Kris Aquino says her decision to switch networks depends on her “most important mission”

Kahit nasa London, kasama ang dalawang anak para sa isang bakasyon, patuloy pa ring nagpaabot ng mensahe si Kris Aquino sa kanyang mga tagahanga tungkol sa magiging desisyon niya sa napapabalitang paglipat ng istasyon.

Wala pa man daw siyang narating na konkretong desisyon tungkol dito, sinisiguro niyang isasaalang-alang niya ang kapakanan ng kanyang dalawang anak.


Taimtim pa ring pinag-iisipan ni Kris Aquino ang kanyang magiging desisyon sa patuloy na umiinit na usapin ngayon tungkol sa kanyang paglipat ng network.

Ayon sa tinaguriang Queen of All Media, ang kanya pa ring paiiralin sa kahahantungan ng kanyang desisyon ay ang kapakanan ng kanyang dalawang anak, lalung-lalo na ang kanyang panganay na si Joshua.

Sa post niya sa Instagram (@krisaquino214) kaninang madaling-araw, January 6, sinabi ni Kris na naintindihan ng kanyang bunsong si Bimby ang espesyal na pangangailangan ng kanyang Kuya Josh.

Isinaalang-alang din daw ni Kris sa kanyang magiging desisyon ang pangako sa namayapang inang si dating Pangulong Corazon Aquino na alagaan nang mahusay ang dalawang anak.

Sa huli, may pahiwatig ang 42-year-old actress at TV host sa kanyang career plans.

Malaking bahagi raw sa gagawin niyang desisyon ang kanyang pagiging ina.

Narito ang kabuuang mensahe sa Instagram ni Kris, kalakip ng larawan ng altar ng simbahan ng Saint Patrick sa London.

Walang binago ang PEP dito, liban sa pagsasaayos ng mga talata upang mas magaang basahin online:

“I was able to hear Mass in Saint Patrick’s in Soho... The priest in his sermon to inspire believers during the Feast of the Epiphany quoted Dag Hammarskjöld, UN Secretary General who died in a plane crash in 1961 w/ words to this effect:

“For everything that has been, THANK YOU. For everything that will happen, YES.

“I felt this was a very strong message for me personally...

“In 2014 I will continue to believe & have faith in God’s plan for my life... Thank You for caring very much about my future plans.

"For all those who understand that my decisions in life are most influenced by my sons, thank you...

"It was a solemn promise to my Mom near her death that I would do everything to insure Josh’s comfort & well being.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She told me that w/ Bimb we could be confident that he could be independent & make a good life for himself.

"It is for Josh that I must leave behind enough to insure that even when I’m gone he would be financially secure.

“At only 6 years old, Bimb understands his Kuya’s special needs & promised to always share w/ Josh.

“I have been blessed w/ a career I am passionate about but at the end of the day, my most important mission is to be the best mother I can be... ❤️❤️❤️”



PSSSTTT: NO DECISION HAS BEEN MADE... Kasunod naman niyang post, sinabi ni Kris na wala pa talaga siyang nagawang desisyon.

Aniya, “Psssttt: no decision has been made, negotiations are on going, I simply explained what’s in my heart...

“Will enjoy our last few days here in London. Will look forward to watching a couple more musicals, doing some more sight seeing, and experiencing afternoon tea then buying a few more teapots... ❤️❤️❤️”

Matatandaang bago pumasok ang taong 2014, nagkaroon ng maraming espekulasyon tungkol sa usaping ito, at may mga nasusulat na sa mga tabloids at Internet blogs na diumano’y “90 percent sure” na ang pag-alis ni Kris sa ABS-CBN.

Sa pananaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isang top-level executive ang nagsabing nagkaroon ng dinner meeting si Kris at si Manny V. Pangilinan pagkatapos ng Pasko at may “offer” nga raw kay Kris upang lumipat.

Si Manny ay chairman ng TV5 o tinatawag na Kapatid network. Nababalita ngayong tinatangkang bilhin ni Manny ang GMA Network.

Read: (2ND UPDATE) Kris Aquino offered by Manny V. Pangilinan to leave ABS-CBN

Ilang oras pagkatapos mailabas ng PEP ang naturang report, nag-post naman si Kris—na nasa London kasama ang dalawang anak para sa dalawang linggong bakasyon—ng mensahe sa kanyang Instagram na patuloy pa rin nitong pinag-iisipan ang gagawing hakbang pagdating sa kanyang karera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Kris Aquino still reflecting "very carefully" about her next career move

Kahapon, January 5, sinabi ng kanyang matalik na kaibigang si Boy Abunda sa Buzz Ng Bayan na patuloy pa rin ang pag-uusap ng management ng ABS-CBN at ni Kris hinggil sa kanyang napapabalitang paglipat sa GMA.

Mas maigi na rin daw na si Kris ang magpaliwanag tungkol dito pagbalik niya galing London.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN