Rafael Rosell chooses Mother Nature over new relationship

Balik-trabaho na si Rafael Rosell pagkatapos ng ilang buwang pamamahinga. Kasama siya sa cast ng afternoon soap ng GMA Network na The Borrowed Wife.


Tumanggi sa trabaho si Rafael Rosell simula noong Nobyembre 2013, kaya matapos ng nilabasang Maghihintay Pa Rin ay ngayon lang siya uli may regular show.

Kasama siya sa cast ng upcoming afternoon drama series na The Borrowed Wife, na ipapalabas simula ngayong January 2014 sa GMA Network.

Paliwanag ni Rafael tungkol sa kanyang pagpapahinga sa trabaho, “Dahil ever since nung lumipat ako dito [sa GMA], dire-diretso ang trabaho, e.

"So I needed time to, like, reconnect again, find myself, relax. Nag-surf ako for one month.

"Tapos nung December, pa-guesting-guesting lang.

"Tapos ngayon, finally may bagong project, bawal na tumanggi!"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rafael sa pocket presscon ng The Borrowed Wife, noong December 27, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Nakapagpahinga raw siya nang maayos habang walang regular show.

“Yung timing lang, sobrang sakto.

"Kaya ngayon, patapos na rin yung surfing season ko para sa sarili ko, so ready na rin to work.”

Ang Baler, Real, Zambales, La Union, at Batangas daw ang mga lugar na napupuntahan ni Rafael para mag-surf.

Kaya tanned na tanned si Rafael ngayon, na gustung-gusto naman niya.

“Ayoko pag maputi ako, gusto ko talaga pag tanned ako,” sabi ng Kapuso actor.

LOVELESS. Wala pa rin daw bagong girlfrend ngayon si Rafael.

Sabi niya, “Loveless.

"You’re probably thinking romantic, yeah, no relationship... that’s all I can say.”

Hindi natuloy ang namumuong special closeness nila noon ni Bianca King, ang kapareha niya sa Maghihintay Pa Rin.

Paliwanag ni Rafael, “Different interests, different priorities sa buhay.”

Bakit wala pa siyang girlfriend?

“Personally, hindi ako ready mag-relationship, so I think that’s one of the major reasons.

"I’ve been out on dates and I’ve met a lot of beautiful people and people I can connect with.

"Kaso nga lang, para sa sarili ko, parang hindi pa ako ready mag-commit, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil pag may magandang alon, alon pa rin ang pipiliin ko, e."

Ang tinutukoy ni Rafael ay ang inaabangan ng lahat ng surfers: ang magandang alon.

Patuloy niya, “Si Mother Nature pa rin ang asawa ko, e. Parang ganun, e.

"In-analyze ko sa kaibigan ko kung bakit ganun, so we just came to the conclusion na, parang, dahil si Mother Nature, lagi siyang nandun, e.

"Hindi ka niya sasaktan, hindi ka niya kakaliwain, hindi ka niya ibe-betray at wala...

"Para sa akin, it’s the closest thing to the purest love, purest truth, dito sa journey na ito.

“So, until makita ko yung babae na magpapadesisyon sa akin na, ‘Sandali, ayoko na munang... dito muna ako sa Manila lagi,’ siguro that would be the time na I’ve been swept off my feet na in love na in love na talaga.”

Hindi kaya isang female surfer ang nababagay na makarelasyon niya?

Sagot ni Rafael, “Ewan ko, e. Parang ayoko ng surfer na girlfriend.

"Common friends ang lahat ng nagse-surf.

"And tapos, pag beginner naman, minsan hindi nagugustuhan ang surf, so hindi siya nagiging surfer.

"So, para sa akin, I want to find someone who’s interested in learning, pero not necessarily a surfer.

“Mag-focus na lang sa career niya siguro yung babae.”

RAFAEL’S "BROTHERS." Matapos ang GMA primetime series na My Husband’s Lover ay sumikat at umingay nang husto sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, ang mga “kapatid” ni Rafael sa pamamahala ng Luminary Talent Management ni Popoy Caritativo.

Pero sa ngayon, dahil si Rafael ang may bagong show, panahon na ba niya ito at “pahinga” muna sina Dennis at Tom?

Sagot ng aktor, “Hindi kami ganun mag-ano, e... hindi ganun ang communication namin or hindi ganun ang relationship namin, e.

“Actually, mas ano kami kung sinong free, hindi kung sinong may attention, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil, di ba, sabi mo, ako naman ang may attention ngayon? Hindi ganun, e.

"Sa amin, mas ano e, ‘Kayo naman ang nagbakasyon, ngayon kami naman ang magbabakasyon.’

“Yung main goal lang talaga namin ay magtagpo lahat ng schedule namin para lahat kaming magkakapatid sa Luminary, makapag-surf.

“Si Dennis din, trip na trip niyang mag-surf.

"Si Tom, mahilig din naman sa nature, sa extreme sports.

"So, basically hinahanap lang namin yung common schedule namin para makapag-surf kami lahat.”

Hindi pa raw sila nagkasama-samang tatlo mag-surf dahil na rin sa kani-kanilang mahigpit na schedules.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN