Blogger Lourd de Veyra posts message for Vic Sotto: "Puwede namang magpatawa pa rin habang nagtataas ng antas ng kalidad ng paggawa ng pelikula."

Sa isang open letter, hinimok ng TV personality/ blogger/ musician na si Lourd de Veyra (inset) si Vic Sotto na lumikha ng mas makabuluhan at de-kalidad na mga pelikula.


Isang open letter para kay Vic Sotto ang pumukaw sa atensiyon ng mga Netizens ngayong araw, January 3.

Isinulat ito ni Lourd de Veyra, blogger ng website SPOT.ph, kung saan hinikayat ni Lourd si Bossing (palayaw ni Vic) na gamitin ang kanyang impluwensiya upang gumawa ng mga de-kalidad na pelikula.

Inilabas ng author/ musician/ radio jock/ TV personality ang kanyang sentimiyento matapos mapanood ang Metro Manila Film Festival entry ni Vic, ang My Little Bossings.

Isang self-confessed fan ng Tito, Vic, and Joey o TVJ, sinabi ni Lourd na malaki ang impluwensiya sa kanya ng tatlong stars.

Hinahangaan rin daw niya si Vic dahil sa kanyang appeal sa masa, mapa-bata man o matanda.

Patunay ng karisma ni Vic ang pangunguna ng pampamilyang Metro Manila Film Festival o MMFF entry na My Little Bossings, na record-breaking ang kinita nitong P50.4 milyon sa buong bansa sa opening day noong December 25.

Co-producers din ng pelikula sina Vic at Kris Aquino, na may special participation din sa proyekto.

Pero hindi naitago ni Lourd ang kanyang pagkadismaya sa pelikula, na pinagbibidahan din nina Ryzza Mae Dizon at James “Bimby” Aquino Yap Jr.

Pinuna ni Lourd ang storyline, na tila minadali raw ang paggawa nito, pati ang pagkakaroon ng ’di mabilang na product placements.

Nagpauna si Lourd na hindi man siya ang target audience ng pelikula dahil pambata ito, gusto pa rin daw niyang ipahayag ang kanyang opinyon.

“Nagbayad ako ng P220 kaya karapatan ko bilang manonood na magbahagi ng saloobin,” ani Lourd sa blog entry.



“HANGGANG GANITO NA LANG BA?” Sa kasikatan ni Vic, pati na rin si Kris, puwedeng-puwede raw ng gamitin ang kanilang impluwensiya para sa mga mas makabuluhang proyekto.

“Pagkakataon niyo na sana. Kayong dalawa ni Kris Aquino ang dalawa sa mga pinakamakapangyarihang pangalan sa showbiz ngayon. Ang daming nagtitiwala sa inyo. Ang dami-dami niyong puwedeng gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But this is the best you can come up with? ’Wag niyo sabihing ‘Pinaghirapan namin ito’ dahil maglolokohan lang tayo.”

Dugtong ni Lourd, “Pero hindi naman porke naka-bangko kayo sa ka-kyutan ni Ryzza Mae at patawa mo [Vic] kaya PNY na lang ang ibang aspekto ng pelikula."

Ang ibig sabihin ni Lourd sa PNY ay “pwede na ‘yan."

Ano ang buod ng panawagan ni Lourd sa kanyang open letter?

Pagdidiin ng author: “Bossing, heto lang talaga ang gusto kong sabihin. Ngayon ikaw ay nasa maimpluwensiya at makapangyarihang posisyon.

"Kaya mong gumawa ng mga pelikulang makabuluhan, isang pelikulang maipagmamalaki ng lahat sa punto de bista ng kultura at estetiko.

“Hindi ka na rin bumabata.

“Panahon nang gumawa ka ng pelikulang puwede mong ipagmalaki sa lahat—mula sa iyong mga magiging apo hanggang sa mga ‘supladong’ kritiko.

“Minsan kasi may punto rin sila.”

LIKE DOLPHY. Ginawang halimbawa ni Lourd ang pumanaw na Comedy King na si Dolphy na kahit nakilala sa paggawa ng ’di mabilang na comedy movies, ilan sa mga ito ay critically-acclaimed.

Binanggit ni Lourd ang 1978 movie ni Dolphy na Ang Tatay Kong Nanay, kung saan ginampanan ni Dolphy ang papel ng isang bakla na inalagaan ang anak ng kanyang minamahal na lalaki, na ginampanan ni Phillip Salvador.

Ang pelikula ay idinirehe ni Lino Brocka, at nagbigay ng nominasyon bilang Best Actor sa FAMAS Awards at Gawad Urian kay Dolphy noong 1979.

Panawagan pa ni Lourd kay Vic, “Nasa posisyon ka na kumuha ng mahuhusay na manunulat at director na kayang magbalanse ng komersiyal na elemento at ng tinatawag na diskurso sa kondisyong mortal.

“Kunwari, sa bawat tatlo o apat na fantasy o romance-comedy, ano ba naman ang lumikha ng isang komedya na tatalakay sa isang isyu ng lipunan, isang pelikulang kikiliti rin sa kanilang mga puso?

"Kikiliti na parang hindi ‘cheap’ at parang hindi masyadong pinag-isipan,” ani Lourd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilala si Vic sa paggawa ng mga pelikulang may halong fantasy at comedy, pero imbes daw na mga engkanto at multo ang humabol sa karakter ni Vic, bakit hindi abusadong pulis o mapang-aping mayayaman, upang sumalamin sa kondisyon ng maraming Pilipino?

“Puwede namang magpatawa pa rin habang nagtataas ng antas ng kalidad ng paggawa ng pelikula,” sabi ni Lourd.

At hindi na nito kailangan ng mga mamahaling special effects.

"Kayang-kaya niyo ’yan—we only have to look at Eat Bulaga’s Lenten specials. May kurot talaga sa damdamin.”

Paalala pa ni Lourd, “Bossing, kahit wala ka sa politika, ikaw ay kasama sa iilan sa industriya na may pagkakataong baguhin ang kamalayan at panlasa ng mga manonood—kahit pa-konti-konti lang.”


TIME TO GIVE BACK. Alam daw ni Lourd na hindi madali ang paggawa ng pelikula lalo na sa mga producers nito, kagaya ni Vic.

Gayunpaman, naniniwala raw siyang “puwedeng gumawa ng pelikulang nakakaaliw at pipilahan ng buong pamilya—na hindi sinasakripisyo ang kalidad ng kuwento."

Dugtong ni Lourd, “Ang tagal mo nang kumikita, Bossing.

“Malaki-laki na rin ang naibigay sa iyo ng taumbayan.

"Oras na siguro para sila ay suklian. Magbalik ka naman. To whom much is given, much is required, ika nga ng Bibliya.”


READERS’ REACTION: Ang blog entry ay umani ng iba’t ibang komento mula sa readers.

Minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na huwag baguhin ang mga komentong nailathala, maliban sa spelling ng ilang words at paragraphing, upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa.

Ayon kay moviefan, “the movie is for FILM FESTIVAL, but the quality of the film is not good enough for a film festival entry. pag film fest, technical wise, story wise, dapat high quality talaga, excellent.. na pwedeng ipagmalaki nating mga pinoy internationally.

“bossing vic’s movie is ordinary movie lang na pwede namang ipalabas kahit di film festival. parang low budgeted, di pinag-isipang mabuti, di mashado pinaghandaan. this is no different to his previous movie. there’s nothing special about the movie all in all.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin ang laman ng komento ni ManosTheHandsofFate: “the letter does not seem to attack vic as an actor at all. Yung letter eh parang sinasabi na ‘Bossing, alam ko ang kakayahan mo bilang artista, pero bakit ito lang ang nagawa mo?’.

"I think Lourd does not want the MMFF to be a joke anymore. MMFF is supposed to highlight the best of the mainstream Philippine cinema.

"Tayo mismong mga Filipino does not deserve this kind of movies, we deserve a good movie with a good story. Di yung ‘ok na yan, bigatin naman mga artista natin, kikita na yan.’

"Yang mentality na ganyan ang dahilan kung bakit laging formulaic ang mainstream cinema natin. Di na tayo naka move on sa mga love teams and same old comedy stories. The Philippine cinema needs a fresh start.”

Paalala naman ang isang nagngangalang Good Vibes:Don’t target the actor itself. Please target the producers, script writers, and the director para mas maging OKAY ang quality ng movie. Tutal, walang kwenta naman na ang mga movie ngayon kasi ang korni na ng mga palabas.

"But we can also determine na we are on the digital era na, mas nagegets na ng mga tao ang latest taglines at jokes kahit korni na. Pero kung yun naman nafefeel ni Lourd de Veyra feeling ko di na pasok sa standards niya yung mga napapanahong pelikula ngayon."

Sinang-ayunan ni sawanasakalokohansistema ang punto ni Lourd na ang mga Lenten specials ng Eat Bulaga ay makabuluhan.

“Product placement ang tawag dun sa ginawa nila sa pelikula na yun mas mahal ang presyuhan nun compared sa airtime ng regular ads.. malinaw na pera-pera na nga lang wala na ang substance may mga kakayahan naman nila sumulat kagaya nun mga lenten specials nga nila lahat sila dekalibre sana may ganun kalidad din ang ibang pelikula ilabas nila kahit hindi pang holy week.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay HMaster: “Maganda ang mga naging punto ni sir Lourd tungkol sa pelikula. Tama lang naman siya na nangangailangan ng magkaroon ng ’sense’ ang mga palabas na inihahain bilang entry sa MMFF lalo na iyong mga tulad ng kay sir Vic Sotto. Maganda ang layunin ng palabas na magpatawa at tumulong upang makalimutan ng mga manonood ang kanilang problema.

"Pero di ba dapat may nakukuha ring katuturan ang mga manunuod nito? hindi kasi pwedeng simpleng magpapatawa lang ang mga pelikulang ipapakita kasi bakit pa tinawag na Film Festival kung wala namang ’Variety at content’.

"at saka hindi My Little Bossings ang pinili niya dahil gusto niyang punahin ito. Ginawa niya iyon kasi fan siya ni Vic Sotto at naniniwala siyang mas may magagawa pa itong pelikulang tatatak sa isipan ng mga tao maski na sa mga bata.

"At kung sasabihin ng iba na hindi siya nanonood ng Eat Bulaga para malaman kung saan napupunta ang perang kinikita eh nagkakamali sila sa sinasabi nila. HINDI sa bulsa niya galing ang perang ipinamimigay niya.

"Sadyang nag iiba ang panahon at nangangailangan ng mga pelikulang hindi indie pero kayang makapagbigay ng katuturan tungkol sa realidad ng buhay.Nakakasawa na kasi ang paulit ulit na sequels ng mga palabas na pare pareho naman kadalasan ang plot."

Meron ding mga hindi sumang-ayon sa open letter ni Lourd gaya ni walangbasaganngtrip.

Aniya, “Wala nlng sanang pakeelamanan ng trip..kung di ok sayo ang movie at nanghinayang ka sa binayad mo...an open letter is not a good venue to let vic sotto know about ur insights sa movie...kanya kanya tayo ng taste sa movie..baduy man sayo pero napatawa ka...

"choice mo naman na panoorin..kung ginusto mo na suportahan ang movie sa pamamagitan ng 220 na binayad mo...the best thing you can do if u really care about the kind of movie that he is creating..find a good way of letting him know...maraming bastos at walang modong reader na mag mimisunderstood ng open letter na yan...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni nitesoul: “salamat Lourd, kahit papano, natuwa ako sa article mo. i have stopped watching Filipino films dahil walang kwenta. i had been watching Korean, Japanese, American movies. pero selected sila. pati kasi indie films, parang nasisira na din ng mainstream.”

Samantala, nakipag-ugnayan ang PEP kay Malou Choa-Fagar, lady boss ng Eat Bulaga at malapit na kaibigan ni Vic.

Si Malou ang siya ring tumatayong manager ni Ryzza Mae.

Nang mag-text ang PEP, sinabi ni Malou na hindi pa nila nababasa ang blog entry ni Lourd. Dagdag niya, "I don’t think he will make a comment," na ang tinutukoy ay si Vic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN