Joross Gamboa to settle down this year with model-girlfriend Katz Saga

Bukod sa pag-arte, nais ding subukan ni Joross Gamboa ang magdirek at gumawa ng script. Sabi niya, "Hindi lang ako umabot sa Cinemalaya, pero plano ko rin magsulat. Di ba, behind the scene, maganda rin? Tulad ni Adam Sandler, di ba, siya rin, nagsusulat?"


Ngayon taon na ikakasal ang aktor na si Joross Gamboa sa kanyang longtime model-girlfriend na si Katz Saga.

Ito ang inamin ni Joross nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home.

“Sana hindi muna siya matauhan!” biro pa niya.

Nagpi-prepare na ba sila para sa kanilang kasal?

“Nagsisimulang magtanung-tanong. Kasi mas maaga, mas maganda.”

May plano na sila kung saan gaganapin ang kasal?

Sabi ni Joross, “Actually, wala pang plano kung saan.

"Pero ang talagang gusto sana naming month, December.”

Parehong Born-again Christians sina Joross at Katz, at sa New Life Christian Church, sa Alabang, sila nagsisimba.

May limang taon na raw ang relasyon nila. Kailan naramdaman ni Joross na si Katz na nga ang gusto niyang mapangasawa?

“Ever since naman, siya na talaga.

"Wala akong nakikitang iba. Hindi ko nakikita ang sarili ko sa iba.

"So... saka wala na rin mga iba pa!" natatawa niyang sabi.

May negosyo na rin daw sila—ang J & J Shipping Lines.

Balak din daw ni Joross na pasukin ang pagdidirek.

“Actually, bukod doon, kausap ko si Direk Olive Lamasan, magti-train ako sa kanya ng directing.

"Thesis na lang din kasi ako sa Mass Comm.

"Then, yung fiancée ko, graduating naman siya ngayon kaya parang hinintay ko lang siya.

“Usapan namin, hindi kami magpapakasal hangga’t hindi pa graduate.”

SITCOM. Noon pa man, pangarap na ni Joross na magkaroon o makasama sa isang sitcom.

Kaya laking tuwa raw niya na mapabilang sa regular cast ng Home Sweetie Home, na nag-pilot noong Linggo, January 5, sa ABS-CBN.

Saad ni Joross sa PEP, “First sitcom ko.

"Matagal ko nang gustong mag-comedy at mabuti naman, napasama ako. Blessed talaga!

“Noong nalaman kong kasama ako, tuwang-tuwa ako.

"Sabi ko nga, dito ko na magagamit ang pagiging makulit ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag drama palagi, parang kabaligtaran."

Ang mga bida ng Home Sweetie Home ay sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Kumusta ang dalawa?

Ayon kay Joross, “Okay naman, siyempre pareho rin silang nag-a-adjust. Actually, lahat kami.

“Iba kapag sitcom yung atake, which is madali naman.

“Lahat may sense of humor naman, so madali.

“Magkakaibigan din naman. Naitatawid naman namin kaagad.”

BALIK-BARKADA. Sabi ni Joross, parang cast daw ng My Amnesia Girl ang dating sa kanya ng Home Sweetie Home.

Ang My Amnesia Girl (2010) ang bukod-tanging pelikula na pinagtambalan nina John Lloyd at Toni.

Sabi ni Joross, “Nandoon din si Ketchup [Eusebio], so happy akong talaga.

"Tapos, si Toni rin kasi, kasama ko ngayon sa pelikula, sa Toni-Piolo [Pascual] movie.

"Kaya lahat, magkakaibigan talaga.”

Si John Lloyd, kumusta katrabaho?

“Si Lloydie kasi, naging kabarkada ko na. Naging ka-close ko talaga.

"Hindi lang kami taping friends or shooting friends.

"Kahit walang taping, walang shooting, nagkikita kami.”

Bukod sa My Amnesia Girl at Home Sweetie Home, nakasama rin ni Joross si John Lloyd sa trilogy movie ng huli katambal si Sarah Geronimo: A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009), at It Takes A Man And A Woman (2013).

Kaugnay nito, nalaman ng PEP mula kay Joross na mukhang may balak gawan ng Part 4 ang pelikula nina John Lloyd at Sarah.

Aniya, “May balita na may Part 4 daw. Sana matuloy.

"Sana makaisip ng bagong istorya sila and, hopefully, kasama pa rin ako sa Part 4.

“Pero, sa akin naman, steady lang.

"Kasi, every year, nabibigyan ako, kaya thankful ako sa Star.”

BALIK-KAPAMILYA. Bagamat produkto ng ABS-CBN artista search na Star Circle Quest si Joross, lumabas na rin siya sa mga programa ng GMA at gayundin sa TV5.

Ngunit madalas siyang nakakasama sa mga Star Cinema movies.

At ngayon nga, kasama siya sa bagong sitcom ng Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwedeng sabihin na ABS-CBN pa rin talaga ang binabalik-balikan niya?

Sagot ni Joross, “Oo... oo naman.

"Freelance naman ako, pero mas madalas na sa ABS akong talaga.

"Sa TV5 dahil kay Kuya Noel [Ferrer, his manager] din.

"May mga kakilala rin na tumutulong, kaibigan din na nire-request ka."



CAREER PLANS. Masaya ba si Joross sa nangyayari sa kanyang acting career?

Tugon niya, “Oo, happy ako at saka magdi-directing din ako.

"At kung ite-train din naman ako nila Direk Olive, why not? Kung magiging under tutelage nila.

"Tapos, bukod dun, may trabaho pa on the side.

"Plano ko rin na magsulat-sulat.

“Hindi lang ako umabot sa Cinemalaya, pero plano ko rin magsulat.

"Di ba, behind the scene, maganda rin?

"Tulad ni Adam Sandler, di ba, siya rin, nagsusulat?

"So, yun ang gusto ko ngayon, dahan-dahan.

"At the same time, tumino na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN