PEP EXCLUSIVE. Ai-Ai delas Alas on bidding goodbye to biological mom: “Quota na ’yan, okey na ’yan.”

Kahit na dalawang taon lang nagkasama nang buo si Ai-Ai delas Alas at ang biological mother nitong si Gloria Hernandez-delas Alas, masaya naman daw ang Comedy Concert Queen na kahit papaano ay napaligaya niya ito sa kanyang piling.

Natatawa rin si Aiai kapag naalalang hiningi siya ng kanyang tiyahing si Justa delas Alas sa ama nitong si Rosendo dahil parang tuta lang daw ang peg niya bago siya maisilang.


Naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang necrological mass sa Ascension Chapel ng Arlington, Araneta Avenue, Quezon City kagabi, January 2, para sa namayapang biological mother ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Ngayong araw, January 3, ang libing ni Gloria Hernandez-delas Alas, 87 years old, sa Eternal Gardens Memorial Park, sa Caloocan City.

Matapos ang misa na pinangunahan ni Bishop Ted Bacani, nagkaroon ng eulogy.

Nagsalita ang lima pang kapatid ni Ai-Ai tungkol sa kanilang ina at sa naiambag na tulong sa kanila ng komedyana.

Kahit malungkot ang kapaligiran, may tawanan din paminsan-minsan ang chapel dahil ilan sa mga kapatid ni Ai-Ai ay nagpapatawa rin.

Kabilang sa mga personalidad na namataan ng PEP sa huling lamay ay sina Wenn Deramas, Nikki Valdez, Carlo Aquino, at Marian Rivera.

Nandoon din ang ilang executives ng ABS-CBN at mga kaibigan ni Ai-Ai na nasa pulitika, tulad nina Isabela Governor Bojie Dy at Vice President Jejomar Binay.



FAMILY OF COMEDIANS. Matapos ang misa at eulogy, nagpaunlak ang Box-Office Queen ng exclusive interview sa PEP.

May lungkot man, nakangiti pa rin niyang bungad, “Ang saya, di ba? Eulogy, di ba, ang saya?

"Grabe mga kapatid ko, di ba, karakter? Lahat comedy."

Sa eulogy, naikuwento niyang adopted daughter nga siya ng kapatid ng kanyang ama.

Read: Comedy Queen Ai-Ai delas Alas mourns biological mom’s death from Alzheimer’s disease

Noong ipinagbubuntis pa lang daw kasi siya, sinabi raw ng kanyang tiyahin sa kanyang tatay na kung babae ang maging anak ay hihingin daw nito.

Kaya naman biro ni Ai-Ai sa eulogy: “Parang tuta lang, di ba, kung makapanghingi?”

Kaya lumaki siya sa piling ni Justa delas Alas, kapatid ng amang si Rosendo.

Kailan na lang daw sila lubusang nagkasama ng kanyang tunay na ina.

Kuwento pa ni Ai-Ai, “A, two years, yung buo, two years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero manaka-naka kasi nagpapakita rin ako, dinadalaw ko siya sa probinsiya nung araw."

Dagdag pa niya, hindi na raw siya nakikilala nang maayos ng ina noong nagkasama na sila.

Naikuwento pa niya sa eulogy na tanging sa litrato na lang siya nakikilala ng ina.

"Alam mo yung ganun, parang in a relationship, di ba? Hindi mo kasama…

"Kunyari boyfriend mo, hindi mo kasama, pero may iba man siyang kasama, pero alam mo deep inside ikaw ang mahal nun,” paghahalimbawa pa ni Ai-Ai.



CELEBRATION OF LIFE. Masasabi rin daw ni Ai-Ai na isa na itong celebration of life para sa pumanaw na ina.

Aniya, “Yes. 87 na siya. Quota, quota. Quota na ‘yan, okey na ‘yan.”

Dagdag pa niya, sa dalawang taon daw na buo nilang pinagsamahan, masasabi rin daw niyang naiparamdam niya ang pagmamahal sa ina.

Saad pa ni Ai-Ai, “A, oo. Na-achieve, happy naman kami.

"Parati nga siyang nasa Instagram, di ba? Oo, marami na siyang fans. Super."

Mensahe pa niya sa inang si Gloria: “A, mahal ko siya, hindi niya kailangang humingi ng tawad sa akin. Dahil nanay ko siya at alam kong mahal niya ako.”

Matapos daw maihatid sa huling hantungan ang ina ngayong araw, magsisilbi pa rin daw siyang tagapagtaguyod sa mga kapatid.

Pahayag ni Ai-Ai, “After ng libing, move on.

"Hindi ko nga nasabi [sa eulogy] na kahit na wala na yung nanay ko, hindi ko pababayaan yung mga kapatid ko.

“Anim kami. So, lima yung hindi ko pababayaan.”



ELDEST SON SANCHO. Ang panganay na anak ni Ai-Ai na si Sancho delas Alas ang maituturing daw niyang sandalan sa panahon ng kanilang pagluluksa.

Lahad niya, “Si Sancho ang nasa side ko everytime.

"Mahal na mahal ko yun. Anchor ko yun, e.

“Sabi nga niya, ‘Ma, pag ikaw nawala, sa tingin ko, magpa-pass out ako sa eulogy. Hindi na ako magyu-eulogy.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Sampalin ka ng mga kapatid mo!’ sabi ko.

"Sabi niya, ‘Ma, hindi ko kaya.’"

Sa huli, mensahe ni Ai-Ai sa lahat ng nakiramay sa kanila" “Maraming salamat at nakiramay sila sa panahon ng kalungkutan ko. Thank you, thank you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN