MMDA to fine as much as P300,000 for MMFF awards night “scene stealers”

Confident daw ang Metro Manila Development Authority chairman na si Francis Tolentino na dadalo lahat ng mga kasali sa taunang awards night ng Metro Manila Film Festival dahil sa paghihigpit ng kanilang ahensiya sa pagpataw ng multa sa mga hindi sisipot.

Pinakamalaking multa ang ipapataw sa mga magwu-walkout na aabot sa P300 thousand.


Kagabi, December 27, ginanap ang "Gabi ng Parangal" ng 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Meralco Theater, Pasig City.

Bukod sa inabangang mga pangalan ng mga mananalo ng iba’t ibang parangal sa iba’t ibang kategorya, tiyak ding inabangan kung may mga magiging “scene stealers” sa taunang awards night.

Kabilang na dito ang mga gagawa ng eksena ng pagwu-walkout, pagda-drama, at kung may hindi ba makakarating na mga artista at namumuno ng produksiyon na may entry sa MMFF.

Nauna nang nagbigay ng babala ang chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na si Francis Tolentino na papatawan nila ng karampatang multa ang sinumang gagawa ng eksena at hindi dadalo sa awards night.

Sa ulat ng Aksyon ng News5 kagabi, confident daw si Chairman Tolentino na dadalo lahat ang mga kasali.

Hindi naman kasi umangal ang mga tiga-industriya sa panuntunang ito, na sinasabing matagal nang nariyan at ngayo’y ipapatupad.

Ang kumpiyansa ng MMDA chairman ay dala marahil ng taas ng multang inaaambang niya sa mga hindi dadalo.

Kapag ang producer ay hindi pupunta, P150,000 ang multa nito.

Sa mga artistang may entries at hindi makakarating, papatawan naman ng multang P25,000.

Pinakamalaki ang multa sa mga magwu-walkout, na aabot sa P300,000.

Sabi pa niya, “Kung alam mong isa ka dun sa contender, dapat nandun ka.”

Matatandaang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Monday, December 23, ang tungkol sa pagiging istrikto na daw ng ahensiya sa mga ganitong scenario sa gabi ng parangal.

READ: MMDA chairman Francis Tolentino happy about huge turnout in Parade of the Stars; threatens to penalize artists not attending awards night

Sa eksklusibo namang panayam ng PEP sa ilang mga director na haligi ng pelikulang Pilipino, halos lahat sa mga ito ay sang-ayon sa naturang panuntunan. Ito raw ay upang maipakita ang disiplina at pagkakaisa ng mga taga-industriya para sa mga manonood na Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: PEP EXCLUSIVE Showbiz directors interviewed generally favor MMDA ruling penalizing artists absent from MMFF awards night

Kabilang daw sa mga jurors ng awards night ay mga taga-movie industry, asawa ng mga Metro Manila mayors, at ilang mga beauty queens.

SECOND DAY BOX-OFFICE RESULTS. Samantala, sa pagsasara ng pangalawang araw ng MMFF noong December 26, umabot ang kita ng taunang filmfest sa P234 million.

Mas malaki ito ng 34 percent sa kinita ng MMFF noong nakaraang taon.

Nangunguna pa rin ang My Little Bossings, sinundan ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Pumangatlo naman ang Pagpag: Siyam na Buhay, at sinundan ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.

Simula naman kahapon, may ilang hindi kumikitang entries sa festival ang pinu-pull out na sa ilang mga sinehan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN