Singer-actor Markki Stroem wants to focus on hosting this 2014

Bukod sa pagkanta at pag-arte, gusto ring mag-excel ni Markki Stroem sa paghu-host. Paliwanag niya, "Basta sa akin, in this industry, I go for versatility. Yun din ang sinasabi ko sa sarili ko, na do all the things na puwede mong gawin and sustain them so that you will stay here. So, hindi ka lang dapat ma-content sa isang talent na kaya mong gawin. You have to maximize everything."


Ngayong 2014 ay gusto ni Markki Stroem na mag-concentrate muna sa career niya bilang isang TV host.

Ang Filipino-Norwegian singer-actor ay nagsimulang makilala nang maging finalist siya sa Pilipinas Got Talent Season 1 noong 2010.

Pagkatapos nito ay gumanap siya sa ilang stage plays tulad ng Next To Normal at Carrie.

Naging aktibo rin siya sa paggawa ng mga pelikula, tulad ng Slumber Party at Amor Y Muerte.

Ang pinakahuli ay ang 10000 Hours, na humakot ng maraming parangal sa Metro Manila Film Festival 2013 Awards Night.

DIFFERENT AUDIENCES. Nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Markki tungkol sa kanyang career move, nagpasalamat siya sa mga oportunidad na dumarating sa kanya.

"I feel thankful na inu-hone ako sa endeavor ko na mag-grow ako as an actor.

"Kasi dati, singer lang ako.

"Na-explore ko ang talents ko na, even before, ay hindi ko naiisip na meron pala ako, and I was able to express myself to different audiences.

"Pero ngayon, ang dami kong nakuhang project sa ABS-CBN sa hosting.

“So, since few years ago, puro ako singing. Then last year, acting.

“Baka nga this year, sa hosting naman.

"It’s a different field naman na gusto kong i-explore, at sa tingin ko ay magiging okay naman ako.

"So, baka ang focus ko ngayon ay hosting."

Gayunpaman, hindi raw ibig sabihin nito ay iiwanan na niya nang tuluyan ang pagkanta at pag-arte.

"No, hindi naman,” sabi ng 26-year-old singer-actor.

"Hindi ko naman totally ii-stray ang sarili ko from singing and acting.

"Marami pa naman akong natatanggap na music projects and offers sa TV and movies.

“So, yung hosting is just another venue of what possibilities na meron sa akin.

"If I can squeeze in all three, why not, di ba?"

SEXY ROLES. Buong akala naman ng mga tagahanga ni Markki ay tuluyan na siyang sasabak sa pagpapaseksi pagkatapos niyang gawin ang Amor Y Muerte, na ipinakita na niya ang lahat-lahat sa aspetong pisikal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit paglilinaw ni Markki, "Ako kasi, wala akong inhibitions kasi kapag ang role ang pinag-uusapan.

“Kung ano ang character ko, ipinapasok ko talaga.

"Hindi na yung ako si Markki ang lumalabas, kundi kung sino ako sa movie.

"So, yun ang iniisip ko.

"Well, thankful nga ako sa medyo na-excite sa akin ang public.

“Kasi, marami ang pumasok na projects, especially last year.

"At the end of the day, marami akong dapat pasalamatan for allowing me to do what I love to do every day.

"Kasi, yun ang nagda-drive sa akin, e.

“At pag hindi ko na love ang ginagawa ko, baka mag-move na lang ako sa ibang field, di ba?

"Sa ngayon, masaya ako sa mga ginagawa ko, tulad nga ng singing, acting, at ngayon ay hosting."

EDUCATED TV HOST. Malaking hamon daw para kay Markki ang mag-tone down sa harap ng audience habang naghu-host.

Ito ay dahil maging sa pagkanta niya onstage ay nag-e-exude pa rin siya ng kaseksihan, tulad ng sexy moves niya habang kumakanta.

Nangingiting paliwanag ni Markki, "When I do hosting, naniniwala ako na ang nakikita nila sa akin ay ang isang edukadong tao.

"May degree naman akong natapos in college before ako sumali sa Pilipinas Got Talent.

"And I guess yun ang nakita nila sa akin. That’s why they gave me the job.

"Yeah, hosting is a different job.

"You have to show na respectful ka and you are also respected."

Si Markki ay nagtapos ng Bachelors of Arts in Hospitality and Marketing Management sa Glion Institute of Higher Education sa Switzerland, at nag-graduate ito na may merit and honors.

Sabi pa niya, "Yung sa singing kasi, part ng branding ko rin ’yan na dahil jazz singer ako, so medyo sexy talaga ang moves.

"In terms of branding, siguro kung kumakanta ako ng ballads tapos sumiseksi ako, baka hindi bagay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And dun sa hosting, what is important is that I am also capable of holding a conversation with the public.

"And in essence, puro Inglisero ang mga yun, e, which I think I am also capable of.

"So, I think yun ang difference nun.

"Basta sa akin, in this industry, I go for versatility.

"Yun din ang sinasabi ko sa sarili ko, na do all the things na puwede mong gawin and sustain them so that you will stay here.

"So, hindi ka lang dapat ma-content sa isang talent na kaya mong gawin.

“You have to maximize everything."

RESPONSIBILITY TO AUDIENCE. Biniro namin si Markki na sa kabila ng maraming talents na maio-offer niya, ang well-chiseled body pa rin niya ang pangunahing pinagkakainteresan sa kanya ng publiko.

Ano ang masasabi niya rito?

"Well, I have to maintain it!" natatawang sagot niya.

"Kaya nga, diretso din kaagad ako sa gym kapag may time.

"I think any actor naman ngayon ay mas conscious na sa kanilang muscles, sa health, sa kung ano ang hinahanap sa kanila ng audience.

"Our responsibility ay ibigay ang wish nila, kasi sila naman actually ang bumubuhay sa career namin.

“So, the best thing is do your thing and pamper them. Responsibilidad talaga namin yun sa kanila."

Nakaranas na ba siya ng pambabastos o nakatanggap ng indecent proposals?

“I’m fortunate enough not to receive any, " sabi ni Markki.

"Siguro dahil alam nila na may degree naman ako, at ang family ko, okay naman.

"Hindi naman ako ganung klaseng tao na... I think nirerespeto nila ako.

"I think yung audience ko, they know their boundaries.

"I know some actors na nakakatanggap ng ganun, pero on my part, yung aura na in-exude ko ay yung aura na parang friends lang."

Dagdag pa niya, "Lumaki rin naman ako sa Europe at sanay ako sa nakikita ko na ang mga tao ay walang qualms sa... you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, it really depends on you, sa values at personality mo."

SINGLE AND LOOKING. Samantala, napag-usapan namin ang tungkol sa girls.

Mas type ba niya ang older women sa mga mas bata o kabaliktaran ito?

Ayon kay Markki, "In my opinion, and actually have to brag about it, I can have long hours of conversation about education and different facets of life.

“And if I meet an older [woman] who has same line of thought as mine, puwedeng ma-consider.

"Right now, I’m actually single and looking.

"I have dates, pero walang seryoso."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN