PEP EXCLUSIVE. Vice President Jejomar Binay keeps mum about Ai-Ai delas Alas’s "endorsement"

Tikom ang bibig ni Vice President Jejomar Binay tungkol sa proklamasyon ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na siya ang manok nito sa pagka-Pangulo sa 2016 presidential election. Magtatrabaho raw muna siya at ayaw niyang pag-usapan ang pulitika.


Tipid ang mga salita ni Vice President Jejomar Binay tungkol sa deklarasyon ni Ai-Ai delas Alas na siya ang "Presidente" ng komedyana sa 2016.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice President Binaysa burol ng yumaong ina ni Ai-Ai na si Gloria Hernandez delas Alas , kagabi, January 2, 2014, sa Ascension chapel ng Arlington, sa Araneta Avenue, Quezon City.

Sa eulogy kasi ni Ai-Ai para sa kanyang ina ay ipinakilala niya si Vice President Binay bilang "future President of the Republic of the Philippines."

Inaasahang tatakbo sa pagka-Pangulo si Binay sa 2016 presidential election.

Read: PEP EXCLUSIVE. Ai-Ai delas Alas declares: Jejomar Binay is my President in 2016!

Nakangiti at umiiwas niyang tugon, “Magtatrabaho muna ako. May ipinapapagawa sa akin si Presidente [Noynoy Aquino].”

Kaya iniba muna namin ang tanong.

Binalikan namin kung ano na ang update sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng anak niyang si Mayor Junjun Binay at mga guwardiya ng Dasmariñas Village sa Makati.

Read: Mayor Jun Jun Binay’s aides bring out guns amid altercation with Dasmariñas Village security guards

Maiksi ngunit may diin nitong pananalita, “Oo nga. Ganun talaga ang pulitika, e.”

Hindi na rin siya sumagot sa follow-up question ng PEP.

Nahalata ng PEP na ayaw nang pag-usapan ng isa sa mga haligi ng United Nationalist Alliance (UNA) ang naturang isyu.

Nakaumang na rin ang security escorts nito para asistihan ang Bise Presidente pasakay ng elevator ng Arlington.

Pero bago pa man magsara ang pintuan ng elevator, muli naming tinanong kung ano ang sagot niya sa deklarasyon ni Ai-Ai.

Nakangiting tugon ni Vice President Binay, “Magtatrabaho muna ako. Marami pa akong bahay na gagawin.”

Bukod sa pagiging Vice President, si Binay ang kasalukuyang chairman ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), ang ahensiya ng gobyerno na namamahala sa mga murang pabahay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN