Chito Miranda and Neri Naig greet fans on Christmas day with “Merry Christmas from Mr. & Mrs. Miranda.”

Bumuhos ang pagbati sa Instagram account ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda noong December 25, nang mag-post ito ng larawan nila ng girlfriend na si Neri Naig at gumamit ng mga salitang "Mr. and Mrs." sa caption.


Kasal na nga ba sina Chito Miranda at Neri Naig?

Pumukaw ng atensiyon ang Christmas greeting ng magkasintahan noong December 25 sa photo-sharing website na Instagram.

Kaakibat ng pagbating ito ang larawan ng dalawa habang nag-aantay ng kanilang flight papuntang Dubai. May gig doon ang grupo ni Chito na Parokya ni Edgar ngayong araw, December 27.

At ang nilagay ni Chito sa caption: “Merry Christmas from Mr. & Mrs. Miranda.”

“SANA BY NEXT YEAR…” Dahil sa post na ito ng 37-year-old band vocalist, marami sa mga tagahanga niya ang bumati ng “best wishes.”

Pero si Chito na mismo ang nagsabing hindi pa sila kasal ng Star Cirle Quest alumna.

Ipinaramdam lang daw niya sa nobya ang kanyang pagiging “sweet.”

Sagot niya sa isang follower na may handle name na @bianca7_: “Hahaha! Hi Biancs! Nope. Not yet. Sana by next year :) I was just being sweet. Hehe! Didn’t think people would take it seriously! Haha! Merry Christmas daw sabi ni Neri :) miss you Biancs!”

Bagamat naharap kamakailan sina Chito at Neri sa isang video scandal, nanatili silang matatag.

READ: Chito Miranda admits "private video" with girlfriend Neri Naig

Sa parte ni Neri, magbabalik-telebisyon ito via Obsession ng TV5 sa susunod na taon.

READ: Neri Naig embraces positivity after private-video controversy

READ: Chito Miranda moves on after private-video scandal; overwhelmed by support from family and friends


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN