Angel Locsin quashes rumor about being seen in the company of a politician during recent holiday cruise

Angel Locsin is caught off-guard by the rumor that she was seen with a politician during her recent holiday cruise: “Nagulat ako nung tinawagan ako ni Manay [Ethel Ramos, her manager] na may governor ba o congressman daw ako na boyfriend na kasama sa cruise. Hindi totoo yun. Hindi ko nga malaman kung governor o congressman daw ba yung nakitang kasama ko doon. Siguro may nakakilala sa akin tapos akala nila may boyfriend ako na kasama. E, hindi naman nila kilala mga kasama ko do


Isa si Angel Locsin sa mga artistang dumating sa huling gabi ng lamay para sa namayapang ina ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas, na si Gloria Hernandez delas Alas, sa Arlington Ascension chapel noong Huwebes, January 2.

Nagkasama sina Angel at Ai-Ai sa katataps na sitcom ng ABS-CBN na Toda Max.

Kasabay ni Angel na dumating sa burol ang direktor ng Toda Max na si Malu Sevilla.



BACK FROM ASIAN HOLIDAY CRUISE. Kababalik lang ng Pilipinas nina Angel at Direk Malu mula sa isang Asian cruise nitong nakaraang holiday season.

Sa naturang biyahe, kasama rin ni Angel ang kanyang ama na si Angel Colmenares at kapatid na si Ella; habang kasama naman ni Direk Malu ang girlfriend niyang si Trisha.

May mga kasama rin silang ilang executives ng ABS-CBN at ang kani-kanilang mga pamilya. Kaya mahigit 20 katao raw silang magkakasama na nagbiyahe.

“First time kong mag-cruise!” kinikilig na bungad ni Angel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“First time din naming nag-travel ng pamilya ko na magkakasama kaming lahat kaya ang saya."

Sobrang masaya raw siya na makitang nag-e-enjoy ang daddy niya sa cruise.

“Naku, daddy ko, mag-isang nagsu-swimming sa gitna.

"Wala siyang pakialam, basta nag-e-enjoy lang siya.

"Pero siyempre, worried din ako kaya hinabol ko siya,” kuwento ni Angel.

Bagamat halos lahat sa pamilya ni Angel ay marunong mag- swimming, nag-alala pa rin daw siya dahil di na masyadong nakakakitang mabuti ang kanyang ama.



ALLEGED SIGHTING WITH POLITICIAN. Nagulat naman si Angel pagbalik niya ng Pilipinas sa isyung may kasama raw siyang politician sa cruise na diumano’y bago niyang boyfriend.

“Nagulat ako nung tinawagan ako ni Manay [Ethel Ramos, her manager] na may governor ba o congressman daw ako na boyfriend na kasama sa cruise.

“Hindi totoo yun.

"Kami lang magkakasama ng family ko at saka sina Direk Malu, si Kuya Rocky [Ubana, Toda Max executive producer].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko nga malaman kung governor o congressman daw ba yung nakitang kasama ko doon.

“Siguro may nakakilala sa akin tapos akala nila may boyfriend ako na kasama.

"E, hindi naman nila kilala mga kasama ko doon,” paglilinaw ni Angel.



ON LOVE. Noong Oktubre 2013 lamang naghiwalay sina Angel at ang dating boyfriend na si Phil Younghusband pagkatapos ng halos dalawang taong relasyon.

Opisyal silang naging magkasintahan noong May 27, 2012.

Handa na ba siyang ma-in love ulit?

“Ayaw ko pa muna," sagot ni Angel habang umiiling.

Tikom man ang bibig, nagbigay si Angel ng konting dagdag sa kanyang pahayag:

"Pero kung dumating, e, tingnan natin.

"Wala naman akong magagawa kapag na-in love ulit ako, e.

“May grupo nga ng mga Fil-Am doon sa cruise, e.

"Sabi sa akin ni Direk Malu, ’Rumampa ka doon, baka may ma-meet ka.’

“Nakakahiya naman ’ata yun.

"Saka di ko naman ugali yung rumampa para maka-meet ng guy.”



THE LEGAL WIFE. Kasunod nito, humingi ng tulong si Angel para sa nalalapit na pagsisimula ngayong Enero ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang The Legal Wife.

Tampok sa serye ang mga totoong pinagdaraanan ng mga mag-asawa at kung ano ang kaya nilang gawin para sa isa’t isa at sa kanilang pamilya.

Sa ilalim ito ng direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao.

Bukod sa The Legal Wife, may gagawin din si Angel na horror-comedy film with Vhong Navarro under Star Cinema ngayong 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN