Ciara Sotto understands cousin Sharon Cuneta’s decision to quit Twitter

Aminado si Ciara Sotto na mahirap ipagpawalang-bahala ang mga komento ng bashers sa social media, lalo kung mali ito. Pero mas mabuti na ring talikuran ng pinsang si Sharon Cuneta ang Twitter para hindi na ito magkaroon pa ng kaaway.


Hindi raw aware si Ciara Sotto sa ginawang pagsisentimiyento ng kanyang pinsang si Sharon Cuneta sa Twitter noong December 30, 2013.

Naglabas kasi ng sunud-sunod na posts ang Megastar upang ipaalam sa bashers nito sa social media ang mga naiambag niya sa industriya at ganun na lamang siya pagsalitaan ng masasakit na salita.

Dahil dito, nagsabi na si Sharon na iiwanan na niya ang Twitter.

Read: Sharon Cuneta vents on Twitter once more; may stop using social media to “go back to living my happy life”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ciara sa post-Christmas party ng entertainment department ng TV5 sa Broadway Centrum, kagabi, January 6.

Bahagi ng Kapatid network ngayon si Ciara dahil isa siya sa mga artista ng Madam Chairman, ang tawa-serye ng kanyang pinsang si Sharon.

Sabi ni Ciara tungkol sa pagku-quit ni Sharon sa Twitter: “A, ganun ba? Hindi ko alam na umalis na siya sa Twitter, na hindi na siya nagtu-Twitter.”

Ayon pa kay Ciara, sinabihan niya noon pa ang kanyang pinsan na huwag nang pansinin ang haters at bashers.

“Sinabi ko lang sa kanya… ever since, sabi ko lang talaga, ‘Ate, huwag mo na lang pansinin.’

“E, pero siyempre, tao ka lang.

"Minsan ang hirap… ang hirap to just ignore, lalo na’t mali yung sinasabi di ba?

“I understand her completely.”

Sa hakbang ni Sharon na pagtalikod sa paggamit ng Twitter, suportado daw ito ni Ciara.

Saad niya, “Pero I think it’s better na rin kung wala na lang siguro siyang Twitter or any form of social media para iwas-away—less talk, less trouble.”



SIMPLE BIRTHDAY OF SHARON. Kahapon, January 6, ang ika-48 na kaarawan ni Sharon.

Taliwas sa nakagawian, tahimik ang naging pagdiriwang ng Megastar.

Nakagisnan kasi ng mga tagahanga ng Megastar na may bongga itong selebrasyon tuwing kaarawan nito, at may concert pa itong ginaganap lagi sa malaking venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ciara, nasa Bangkok, Thailand, si Sharon at doon piniling ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN