Vice Ganda neither confirms nor denies relationship of Billy Crawford and Coleen Garcia

Bagamat tikom ang bibig ni Vice Ganda tungkol sa nababalitang relasyon ng mga kasamahan niya sa It’s Showtime na sina Coleen Garcia at Billy Crawford, wala ring itinatanggi o inaamin ang comedian.


Marami ang naintriga sa naging pahayag ni Vice Ganda sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, January 4, nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon ng co-hosts niya sa It’s Showtime na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

May lumabas kasing larawan ang dalawa na magkasama habang nagbabakasyon sa New York.

Sagot ni Vice: “Hindi po ako sinungaling, pero hindi rin po ako presumida. Gusto kong manguna sa takilya, pero ayokong mauna sa tsismis!”

Kagabi, January 6, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa special screening ng Girl Boy Bakla Tomboy, sa MyCinema ng Greenbelt 3, Makati City.

Muli siyang tinanong tungkol kina Billy at Coleen.

Sabi ni Vice, “Nakakatawa, kasi tinanong sa akin ‘yan sa Buzz Ng Bayan kahapon.

“Sabi nila, ‘Di ba, hindi ka sinungaling?

“Sabi ko naman, ‘Kung hindi ko rin lang sasagutin ang totoo, hindi ko na lang sasagutin at all, kasi ayaw kong magsinungaling.’

“Sabi ni Carmina [Villarroel], ‘Di ba, hindi ka sinungaling? E, may picture na lumabas na magkasama sina Billy at Coleen sa America, ano ba talaga’ng estado nung dalawa?’

“Sabi ko, ‘Hindi po ako sinungaling, pero hindi rin ako persumida at pakialamera!’

“Siyempre, alangan namang umamin ako for them or tumanggi ako for them.

“Kung meron kailangang gumawa nun ay sila yun, at sila ang may obligasyon na gumawa nun para sa tao.”

Pero it means a lot na magkasama sila sa picture on a Holiday break, di ba?

Tumawa nang malakas si Vice at sinabing: “Tumawa lang talaga ako, ‘no!”

Ano na lang ang wish niya para sa dalawa?

Muli na namang tumawa si Vice.

“Natatawa ako!

“Ang wish ko, maging masaya ang lahat, maging mapayapa ang damdamin ng lahat, kagaya ng saya at kapayapaang nararamdaman ko ngayon.

“Sana maranasan ng lahat ang nararanasan ko ngayon.”

Pero sa tingin niya, masaya ba sina Billy at Coleen ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Vice, “Alam ko, masaya si Billy, masaya rin si Coleen.

“Si Coleen, kasama ko kanina. Masaya naman kami nagkukuwentuhan.

“Si Billy, nakaka-text ko almost every day—masaya naman siya.”

Hindi niya ba tinanong si Coleen tungkol sa larawan nila ni Billy?

Tumawa na naman nang malakas si Vice at sinabing: “Alam na naman ng lahat yung litrato, nakita na ng lahat.”

Pero kung sakaling sina Billy at Coleen na nga, masaya ba si Vice para sa dalawa?

“I am happy for everyone!” sabay hampas sa amin at saka tumawa nang malakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN