President Benigno "Noynoy" Aquino III hopes for a joyful and peaceful New Year celebration for all

Ngayong araw, pinamunuaan ng Pangulong Noynoy Aquino ang paggunita ng ika-117 anibersaryo ng kamatayan ni Gat. Jose Rizal sa Tarlac. Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na ang gusto niya ay isang mapayapa, ligtas, at masayang pagsalubong sa taong 2014 para sa lahat ng Pilipino.

Dagdag pa niya, nasa "last two minutes" na lang daw ng kanyang administrasyon, na matatapos sa taong 2016, pero ngayon pa lang ay nababanaag na raw niyang malapit nang makamtan ng Pili


Isang araw bago salubungin ng mundo ang bagong taon, nagpaabot ng mensahe kanina, December 30, ang Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa lahat ng Pilipino.

Laman ng mensaheng ito—na inilabas ng Malacañang kasabay ng ika-117 anibersaryo ng kamatayan ng Pambansang Bayaning si Dr. Jose Rizal—ang accomplishment report ng kanyang panguluhan sa taong 2013.

Inihalintulad ng pangulo ang nagdaang taon sa larong basketball, kung saan sinabi niyang nasa “last two minutes” na ng kanyang administrasyon.

Sa 2016 ay matatapos na ang pamumuno ni PNoy sa bansa.

Kaakibat din ng kanyang mensahe ang nalalapit na raw na katarungang makakamit ng mamamayan laban sa mga nangurakot sa kanila buwis, na nakapaloob sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa huli, sinabi ng Pangulo na nalalapit na raw ang bansa sa inaasam-asam na magandang kinabukasan.

Narito ang kabuuang mensahe ni PNoy, published as is. Inayos lamang ng PEP ang haba at iksi ng mga talata upang mas madaling basahin online.


MENSAHE NG PANGULONG AQUINO, BAGONG TAON 2014. “Papasok na naman po tayo sa panibagong taon sa pagtahak sa tuwid na daan.

“At kumbaga po sa larong basketball, papasok na rin tayo sa last two minutes: Sa natitirang yugto ng ating termino, wala tayong sasayanging sandali; bawat makabuluhang ambag ng Pilipino ay magpapanalo sa laban natin tungo sa pag-asenso.

“Bilang bayan na may kolektibong layunin, nagpakita tayo ng pambihirang gilas ngayong taon sa kabila ng patong-patong na pagsubok na ating pinagdaanan.

"Talagang marami po tayong napagtagumpayan ngayong 2013.

“Patuloy ang kompiyansa ng mundo sa laban natin kontra korupsyon, na nagbunsod sa pag-arangkada ng ating ekonomiya.

"Sa nakalipas na tatlong taon, umangat tayo ng 29 notches sa Transparency International Corruption Index: mula sa ika-134 na puwesto noong 2010, nasa 105 puwesto na tayo ngayong 2013.

“Nalalapit na rin tayo sa pagkamit ng ganap na katarungan sa pag-usig sa nagkasala at umabuso sa paggamit ng PDAF. Patuloy po tayong naglalatag ng mga mekanismo upang siguruhing ang pera ng taumbayan ay mapupunta sa taumbayan lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil din sa ating mabuting pamamahala, tayo na ngayon ang may pinakamataas na recorded GDP growth sa Timog Silangang Asya, at isa sa nangunguna sa buong Asya.

"Sa unang pagkakataon po, nakamit natin ang investment grade status mula sa tatlong pinakatanyag na credit ratings agencies sa mundo.

“Bunsod nito, mas mababa ang interes sa perang inuutang natin, at naeengganyong pumasok ang mas maraming negosyo.

“Makasaysayan din po ang taong ito dahil matagumpay nating naisakatupatan ang synchronization ng ARMM election sa pambansang halalan.

“Pinatunayan nating posible palang maging ligtas at payapa ang pagpili ng mga pinuno sa rehiyong matagal nang nabalot ng takot at karahasan.

“Kamakailan lang din po, nilagdaan natin ang annex on power sharing ng Framework Agreement on the Bangsamoro sa pagitan ng pamahalaan at MILF.

"Hangad po nating mapabilis pa ang bawat proseso upang magkaroon tayo ng sapat na panahon para makapaghanda sa paghalal ng bagong pamahalaang Bangsamoro sa 2016.

“Malinaw po: Dahil sa mas maayos na pamamalakad, natitibag na ang mga huling balwarte ng katiwalian, at patuloy tayong nakakapaglatag ng pagkakataon para sa ating mga kababayan.

“Ang good news pa ng TESDA: Sa kanilang Training for Work Scholarship Program, nakapagpa-graduate na tayo ng 576,748 na mag-aaral mula noong Hulyo 2010 hanggang Nobyembre 2013.

“Talaga naman pong napakalaki ng pagbabagong naabot natin: Ayon sa datos ng Department of Budget and Management, 28.5 percent lang ng mga napagtapos ng TESDA ang nakahanap ng trabaho noong 2006 hanggang 2008.

"Ikumpara natin ito sa pag-aaral ng TESDA ng 2012, kung saan umabot na sa 62.4 percent ang general average ng kanilang mga graduate ang nakahanap ng trabaho.

“Pagdating naman po sa mga nasa industriya ng IT at BPO, 70.9 percent ang employment rate ng TESDA graduates. Sa electronics and semiconductor program naman, umabot na sa 85 percent ng mga nagtapos ang nagkatrabaho.

“Sa pagtutulungan din po ng DOLE, TESDA, DepEd, CHED, at pribadong sektor, tinutugunan na natin ang jobs-and-skills mismatch. Kaya naman di nakakapagtakang bumaba ang ating unemployment rate ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa patuloy na pag-arangkada ng ating training and apprenticeship program, napupunan na ang mga bakanteng trabaho sa merkado ng mga graduate nating may sapat na talino at pagsasanay.

“At gaya rin po sa basketball, hanggang sa huling yugto ay may hinaharap tayong mga barikada.

"Batid nating hindi basta-basta titiklop ang mga latak ng lumang sistema; habang lumalapit tayo sa ating tagumpay, lalo rin naman silang magiging desperado at magtatangkang idiskaril ang ating agenda.

"Alam din po nating mayroon pang mga kalamidad na susubok sa ating katatagan bilang bayan.

“Pero lagi nating handang patunayan: manggulo man ang masasamang loob, yanigin man tayo ng lindol o hagupitin ng bagyo, mangingibabaw pa rin ang lakas ng ating bayanihan.

“Kayo, ang aming mga Boss, ang nagkukumpas ng direksyong ating tatahakin. Magpatuloy lang po tayo sa pagkakapit-bisig.

“Mula sa kabataang umaasang makaambag at dumamay sa paghubog ng mas magandang lipunan, hanggang sa mga nakakatanda na may obligasyong magpamana ng maunlad na kinabukasan sa susunod na henerasyon, ang pakikiambag ng bawat isa ang susi sa pag-abot natin sa ating mga mithiin.

“Lagi lang po tayong pumanig sa tama at sa ating kapwa.

"Manatili tayo sa panig ng katwiran, katapatan, at pananagutan; at sagarin ang bawat pagkakataon para sa ikabubuti ng kapakanan ng mas nakararami.

“Tayo lang din po ang magtatakda ng sarili nating mga limitasyon. Bukas po ang ating isip at handa tayong laging makinig sa mga makabuluhang mungkahi upang mas mapalawak at maging pangmatagalan ang ating reporma.

“Sa gabay at pagmamahal ng Panginoon, talaga naman pong palapit na tayo nang palapit sa magandang kinabukasang ating inaasam.

“Isang ligtas, maligaya, at mapayapang Bagong Taon po sa ating lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN