehong artista rin.

Ang asawa naman ngayon ni Michael ay ang dating Hotlegs Dance Company member na si Julie Reyes. Ikinasal sila sa U.S. nung 2011.

HIS HEART BELONGS TO SHOWBIZ. Sa kasalukuyang estado ng showbiz career ni Michael, nabanggit niyang masaya siya ngayon.

“Okey naman, I’m happy,” nakangiti pa niyang sabi.

Mula nang magbalik-showbiz nung nakaraang taon, hindi na nawalan ng trabaho si Michael.

Nilisan muna ng aktor ang local showbiz nung 2009, at nanatili sa U.S. kasama si Julie at anak nito.

Nung 2012, in-offer sa kanya ang TV5 remake ng TAPE Inc. original TV series na Valiente. Pagkatapos niyon, sunud-sunod nang nagsidatingan ang mga proyekto.

Dito raw niya napagtanto na hindi niya kayang tuluyang talikuran ang propesyong nakagisnan, kahit na nanatili pa siya ng ilang taon sa Estados Unidos.

“I was gone for almost three years, diretso. ‘Tapos na-offer sa akin ang Valiente, gagawing remake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nandun yung puso ko talaga, e. Na-miss ko, kaya tinanggap ko. Then after that, tuluy-tuloy na."

Pagbabalik-alaala pa ni Michael, “Funny nga, e. Kung kailan ikinasal kami, saka naman ako napunta dito [Pilipinas]. E, gano’n talaga. In time, magsasama-sama rin kami.”

Mahirap man ang long-distance relationship nilang mag-asawa, alam naman daw nila na panandalian lang ang hirap na nararasanan nila.

“Ahm... Alam naman namin na gano’n ang mangyayari. And alam naman namin na it’s only going to last for a short period of time.

“Konting sacrifice, and I’m almost there. Makuha ko lang yung [U.S.] citizenship ko, puwede na, e. Puwede na kaming magtagal dito.

“Ilang months na lang, puwede na akong mag-apply. Photo-finish na nga, e. Hopefully, less than a year, couple of months... Two to three months lang daw.”

Iniisip na nga raw niyang manirahan muli rito kasama ang asawa. Nahihirapan na rin daw siya sa pagpaparoo’t parito sa U.S. at Pilipinas.

Paliwanag ni Michael kung bakit hindi pa rin puwedeng manatili sa Pilipinas ang kanyang misis na si Julie, “Kasi yung daughter niya, nag-aaral pa, e. So, graduating na, next year.

“We’ll see after that kung puwede [nang lumipat sa Pilipinas], pag nakapag-graduate na.”


RELATIONSHIP WITH GINA. Happily married si Michael, kumusta naman sila ng ex-wife niyang si Gina?

“Okey lang,” tugon niya agad.

Nakakapag-usap naman daw sila.

“We’re ok, pag nagkikita-kita kami. Okey lang. Wala namang problem. Okey naman kami, e.

“Sa akin, I’m okay with everything. Pag nagkikita kami, nagbabatian naman kami,” lahad pa ni Michael tungkol sa estado nila ngayon ng dating asawa.

Taliwas sa pakikitungo sa isa’t isa nina Gina at Michael ang pakikitungo naman ng kapatid ng aktor na si Mark Gil sa dating kinakasama nitong si Jaclyn Jose.

Reaksyon tuloy agad ni Michael nang mabanggit ang hindi maayos na tratuhan nina Jaclyn at Mark, “Ewan ko. No comment ako diyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INSPIRED BY GEOFF. Pagdating naman sa kanyang anak na si Geoff Eigenmann, may ngiti sa labi si Michael tungkol sa pagbabagong nagaganap dito.

Pagmamalaki ni Michael, “Geoff is doing well. Yung nangyari sa kanya lately, di ba, nag-tranform siya? Ang lakas ng impact sa akin.

“Kung kaya niyang gawin, bakit hindi ko kayang gawin?”

Ang tinutukoy ni Michael ay ang pagbabawas ng timbang ng kanyang anak.

Napilitang magbawas ng timbang si Geoff matapos makakuha ng “fat memo” mula sa management ng GMA Network nung kalagitnaan ng 2013.

Read: Gina Alajar confirms son Geoff Eigenmann received "fat memo" from GMA-7 management

Habang walang proyekto, ginugol ni Geoff ang kanyang oras sa pagbabawas ng timbang sa pamamagitan ng pagte-training sa mixed martial arts at pagwo-workout sa gym. Hanggang sa naging workout-addict na nga itong matatawag.

Read: Geoff Eigenmann happy with the result of his weight-loss training

Pagpapatuloy ni Michael, “Nakaka-inspire, sobra. So, yung ginawa niyang yun, parang in a way motivated me to do better.

“I mean, in terms of my physical health and mental health also, he really inspires me. I’m really proud of that boy.”

Nasimulan na rin ba ni Michael ang mag-workout?

“Sisimulan pa lang kasi Pasko pa, e. Ha-ha-ha-ha! So, after that siguro. Magwu-work out ako uli.

“I haven’t been working out in a while. May mga apo na ako. Hinihingal ako pag kalaro ko sila.

“So, isa pa yun na nagmu-motivate sa akin.

“Saka yung wife ko, very active. She does triathlon. Nakaka-inspire rin the people around me. Nakaka-motivate.

“I have to be conscious with my physical health. Yun ang weakness ko,” pag-amin ni Michael.

May mga binago ba siya sa lifestyle niya ngayon?

“Food. As much as possible, good food as much as possible. Less carbs.

“Nagyu-yosi pa rin ako. But eventually, I know I will quit. I have to! Inuunti-unti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga sa wife ko, at least nasa isip ko na. Sabi nga niya, iba yung nasa isip, iba yung gagawin ko.

“Sabi ko naman, ‘Alam ko. At least, nasa isip ko na.’”

Kuwento pa ni Michael tungkol sa pagbabago niya ng lifestyle, hindi na raw siya umiinom ng alak mula pa noong 1990.

“By choice yun. Hindi ko rin talaga trip ang alcohol, e. Yosi lang talaga. I don’t really enjoy yung tama ng lasing. Hindi ko siya type,” ani Michael.

Tinanong ng PEP si Michael tungkol naman sa kasintahan ni Geoff na si Carla Abellana.

Pawang magagandang salita ang nabanggit ni Michael tungkol kay Carla.

“She’s quiet. I think she’s very intelligent, the way I see her.

“Very, very loving kay Geoff. I think that’s good for Geoff.”

Kung sakaling magplano na ng kasal ang dalawa, pabor ba si Michael?

“Oh, yeah, oh, yeah! I’ve nothing against Carla. Wala akong problema sa kanya.

“She comes from a good family. She’s a good person. I think she can be a good wife to Geoff,” sagot ng aktor.

Hindi pa raw nakakatrabaho ni Michael si Carla. At kung sakali mang magkaroon ng pagkakataon na makasama niya ito sa isang proyekto, ikatutuwa niya raw ito.

Obserbasyon pa ni Michael sa relasyon nina Carla at Geoff, nagsusuportahan daw sa isa’t isa ang mga ito.

“Even Geoffrey. Knowing Geoff, si Carla yung kayang alagaan at kayang kontrolin si Geoff siguro.”

Sa tingin niya, ano ba ang namana ni Geoff sa kanya, lalo na sa pakikipagrelasyon?

“Ay, hindi ko alam. When it comes to loving, I don’t know. I can’t answer that. Geoff can answer that.

“Pero siyempre, yun nga... I’m proud of Geoff. He knows how to take care of his woman.

“In fact, I think he wants to propose. But I don’t know if he’s ready na. I don’t know, I’m not so sure,” pag-aalinlangan ng beteranong aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WANTS TO HAVE ANOTHER CHILD. Nagkuwento naman si Michael tungkol sa asawang si Julie.

Ayon kay Michael, isang certified zumba instructor ang kanyang misis.

“She took classes for that. She’s a certified instructor basic and advanced. And then yun nga yung triathlon niya. She’s busy training.”

Wala ba silang balak na magkaanak muli ni Julie?

“Gusto ko, gusto ko, Lord willing. Yeah, matagal na, hindi lang nakakabuo. But I don’t mind having one, if the Lord will bless us with one.”

“Kaya kinakailangan ko talagang maging active and fit, siyempre kasi nga mas bata sa akin yun. She’s 40 and I’m 53. Puwede pa, di ba?” nakangiting wika niya.

Samantala, hindi iiwan ni Michael ang taong 2013 nang hindi siya abala.

Katatapos lang ng serye niyang Kahit Nasaan Ka Man sa GMA, at naipalabas na rin ang action-drama na OTJ, kung saan kasama niya sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, at Joel Torre.

Kasalukuyan namang ipinapalabas sa Metro Manila Film Festival 2013 ang Robin Padilla-starrer na 10,000 Hours, kung saan may mahalagang papel si Michael.

At gaya nga ng nabanggit na, nakatakda siyang maging direktor ng isang episode ng Magpakailanman sa GMA Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN