Kris Aquino thanks James Yap for supporting Bimby’s first movie: "God bless you. Peace!"

Ikinatutuwa ni Kris Aquino ang balitang suportado ng dating asawang si James Yap ang pagsabak ng anak nilang si Bimby sa pelikula. Sa katunayan, mag-i-sponsor pa nga raw si James ng block screening para sa pelikula ni Bimby. Sabi naman ni Kris tungkol dito, “Good. Praise God. Dagdag-kita pa. And buti naman supportive na siya of Bimby. It matters, and he’ll be proud of how well his son performed."


Lumipad patungong London si Kris Aquino, kasama ang mga anak niyang sina Joshua at Bimby, kahapon, December 29.

Doon magbabakasyon at magbaba-Bagong Taon ang mag-iina.

Ngunit ilang araw bago umalis ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2013, noong Biyernes, December 27, sa Meralco Theater.

Pahayag ni Kris tungkol sa bakasyon nilang mag-iina sa London, “Pangako ko sa dalawang anak ko ito sa London.

"Tapos, masuwerte lang may mga friends kaming nandun—sina Bea [Alonzo] at Zanjoe [Marudo], nandun. So, magkikita kami.

"Pero naka-book na ako ng limang play kasi yun yung kaligayahan namin—manood ng theater.

“So, yun, ready… and kasi para iwas-intriga muna dahil napabalita yung pagre-renew, and magmumuni-muni muna at aalis.”

AVOIDING THE INTRIGUE. Isa sa intrigang iniiwasan ni Kris ay ang sa kanila pa rin ng dating asawang si James Yap.

Ito raw ay dahil hindi ginamit ni Bimby ang apelyidong Yap sa credits ng pelikula nilang My Little Bossings.

Sa mga nauna nang interbyu ng PEP kay Kris, sinabi niyang hindi totoo ang paratang. Sa posters ng pelikula, ang nakalagay nga ay James "Bimby" Aquino Yap.

Ngunit ngayon ay iniiwasan na lang daw ni Kris pag-usapan pa ito, dahil mas gusto raw niya ng tahimik at walang palitan pa ng di magagandang salita.

“Gusto ko tahimik na 2014, payapa, masaya, peaceful.

"And siguro, hiling ko na rin na sana matupad yung wish ni Ryzza na magkabahay sila,” sabi ng Kapamilya actress/TV host.

Si Ryzza Mae Dizon ang kasama nina Kris, Bimby, at Vic Sotto sa My Little Bossings.

Kaya sa paulit-ulit na tanong tungkol sa pag-aartista ni Bimby, nilinaw din ni Kris na prayoridad ang pag-aaral ng kanyang anak, para walang masabi si James laban sa kanya.

“Kasi nag-aaral pa nga… and ano, e, ayoko kasing ma-accuse ako later on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niyo naman, medyo hindi kami okay ng tatay, so baka ano masabi, na napabayaan yung pag-aaral.

"Yun lang naman ang responsibilidad ko bilang nanay.

"Pero proud ako kasi na-promise ko sa kanya [Bimby] yun, na kung ano yung pinuhunan at ano yung kinita, sa trust fund niya yun."

SUPPORTIVE DAD. Ilang beses tinawagan at tinext ng PEP si James para hingan ng reaksiyon sa sinabi ni Kris, ngunit hindi ito sumasagot.

Sa kabila ng ganoong intriga, nagpahayag naman ang basketbolista ng suporta sa pag-aartista ni Bimby.

Nag-promote ito sa kanyang Instagram account ng unang pelikula ng anak.

Napabalita ring mag-ii-sponsor daw si James ng block screening ng My Little Bossings para mapanood niya ito at ng kanyang mga kaibigan.

Nagpasalamat naman si Kris sa dating asawa.

Aniya, “Good. Praise God. Dagdag-kita pa.

"And buti naman supportive na siya of Bimby.

"It matters, and he’ll be proud of how well his son performed.

“Siguro naman pag nakita niya, matutuwa siya na maganda ang kinalabasan ng anak niya.

"Kasi kahit sinong magulang naman, lalo na pag nakikita mo yung anak mo na performing well, bumait, hindi nagpapa-brat, mabait sa lahat, so parang matutuwa ka.

"So, thank you, James.

"God bless you. Peace!"

Napahalakhak si Kris pagkatapos niyang makipag-peace sa dating asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN