John Prats denies proposing to girlfriend Isabel Oli

Inamin ni Isabel Oli na bagamat napag-uusapan na nila ng kasintahang si John Prats ang pagpapakasal, hindi pa nila napag-uusapan ang petsa kung kailan sila magpapakasal.


Natawa si John Prats nang tanungin tungkol sa balitang magpapakasal na sila ng kanyang girlfriend na si Isabel Oli.

Sa pagsalubong ng Bagong Taon ay nag-post kasi ng larawan si John sa kanyang Instagram account (@iamjonhprats), kung saan hinahalikan niya sa noo ang girlfriend habang may Christmas lights sa background.

May caption itong: “#Happynewyear @isabelolifee next year magkasama na tayo pag pasko at bagong taon ah;) #happynewyear din sa family mo;) God bless sa lahat;).”

Dahil dito ay nagkaroon tuloy ng haka-haka na magpapakasal na ang dalawa.



NO WEDDING BELLS YET. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sina John at Isabel sa groundbreaking ceremony ng Divine Angels Montessori Cainta, ang eskuwelahang ipinapatayo ng pamilya Prats, ngayong Martes, January 7, sa Cainta, Rizal.

Tinanong si John tungkol sa kanyang Instagram post.

Sagot niya, “Alam niyo, nakakatawa nga sa IG, kasi hindi na kami magkasama last Christmas.

"Sabi ko nga, gusto ko mag-spend ng Christmas next year together, tapos lahat [iniisip] kasal na ako."

Hindi naman daw ito ikinapikon ni John.

“For me, it’s a good vibe and okay naman ‘yon, and positive ang lahat ng tao.”

Sundot na tanong kay John: Wala pa ba siyang balak mag-propose kay Isabel?

“Hinihintay ko pa ang proposal niya!” biro ni John, sabay turo kay Isabel, na nasa tabi niya.

“Malalaman niyo ‘yan. Malalaman niyo naman ‘yan [pagdating] ng panahon.

“Ako nga, pag tinatanong ng mga tao sa akin kung kailan… siyempre, ba’t ko naman sasabihin?

“Di parang nauna pa ang ibang tao kesa kay Liv [palayaw ni Isabel].

“Kumbaga, gusto ko lang maging special ang araw na ‘yon.

“Kung darating ‘yon at kung kailan, di natin alam.

"Hindi niya puwedeng malaman.

“I want it to be special.”

Kung sakaling mangyari man daw ang proposal ay malalaman din naman ito ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng Kapamilya actor tungkol sa relasyon nila ni Isabel: “Basta sobrang enjoy kami. Sobrang happy ako sa relationship na ito."

Natutuwa nga raw siya na kahit sobrang aga ng call time ng groundbreaking ceremony ng ipinapatayo nilang paaralan ay dumating si Isabel para magbigay ng suporta.

“Wala ka naman hihilingan pa sa isang Isabel Oli,” sabi ni John.

Kuntento raw silang pareho sa kanilang relasyon.

Ani John, “Sobrang simple, napakasimple ng relasyon, napaka-mature, masaya.

“Masaya… ganun lang. Wala kaming stress. Tinatanggal namin ang mga stress.”

ISABEL OLI. Direkta namang tinanong si Isabel kung handa na ba siya kung sakaling mag-propose sa kanya si John.

Sagot ng Kapuso actress, “Ako, whenever I enter a relationship talaga, gusto ko talaga na yun na… parang gano’n.

"Serious talaga ako sa mga relationships.

“So sana… sana talaga.”

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

Sagot ng Kapuso actress, “May mga kuwentuhan, may mga plano, pero wala… wala pang date.”

Ano naman ang dream proposal niya?

“Basta ako, sa lahat ng bagay, simple lang.

“Kahit saan, okay lang sa akin,” sabi ni Isabel.

Masaya ba siya sa relasyon nila ni John?

“Yes. Ako… sobra. Sobrang kuntento ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN