John Lloyd Cruz says girlfriend Angelica Panganiban is not the jealous type

Ani John Lloyd Cruz, hindi ang kasintahang si Angelica Panganiban ang tipo ng girlfriend na pagseselosan ang mga nagiging leading ladies ng aktor sa kanyang acting projects.


Ikinatutuwa ni John Lloyd Cruz ang tiwalang ibinibigay sa kanya ni Toni Gonzaga sa kanilang reunion project—ang sitcom na Home Sweetie Home na ipalalabas sa ABS-CBN simula sa January 5, Linggo.

Unang nagtambal sina John Lloyd at Toni sa pelikulang My Amnesia Girl noong 2010.

Subalit hindi gaya ng mga papel nila sa nasabing pelikula na magkasintahan lamang, dito sa sitcom ay gaganap sila bilang mag-asawa.

Hamon daw para sa kanila na kumbinsihin ang kanilang mga manonood na mag-asawa sila dahil wala pa naman silang mga asawa sa tunay na buhay.

Sabi ni John Lloyd, “Ang mahirap, kasi nga mag-asawa nga kami dito.

“Kung yung kapareha mo medyo walang tiwala sa ‘yo o hindi buo ang kanyang commitment sa ginagawa niyo, baka hindi mag-work ang lahat ng effort na ibinubuhos niyo.

“So, nagpapasalamat nga ako dahil mukha namang buo yung tiwala ni Toni sa akin at sa ginagawa namin.

“Malaking bagay ‘yon para sa akin, kaya nakakatulong ‘yon sa mga eksena na ginawa namin at gagawin pa namin in the future.”

May kanya-kanyang karelasyon sina John Lloyd at Toni sa totoong buhay.

Matagal nang kasintahan ni Toni ang director-producer na si Paul Soriano, samantalang girlfriend naman ni John Lloyd ang aktres na si Angelica Panganiban.



UNDERSTANDING GIRLFRIEND. Sa presscon ng Home Sweetie Home ay naitanong kay John Lloyd kung may plano na ba silang magpakasal ni Angelica.

Ang maiksing tugon ng aktor, “Wala pa sa isip ko.”

Sinabi ni Angelica sa isang interview noon na gusto na niyang magpakasal sa edad na 28.

Sa kasalukuyan ay 27 anyos si Angelica at magdiriwang ng kanyang ika-28 kaarawan sa November 4.

(Read: Angelica Panganiban on settling down with John Lloyd Cruz: "Kapag nag-propose siya next year, sasagutin ko na siya!")

Pero tila hindi alam ni John Lloyd na sinabi ito ng kanyang girlfriend.

Aniya, “Hindi naman, wala naman siyang nasabing ganun sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw selosa si Angelica pagdating sa mga nakakapareha ni John Lloyd.

Sabi ng Kapamilya actor, “Trabaho naman ito.

“It’s not like aasawahin ko si Toni.

“Alam naman namin kung paano i-separate yung trabaho sa personal namin.

“Ako, ganun din naman. Hindi mo siya puwedeng ihalo.

“So, nagpapasalamat ako na I have a very understanding girlfriend.

“Pareho kami na ayaw namin… mutual naman yung kagustuhan namin ni Angelica na huwag ihalo yung personal sa trabaho.

"Nagpapasalamat ako na ganun siya."

Inusisa rin ng press si John Lloyd kung siya ba ang tipong habulin ng mga babae o siya ang naghahabol sa mga babae.

Tugon ng 30-year-old actor, “Depende.

“Sometime in the past, naghabol din tayo.

“Mahirap naman i-acknowledge kung lalaki ka, sasabihin mo, ‘habulin ako...’ Hindi tama.

“Pero naghabol [ako].

“Hindi ko ikinakahiya ‘yon dahil na-in love tayo noon.

"Sobra nating minahal yung tao kaya naging desperado, naghabol…"

ANOTHER BLESSING. Isa raw blessing para kay John Lloyd ang kanyang sitcom sa Kapamilya network.

Sabi ng dramatic actor, “Masayang-masaya lang dahil ang ganda ng pasok ng taon.

“Tsaka ang ganda ng pasok namin sa oras na 7:30 p.m, Linggo, kaya masayang-masaya kaming lahat.”

Kasama rin sa Home Sweetie Home sina Sandy Andolong, Rico J. Puno, Jayson Gainza, Miles Ocampo, Clarence Delgado, at Mitoy Yonting.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN