THE TOP LIST: Social media controversies among top stories that rocked 2013

Maraming mga kontrobersiya sa showbiz ang nag-ugat sa social media. Isa sa mga ito ay ang awayan ng Barretto sisters na sina Gretchen (kaliwa) at Marjorie (kanan) laban sa kanilang nakababatang kapatid na si Claudine (gitna).


Abril ng taong ito nang kuyugin ng dalawa ang isang basher sa Instagram na pinaghihinalaan nilang si Claudine.


Ngayong 2013, lumawak na ang kaalaman ng publiko tungkol sa social media, particular na sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Nariyan pa rin naman ang popular video-sharing site na YouTube.

Kaya naman ginagawa nang venue ng marami ang social networking sites upang ipaalam sa mga kaibigan, followers, at maging kaaway ang samu’t saring bagay.

Kasama na rito ang kanilang mga nararamdaman, mga bagong achievement, mga plano para sa araw na yun, at iba pang bagay-bagay na gusto nilang ibahagi sa Internet.

Sa mundo ng showbiz, ginamit na ng marami ang social media upang ibahagi sa kanilang mga tagahanga ang mga ginagawa nilang proyekto, anong dapat abangan sa kanila, mga nais nilang i-promote na proyekto, at kung anu-ano pa.

Bukod dito, naging daan din ang social media para maghayag ng saloobin ang ilang artista, magparinig sa kanilang maaring nakatampuhan o nakasamaan ng loob, o maging ang sagot nila sa pambubuska sa mga tinatawag na bashers o haters.

Sa social media rin nag-ugat ang ilang malalaking kontrobersiya ngayong 2013 sa mundo ng lokal na showbiz.

Ilan sa mga ito ang ayawan ng pamilyang Barretto na nag-ugat sa Instagram, ang hiwalayang Cesar Montano at Sunshine Cruz na unang nalaman ng publiko sa Twitter, habang ang litanya ni Rosanna Roces ng kanyang galit sa anak na si Onyok ay lumabas naman sa Facebook.

Marami pang mga sigalot sa showbiz ang nagsimulang matunghayan ng publiko sa pamamagitan ng social media.

VIEW GALLERY: TOP LIST. Social media clashes make showbiz banners in 2013


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN