Psychics share predictions on showbiz couples, former lovers, and blossoming love this 2014

Madam Suzette, Rene Mariano, and Stargazer are predicting that Maja Salvador and Gerald Anderson will eventually call it quits. They also concur that reconciliation is not in the stars for ex-couples Ai-Ai delas Alas-Jed Salang, Cesar Montano- Sunshine Cruz, Billy Crawford-Nikki Gil, and Angel Locsin- Phil Younghusband. On Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli, Madam Suzette and Stargazer say, "Sila na. Sila na talaga."


Pinahulaan ng Buzz ng Bayan sa tatlong kilalang psychic sa bansa na sina Madam Suzette, Rene Mariano, at Stargazer ang posibleng maging kapalaran ng ilang showbiz couples ngayong 2014.

AI-AI DELAS ALAS-JED SALANG

Madam Suzette: “Yung nakikita ko, puwede siyang patawarin, yung kanyang ex [Jed]. Pero, si Ai-Ai ang magpapatawag.

"Pareho silang dalawa, but no chance of reconciliation. Magkakaayos as friends.”

Stargazer: “It will require a lot of patience for next year. There will be a lot of delays [sa usaping divorce].

"Marami ring kontrobersiya. Pero maaari, pero mas malamang, delays.”

Rene Mariano: “Hindi sila magiging magkaibigan. They will simply live and let live.

"At yung divorce, matutuloy.”

SUNSHINE CRUZ-CESAR MONTANO

Rene Mariano: “Ako, ang annulment nila ay mabibigyan ng katuparan.

"Maaari silang magkasundo. Pero hindi ko masasabing close friends, kung hindi bilang ama at ina ng kanilang mga anak.

“Sunshine will fall in love again, but it will take two years.”

Stargazer: “Ako, ang nakikita ko kay Sunshine, may liligaw riyan na medyo kilalang tao ngayong 2014. Basta public figure.

"Pero kay Cesar iikot ang controversy.

"Maaaring sa love life niya o decorum niya kung ano ang gagawin niya in public.”

Madam Suzette: “Yes, muli siyang mai-in love. Kaya lang, wala akong nakikita na magpapakasal siya.”

Hindi malinaw kung ang tinutukoy ni Madam Suzette ay si Sunshine o si Cesar.



PHIL YOUNGHUSBAND-ANGEL LOCSIN-LUIS MANZANO

Madam Suzette: “Wala akong nakikitang magkakabalikan sila [Angel at Luis].

"Magkaiba ang kanilang pananaw sa buhay.”

Stargazer: “Nakikita ko rito si Angel, hindi tugma sila ni Phil, hindi tugma ang energy.

"At ‘eto, may sasabihin ako sa inyo. When I played in Deal or No Deal, may sinabi ako sa kanya na, ‘Luis, ang dami mong must have been and might have been.

“Kasi, I have this feeling, tinitingnan ko siya. Sabi ko, e, girlfriend na niya noon si Jennylyn [Mercado].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have this feeling na may isa from his past na manunumbalik.”

Rene Mariano: “Isa sa napansin ko kay Phil Younghusband, he is simply a sportsman. But not the type of a man who can provide well and give a good life for a woman.

"Ang napansin ko, si Angel, ang strong personality sa dalawa.

“And because of that, papasok ang familiarity or sawa factor na palaging, ‘Ako na lang ang nagdadala. Ako na lang ang uunawa.

"Palaging ako na lang ang ano…’ So, umayaw si Angel.

“Si Angel, I don’t think will fall in love again kay Luis.

"Si Luis, sa tingin ko ay napakatalinong negosyante bukod sa pagiging entertainment host.

"Ang problema lang sa kanya, hindi pa siya mature enough pagdating sa pag-ibig.”

NIKKI GIL-BILLY CRAWFORD

Rene Mariano: “Ang nakikita ko, si Nikki ang lumalayo.

"I don’t think Nikki will have a relationship this 2014. Even entertaining suitors, I don’t think she will be doing it.

"Kasi, she has to heal herself first.”

Madam Suzette: “Wala akong nakikitang magkakabalikan pa rin, but they will remain as friends.

"Sa aking pandama, magkakaroon ng relationship si Nikki this 2014.

"Magsisimula sa friendship, hanggang mauuwi sa love.”

Stargazer: “Si Nikki, maaaring lapitan ni Billy to talk about things. But because of the hurt, siguro, iiwasan talaga.

"Pero yung pagkakaroon ng panibagong love, yung involvement, pagkakaroon ng relationship, wala…”

HEART EVANGELISTA-SENATOR CHIZ ESCUDERO

Stargazer: “Paninindigan nila ‘yan. Ang kuwestiyon lang, may magmamatigas.

"The mother will still stand her ground.”

Madam Suzette: “Sa nakikita ko, magiging masaya ang dalawa. Sila na talaga.

"Yung nakikita ko pa rin, magkakaroon ng reconciliation sa 2014.”

Rene Mariano: “Ako naman, ang sasabihin ko, naaayon sa na-vibes ko habang pinapanood ko sila sa telebisyon.

"Itataya ko ang pangalan ko bilang isang psychic, na hindi sila magkakatuluyan. In any other year.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JANINE TUGONON-JAYPEE SANTOS, VENUS RAJ- ANDREI FELIX, SHAMCEY SUPSUP-LLOYD LEE

Madam Suzette: “Kay Venus at sa kanyang partner, wala na ring reconciliation.

"At yung nakikita ko, mai-involve si Venus sa iba. Non-showbiz.

“Si Janine, wala na ring reconciliation sa kanila at magmu-move on din si Janine. Move on to another relationship.

“Very successful ang kanilang marriage life [Shamcey and Lloyd]. At nakikita ko, ang kanilang unang anak ay lalaki.”

Rene Mariano: “Si Venus Raj ay maaaring umibig sa isang lalaki na nasa linya ng politics. Yun ang susunod niyang boyfriend.

"Sa pagpapakasal nina Shamcey at Lloyd, maganda ang aura nila. Kaya lang, I don’t think they will last ten years.

“Why? Because of matters of family.”

Stargazer: “Sa umpisa-umpisa pa lang, yung relationship nina Venus at Andrei are not meant to be.

"Sa aura nila, hindi talaga tugma.

“Ako kasi, kapag tumingin ng colors, alam ko kung magka-clash yun.

“Sina Shamcey at Lloyd, okey ang relationship. Ako, they will make it work. They will really try.”

MAJA SALVADOR-GERALD ANDERSON-KIM CHIU

Rene Mariano: “Okey, doon sa relationship ni Gerald at Maja, I think, they are really going to support each other.

"Kaya lang, hindi ko maipi-predict na sila ang magkakatuluyan or magiging mag-asawa.

"Maaaring humaba rin ang relasyon nila hanggang 2014, 2015, pero, eventually, what I see in their aura is that, they are not meant to be.”

Madam Suzette: “Hindi ko nakikitang magkakabalikan as friends sina Maja at Kim this 2014.

"At sa nakikita ko, hindi magla-last ang relationship nina Gerald at Maja. It will be rocky.

"Hindi pa naman maghihiwalay, pero maraming pagsubok.

“In 2015, magkakahiwalay sila.”

Stargazer: “Maja will have a very difficult year next year [2014]. And with that, maraming intrigues—ibabato sa kanya, nakapaligid sa kanya—regarding the relationship.

"Si Gerald kasi, this will be a year of new projects, new beginnings—marami rin babae, marami rin magkakagusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi alam mo, sa sobrang guwapo, maraming magkakagusto. Even yung close friend mo, best friend mo.

“Kaya ako napi-feel ko, yung nangyari kay Kim, alam ni Kim yun even before. Magkaibigan tayo, may secret ano…

“Kasi, based on what you see on them, meron silang alam noong sila ay mag-friends pa. Nararamdaman niya yun kaya masakit.”

SARAH GERONIMO-MATTEO GUIDICELLI

Madam Suzette: “Sa akin, hindi pa handang aminin ni Sarah ang kanilang relasyon but secretly, sila na.”

Stargazer: “Nangungusap lahat, sila na talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN