Luis Manzano admits to sending Holiday greeting to Angel Locsin and not to Jennylyn Mercado; clarifies rumor linking him to KC Concepcion

Luis Manzano on real score with KC Concepcion: “Mahirap pangunahan ang kahit na anong mga bagay-bagay. Right now, we’re enjoying each other’s company, we’re friends. Kaya kong sabihin na walang halong ka-showbiz-an na magkaibigan talaga kami ni KC.”


Aminado si Luis Manzano na hindi niya binati noong nakaraang Pasko at Bagong Taon ang ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Paliwanag ng TV host-actor, “It’s not the right Christmas para bumati, and even New Year.

“Ang pagkakaalam ko, nung huling usap namin, ang dami niyang naka-lineup.

"I’m sure she’s really excited to go back to teleserye, yung mga fans niya."

Naka-move on na ba siya mula sa breakup nila ng Kapuso actress-TV host?

Sagot ni Luis, “It’s a long process.

"Pero sabi ko nga, you will realize your worth, you will realize that things happen for a reason.

“So, moving on is a process… maybe short or a longer process, but it won’t stop that for anything or everything.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa ASAP noong Linggo, January 5.



ANGEL LOCSIN. Kung si Jennylyn ay hindi binati ni Luis noong Pasko at Bagong Taon, nagpaabot naman ng pagbati ang Minute To Win It host sa isa pa niyang ex-girlfriend na si Angel Locsin.

Sabi ni Luis, “Alam ko, New Year ko siya nabati… di ko maalala, e.

“Ang alam ko, nag-Merry Christmas din ako, I believe so.”

Ngunit tumanggi nang magbigay ng detalye ang Kapamilya star tungkol dito.

Saad niya, “Basta ako, binati ko yung tao… lalagyan kasi ng kulay kahit na ano ang sabihin ko.

“Basta ako, bumati ako ng ’Merry Christmas and Happy New Year’ sa mga kaibigan ko.

"Lalagyan ng kulay kahit na ano ang sabihin ko, so yung mga detalye na yun, sa aming dalawa na yun."



KC CONCEPCION. Samantala, patuloy ang isyung nag-uugnay kay Luis sa kapwa niya ABS-CBN talent at showbiz royalty na si KC Concepcion.

Ngayong walang girlfriend si Luis, at consistent naman si KC sa pagsasabing single siya kahit nali-link kay Paulo Avelino ay tinutukso pa rin ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga ba ang estado ng relasyon nila ni KC?

Tugon ni Luis, “Kami ni KC, nagsimula ang ano namin…

“Unang-una, magkasama naman talaga kami, ever since, tapos nagkasama kami sa SM fashion show.

“Kami naman kasi, may innate chemistry kami ni KC—siguro yung similarities ng buhay namin.

“Mahirap pangunahan ang kahit na anong mga bagay-bagay.

“Right now, we’re enjoying each other’s company, we’re friends.

“Kaya kong sabihin na walang halong ka-showbiz-an na magkaibigan talaga kami ni KC.”

Niligawan ba niya si KC?

Ayon kay Luis, “Nanligaw? Hindi, kasi para sa amin, iba kasi yung… let’s call it relationship namin ni KC.

“Dahil sa similarities namin, so we do always have that same denominator, na yung pinanggalingan namin, yung history namin.

“Nandun palagi yung bond na yun no matter what.”

Si Luis ay anak ng Star For All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos at ng TV host-actor na si Edu Manzano.

Si KC naman ay anak ng Megastar na si Sharon Cuneta at ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion.



CELEBRATING THE HOLIDAYS. Nagkuwento rin si Luis tungkol sa naging selebrasyon niya noong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Aniya, “Nung [December] 24, kasama ko ang buong family ko, sa mommy ko.

“On the 25th, ang kasama ko naman ay yung sa daddy ko naman.”

Noong December 26 naman ay lumipad siya, kasama ang isang kaibigan, papuntang Las Vegas upang manood ng UFC (Ultimate Fighting Championship).

Aniya pa, “Bumalik din ako ng [December] 31…

“Mixed martial [arts] naman talaga ako. Twelve years na akong nagte-training.

“Any martial artist, ang ultimate wish talaga nila ay makapanood ng UFC.”

Para kay Luis, naging maganda ang takbo ng 2013 para sa kanya kaya hinihiling niyang maging ganito rin ang tatakbuhin ng 2014.

“I feel blessed. Ang daming magagandang nangyari nung 2013—game shows, endorsements...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully, ganun pa rin ang mangyari this 2014.”

Ano ba ang mga aabangan sa kanya ngayong Year of the Horse?

Sabi ni Luis, “Wala pa, kasi medyo constant pa rin ang ginagawa ko.

“So, hopefully, very soon, we gonna sit down na rin and we’ll talk what’s in store for 2014.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN