Vice Ganda on his secret lover: "Hayaan mo na silang magbato ng pangalan, pero wala akong kinu-confirm."

Vice Ganda on lessons learned from his mistakes: "Lahat naman tayo, nakagawa na ng pagkakamali na nauulit lang natin. Alam ko, kapag nagkakamali ako, ang pinakamahusay at pinakamadaling paraan lang ay tanggapin mo ang pagkakamali mo, at humingi ka ng paumanhin sa kung kanino ka man nagkamali."


Hindi naging madali para kay Vice Ganda ang nakaraang taon, 2013.

Matatandaang dumaan sa iba’t ibang intriga ang TV host-comedian.

Kabilang na rito ang pagbatikos kay Vice dahil sa ginawa niyang biro sa GMA News anchor na si Jessica Soho sa kanyang concert sa Araneta Coliseum noong May 2013.

Read: Vice Ganda apologizes to Jessica Soho

Naging isyu rin ang pagkawala niya ng ilang araw sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime dahil sa depression.

Read: Vice Ganda reveals going through depression despite successful career

Ano ang mga natutunan ni Vice sa pagharap sa mga pagsubok na ito?

“Ang mga natutunan ko lang po, actually, matagal ko na pong alam na ina-apply ko lang na paulit-ulit.

“Kasi, yung pagkakamali ko, hindi ko naman nagawa na first time. Nagawa ko na rin dati.

“At lahat naman tayo, nakagawa na ng pagkakamali na nauulit lang natin.

“Alam ko, kapag nagkakamali ako, ang pinakamahusay at pinakamadaling paraan lang ay tanggapin mo ang pagkakamali mo, at humingi ka ng paumanhin sa kung kanino ka man nagkamali.

“Kasi, may mga pagkakataon na hindi naman kinakailangan humingi ng tawad.

“Hindi, kailangan mong humingi ng tawad.

“Palagay ko, kaya rin tinatanggap ng tao ang pagkakamali ko dahil alam nila na ang intensiyon ko ay hindi masama.

“Nagkataon lang na nagkamali, pero hindi masama ang intensiyon ko,” pahayag ni Vice sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya ng Buzz Ng Bayan kahapon, January 5.

Noong 2013, may pagkakataon bang nasabi niya sa sariling "ayoko na"?

“Parang,” sabi ni Vice. “Pero hindi, umaarte lang din ako noon.”

Natatawa niyang dagdag, “Reaksiyon lang, naramdaman mo lang that moment!

“Di ba, may mga ganun naman, kapag pagod na pagod ka na, mababanggit mo, ayoko na? Aarte ka lang nang ganun.

"Alam ko naman, umaarte lang ako, pero gusto ko pa rin.

“Meron naman, ang sakit-sakit na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang ginagawa niya kapag nasasaktan na siya?

“Iiyak. Umiiyak ako halos araw-araw.

"Kapag nasasaktan ako, iiyak ko iyan.

“Kasi, hindi talaga ako nagtatanim ng sama ng loob o lungkot—iiyak ko o itatalak ko.

"Kapag hindi ko na talaga kaya, isisimba ko.

“Yun ang sinabi ko kay Anne Curtis noong may pinagdaanan din siya.

"Sabi ko, ’Hindi mo alam kung kailan mo ’yan matatapos.

“Hindi today, hindi next week. Hindi mo alam.

"Pero ang magagawa mo lang, iyak mo, tapos simba ka.

"Kasi, yun ang ginawa ko.”

SECRET RELATIONSHIP. Kumusta naman ang estado ng kanyang puso ngayon?

“Masaya,” pa-cute na sagot niya.

Paano niya napapanatiling pribado ang bagay na yun?

Sagot ni Vice, “Ang dami namang alegasyon.

"Ang daming lumalabas na pangalan, pero wala akong kinonfirm [confirmed].

“Hayaan mo na silang mag-isip. Hayaan mo na silang magbato ng pangalan, pero wala akong kinu-confirm.”

Proud ba ito sa kanya?

“Alam ko, noong New Year, nag-text siya. Kasi nga, wala ako sa Pilipinas.

“Ang sabi niya, ’Kahit wala na akong buhok, kahit hindi na ako nakakatakbo,’ sabi niyang ganun, ’ako pa rin ang magiging number one supporter mo na tahimik lang.’

“Sabi niya, ’Hindi ko kailangang sabihin sa buong mundo. Ang importante, nasabi ko sa ’yo.’”

Personal na kagustuhan daw talaga ni Vice na itago o ilihim kung sinuman ang karelasyon niya ngayon.

“Oo, gusto ko rin.”

Hindi ba mahirap na hindi sila makalabas na silang dalawa lang?

“Sobrang hirap. Hindi talaga kami lumalabas dito sa Pilipinas.

“Sabi ko nga sa kanya, ’Alam mo, kung gagawa tayo ng pelikula, ang title ng pelikula natin, Pag-Ibig sa Dilim.’

“Kasi, noong isang araw, sabi ko, ’Itigil na natin ’to.’

“Sabi niya, ’Ano ang sinasabi mo?’

“Sabi ko, ’Oo, itigil na natin. Nagsasawa ako sa apat na sulok ng kuwartong ito. Hindi tayo makalabas.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit na marami sila, hindi sila makalabas?

“Nangyari yun na lumabas kaming magkasama noong namumroblema ako.

“Nasa isang club ako, tapos naghahagulgol ako, pinuntahan niya ako.

“Sabi ko, ’Bakit ka pumunta rito? Makikita tayo, makikita tayo. Umuwi ka na, umuwi ka na.’”

Bakit siya humagulgol?

“May pinagdadaanan ako noon, tapos noong malaman niya, tinext siya ng kaibigan namin, pumunta siya.”

Yun kaya ang posibleng kapalit ng kasikatan niya?

“Ganun talaga, e,’ sagot ni Vice.

"Ako naman, okay lang.

"Ang gulo na ng buhay ko. Natatakot ako na magugulo siya at ang pamilya niya.

“At meron at merong isang tao na gustong guluhin kayo.

"At pagkakakitaan niya kayo. Pagkakakitaan niya kami.”

Hindi naman na nakasagot si Vice at napahalakhak na lang nang sabihin ng host na si Boy Abunda na base sa text message sa kanya ng boyfriend, may buhok ito at mahaba at tumatakbo.

Kaya ang ibig sabihin, atleta ito.

ON CO-HOST BILLY CRAWFORD. Sa huli, tawa nang tawa si Vice nang tanungin tungkol sa kaibigan nito at It’s Showtime co-host na si Billy Crawford.

Napapabalita kasing girlfriend na ngayon ni Billy si Coleen Garcia, at may lumabas pang larawan na nasa New York ngayon ang dalawa.

Sina Billy at Coleen na nga ba?

Pag-iwas na sagot ni Vice habang natatawa, “Hindi po ako sinungaling, pero hindi rin po ako presumida.

“Gusto kong manguna sa takilya, pero ayokong mauna sa tsismis!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN