Marian Rivera guns for quality movies this 2014: "Kasi minsan, kahit hindi maganda, basta blockbuster, okay na, e."

Magiging abala si Marian Rivera ngayong 2014 dahil sa mga proyektong nakalinya niyang gawin. Kabilang na rito ang primetime soap at sitcom niya sa GMA at drama film para sa Regal Entertainment.


Excited ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil sa maraming blessings na parating sa kanya ngayong 2014.

“May soap ako, magkaka-sitcom ako, at meron akong movie,” pagbabalita ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling entertainment writers.

Ang tinutukoy na soap ni Marian ay ang Carmela, na nakatakdang mag-umpisa ngayong Enero sa GMA Network.

Ito ang unang primetime series ng aktres pagkatapos ng Temptation of Wife, na nagwakas noon pang April 2013.

Dapat sana ay sabay na gagawin ni Marian ang kanyang primetime soap at sitcom, ngunit nakiusap daw siyang unahin muna ang Carmela.

Saad niya, “Pag naging okay na ako sa Carmela, saka ako magsi-sitcom.

“Kasi ang hirap nung ang tagal mong napahinga, e.

“Parang makina kasi ang artista, e. Kapag hindi ka pa naiinitan, ang hirap umarte, ang hirap mag-memorize.

“So, kapag nakapa mo na iyan at nahubog mo na, ‘Ay, ako na si Carmela!’’’

Saka na raw niya sisimulan ang kanyang sitcom sa Kapuso network.



MOVIE WITH REGAL. Isa pang pagkakaabalahan ni Marian ngayong Year of the Horse ay ang pelikulang gagawin niya para sa Regal Entertainment.

Banggit niya, "Kakausap lang namin ni Mother Lily [Monteverde], kasi may contract pa ako sa kanya."

Ang huling pelikula ni Marian ay ang Kung Fu Divas nila ni Ai-Ai delas Alas.

“Sinasabi ko nga, sa movie, hindi mo talaga alam kung ano ipapatok ng tao, ano ang taste ng masa, taste ng viewers sa sine.

“Wala namang masama kung mag-try ka nang mag-try, as long as maganda yung quality ng pelikula mo at proud ka—kumita man ‘yan o hindi.

“Ang mahalaga, na-appreciate ka ng tao, ‘Ay, okay yung movie nila, maganda.’

“Quality minsan… yun ang sinasabi ni Mother sa akin, in-explain niya.

“Kasi siyempre, ang hirap na… alam mo yun, kailangan ngayon, pag gumawa ka ng pelikula [kailangan blockbuster].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag hindi blockbuster, ‘Ay, hindi kumita yung pelikula!’ Parang ganun.

“So, binuksan ni Mother Lily yung ano ko na, ‘Anak, minsan, ang mga bagay, hindi puro ganito, not more on money.

“’Dapat minsan… dapat yung kuwalidad na ’eto ka, tumatak ka, magaling ka dito. Hindi more on puro pera.’

“Sabi ko naman, totoo nga naman, kasi minsan, ang tao, pag gumawa ng pelikula, kahit hindi maganda, basta blockbuster, okay na, e. Di ba?

“So, sabi ko kay Mother Lily, ‘Sige po, Mother, gawa tayo.’

“So, meron akong gagawin sa kanyang movie.”

Ang huling pelikulang ginawa ni Marian para sa Regal, co-produced ng GMA Films, ay ang My Lady Boss noong 2013.

Drama raw ang tema ng pelikulang gagawin ni Marian para sa Regal ngayong 2014.

“First time ko magda-drama nang seryoso sa pelikula.

“Kasi lahat, romantic-comedy, more on arte-arte lang, puro comedy.

“Ngayon, first time kong gagawa ng drama.”

Ayaw pang sabihin ni Marian kung sino ang makakasama niya sa pelikula, ngunit hindi raw ito ang napabalita noong pagsasamahan nila ni Coco Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN