Lian Paz celebrates Christmas and New Year with rumored boyfriend John Cabahug

Masasabi raw ni Lian Paz na naka-move on siya mula sa paghihiwalay nila ng aktor na si Paolo Contis. Saad niya, "Nawala na ang galit ko. Naging very civil na rin. Happy ako na mas naging matapang ako. Mas marami akong natutunan."


Kasama ni Lian Paz, at ng dalawa niyang anak na sina Xonia at Xalene, ang rumored boyfriend niyang si John Cabahug sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Baguio.

Nag-post pa nga si Lian sa Instagram ng mga larawan nilang magkasama ng businessman at basketball player.

Ang tungkol dito ang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lian nang makausap namin siya sa telepono.

Open na ba talaga sila ni John sa kanilang relasyon?

Sagot ni Lian, “Ano lang, one day at a time.

"Kung anuman ang meron, ina-appreciate lang namin.

“Obvious naman na, oo, espesyal naman siya.

"Pero hangga’t maaari, I still want it to be private. Yung walang masyadong label.

“Appreciate lang kung ano ang meron. I-enjoy lang ang moment.”

Nalaman din ng PEP mula kay Lian na sa Cebu siya nagdiwang ng Kapaskuhan, kasama ang pamilya ni John.

At noon ngang New Year ay si John naman ang sumama sa pamilya ni Lian sa Baguio.

LIAN’S DAUGHTERS. Kumusta naman ang pakikitungo ng dalawa niyang anak na sina Xonia at Xalene kay John?

Sagot ni Lian, “In fairness naman, wala akong problema doon.

"Pati ang anak niya [John], kasundo ng mga anak ko.

"Kasama rin kasi niya yung anak niya noong mag-Baguio kami, kaya sila ang magkakalaro.”

Sina Xonia at Xalene ay mga anak ni Lian sa estranged husband niyang si Paolo Contis.

May anak din si John mula sa dating karelasyon nito.

Sa palagay ba ni Lian ay si John na ang huling lalaki para sa kanya?

Sagot ng dancer turned actress, “Well, hindi naman na tayo nakikipaglaro.

"Meron na tayong babies. Meron din siya.

"Siyempre, umaasa rin tayo na makakahanap ng someone to be there for you. Pero, ayokong mag-expect.

"One day at a time. Enjoy the moment lang talaga."

UNEXPECTED LOVE STORY. Dati na raw magkakilala sina Lian at John kaya “unexpected” ang love story nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Lian, “Alam mo kasi, ang sa amin, unexpected love story.

"Classmate kami noong elementary at high school.

"Noong time na yun, hindi ko naman alam na may crush pala siya sa akin.

"So, ngayon, parang bumalik lang ang kilig.”

Wala rin naman daw silang problema sa pamilya ng bawat isa.

Ayon kay Lian, “Mabait siya. Yung family ko, okay naman.

"Kinausap siya ng daddy ko. Siyempre, alam naman ng daddy ko ang mga pinagdaanan ko.

"Kinausap siya nang maayos.

"Sana nga raw, maging maayos kung anuman ang meron kami ngayon."

PAOLO CONTIS. Kinumusta rin namin kay Lian ang estranged husband niyang si Paolo Contis.

Mas maayos na ba ang relasyon nila ngayon mula nang maghiwalay silang dalawa?

Sabi niya, “Okay kami in terms of our kids. Walang damutan factor.

"All-out na kung kailan niya gustong makasama, puntahan, walang problema, walang isyu.

"Wala kami nung fixed schedules lang dapat kuhanin.

“Pagdating sa mga anak namin, parang walang nagbago. Ibinalik lang namin yung dati.

"Ang difference lang, hindi na kami magkasama.

"Pero nakakabisita siya sa bahay. Kapag wala ako, nandoon siya.

"Ang relationship namin is all about sa dalawang bata.”

Masaya rin daw si Lian sa nakikita niyang relasyon ni Paolo sa mga anak nila.

Katulad nga raw noong Pasko, matagal na nagkasama ang mag-aama.

“Natutuwa ako, bumabawi siya.

"Noong Christmas nga, kasama niya ang dalawang bata. Halos one week silang magkasama.

"Sila yung magkakasama noong Christmas ng mga bata.

"Noong New Year, kami naman ng mga bata."

RECOVERY YEAR. Ayon kay Lian, naging maganda at maayos ang 2013 niya, sa kabila na noong salabungin niya ito ay sariwa pa ang paghihiwalay nila ni Paolo.

Saad niya, “Yung 2013, more on recovery year for me.

"So far, smooth sailing.

"Hindi ganun kabilis yung naging recovery, pero siguro, masasabi ko naman na naging slowly but surely siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pati sa trabaho, hindi ko akalain na magkakaroon ako ng endorsement.

"Nagkaroon din ako ng teleserye, itong Prinsesa Ng Buhay Ko, at naging year-ender cover pa ako ng Playboy Magazine.”

Naka-move on na talaga siya sa kinahantungan ng pagsasama nila ni Paolo?

Sagot ni Lian, “Oo, yes, naka-move on na.

"Nawala na ang galit ko. Naging very civil na rin.

"Happy ako na mas naging matapang ako. Mas marami akong natutunan.

"Noong magkasama pa kami ni Pao, sanay ako na siyang lahat.

“Ngayon, natuto akong mag-isa. Pati pagbabayad ng kuryente...

"Kumbaga, natuto ako na maging independent."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN