Andi Eigenmann on Manila Mayor Joseph Estrada’s apparent rejection of her for Jake Ejercito: “Siyempre po masakit, kasi nakakapanliit siya."

Bagamat nasaktan siya sa "no comment" na pahayag ng ama ni Jake Ejercito na si Manila Mayor Joseph Estrada, nirerespeto raw ito ni Andi Eigenmann. Pahayag ng young actress, "Kailangan ko pong respetuhin kung anuman po ang sinasabi nila, kasi sila ang magulang ni Jake. They know what’s best for their son and sila ang nagpalaki, kaya dapat naman po, sila ang masusunod."


Nirerespeto raw ni Andi Eigenmann ang anumang opinyon ng mga magulang ni Jake Ejercito na si Manila Mayor Joseph Estrada at ang dating aktres na si Laarni Enriquez.

Sa isang panayam kasi ng Buzz Ng Bayan kay Mayor Estrada ay "no comment" ang naging sagot nito nang tanungin kung boto ba siya kay Andi para sa anak.

Read: Mayor Joseph Estrada refuses to comment on son Jake Ejercito’s on-off relationship with Andi Eigenmann

Dahil dito ay balitang nagtampo o sumama diumano ang loob ni Andi.

Pahayag ng Kapamilya actress sa showbiz talk show ng ABS-CBN, “Wala naman po akong magagawa.

"Kailangan ko pong respetuhin kung anuman po ang sinasabi nila, kasi sila ang magulang ni Jake.

“They know what’s best for their son and sila ang nagpalaki, kaya dapat naman po, sila ang masusunod.”

Dagdag ng Galema star, “But at the same time, nandito po ako para naman ipakita na hindi ako dapat i-dislike for their son.

“Kasi, una sa lahat, totoo naman yung nararamdaman ko para sa kanya.

“Pangalawa, hindi naman po ako masamang tao.”

Ano ang nararamdaman niya sa naging pahayag ng ama ni Jake tungkol sa kanya?

Pag-amin ni Andi, “Siyempre po masakit, kasi nakakapanliit siya.

“At saka, yun nga, medyo judgmental ang dating.

"Pero, wala po akong dapat gawin kung hindi respetuhin po yun."

TOGETHER AGAIN? Sila na nga ba ulit ni Jake ngayon?

Sagot ni Andi, “Just like what I always say, people always think that I’m lying.

"Kasi, palagi kaming... kapag umuuwi siya, nagkikita kami, napi-piktyuran.

"Hindi naman ako nagla-lie. Sinasabi ko naman ang totoo.

“I really do care for him a lot.

"Ayaw naman po naming ipilit ang mga bagay na hindi naman puwede.

"I’m always honest naman about my feelings for him naman, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN