Elmo Magalona on real score with Janine Gutierrez: "We’re seeing each other."

Elmo Magalona on Janine Gutierrez: "We became closer, because nga it’s not hard to really talk to her. She’s really nice and she’s really funny. Ayun, pag kausap ko siya, masaya ako."


Umiling si Elmo Magalona sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nakasama niya sa pagsalubong ng Bagong Taon si Lauren Young.

Si Lauren ang matagal nang nababalitang kasintahan ni Elmo, ngunit kahit kailan ay hindi inamin ng dalawa ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Sagot ni Elmo sa tanong: “Hindi, e, may iba yata siyang pinuntahan. I think she was with her family.”

Sa pagkakaalam daw ni Elmo ay nandito lang sa Pilipinas si Lauren at wala sa London.

Saad pa ng young actor-rapper, “Hindi ako sure, e. Maybe she has plans [of going to London], pero not this time of the year.”

Sa London naka-base ngayon ang kapatid ni Lauren na si Miss World Megan Young.

Kailan sila huling nagkita ni Lauren?

Sagot ni Elmo, “Medyo matagal na, e.

"Baka kasi hindi rin ako makakapasok this term, kaya hindi ko siya makikita uli in school.”

Parehong kumukuha ng culinary course sa De La Salle-College of Saint Benilde sina Elmo at Lauren.

Hindi na ba sila nagkakausap ni Lauren?

Sabi ni Elmo, “Nagkakausap pa rin.

"Nakikita pa rin niya sina Maxene and Saab.

"Ayun, pag kasama ako, nakakasama ko sila."

Sina Maxene at Saab Magalona ay mga nakatatandang kapatid ni Elmo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo noong Linggo, January 5, sa GMA Network studio pagkatapos ng Sunday All Stars.



NOTHING SERIOUS. Tila hindi na gaya ng dati ang mga pahayag ni Elmo tungkol sa pagiging malapit nila ni Lauren.

Para malaman kung ano talaga ang estado ng kanilang samahan, tinanong namin si Elmo kung sila pa rin ba ni Lauren.

Natawang sagot niya, “Never naman kaming nag-ano, e.

"Wala naman akong sinabi or anything.

"Basta, we’re really close."

May indikasyon kasi noong 2013 na may namamagitang romantic relationship sa kanilang dalawa ni Lauren.

Pahayag ni Elmo, “I was really happy nung magkasama kami and everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero parang naging close lang kami and nothing serious.”

Inamin naman ni Elmo na naging maganda ang samahan nila ni Lauren nong nakaraang taon.

Sabi pa niya, “Yes, maganda ang samahan, because nga she became super close with my family, and my family is really dear to me.

"Because of that, parang we had good memories last year.”

SUPER POSITIVE. Looking forward pa rin ba siya na magtuluy-tuloy ang good memories niya ngayon 2014?

Sagot ni Elmo, “Yes, of course, kasi nga I started this year right.

"I was super positive and first day, New Year’s eve, nakinig kami ng Mass.

"And then, after nun, parang masaya na ako. Wala lang.

"I’m just really looking forward to everything that’s gonna happen, especially for Villa Quintana."

Ang Villa Quintana ang afternoon soap na pinagtatambalan nina Elmo at Janine Gutierrez sa GMA.

Patuloy niya, “Ayun ang nakakatuwa, kasi nag-crossover na ito—from 2013 to 2014.

"And I’m really excited kung ano pa ang mangyayari sa akin.

“Siguro tatagal pa ito to April pa.

“Kasi nga, kaka-start pa lang namin nung November, and marami pang mangyayari and, later on, sobrang marami pang revelations.”



ON JANINE GUTIERREZ. Si Janine ang sinasabing "apple of the eye" ngayon ni Elmo.

Nang kumustahin ng PEP ang samahan nila ng mestisahing aktres, may kakaibang ngiti ang sumilay sa mukha ni Elmo.

“We’re good, we’re good,” tugon niya.

“Masaya yung ginagawa namin. Everyone on the set.

"Kumbaga, yung happiness namin, nagri-revolve around everyone.”

Close ba sila ni Janine? May nadi-develop na ba sa kanilang dalawa?

“Of course, we became closer, because nga it’s not hard to really talk to her.

“She’s really nice and she’s really funny.

"Ayun, pag kausap ko siya, masaya ako.”

Last year ay napabalitang may non-showbiz boyfriend si Janine, ngunit break na raw sila nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Elmo naman ay balitang nakipaghiwalay na kay Lauren, kahit na nga hindi sila umamin kahit kailan.

Sabi ni Elmo tungkol dito, “I’m not sure.

“Pero ayun, we’re really close and I’m happy.”

HOLDING HANDS. Isang kuwento ang nasagap naming ibinuko raw ni Ruffa Gutierrez na nakita raw sina Elmo at Janine na magka-holding hands sa isang gathering ng mga Gutierrez.

Si Janine ay anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, na kapatid naman sa ama (Eddie Gutierrez) ni Ruffa.

Pang-camera lang ba ang pagho-holding hands nilang dalawa ni Janine?

“Wala namang camera doon, e,” mabilis na sagot ni Elmo.

Dagdag niya, “Basta, I’m really happy!”

Ito ba ang rebelasyon ngayong 2014 sa kanilang dalawa ni Janine?

Tumawa nang malakas si Elmo at sinabing, “Wala pa naman. Basta, I’m just really happy.

"Wala pa naman kaming parang ganun na anything.

"Basta, kung ano lang yung mangyari."

Ano ba ang status nilang dalawa?

Napangiti uli si Elmo.

Aniya, “Ayun, we’re seeing each other.”

Off-camera ba ito at kailan ito nagumpisa?

“Pero ano, nothing is really serious pa right now.

"Parang ano lang, pag kasama ko siya, masaya ako.

"So, ayun, yayain ko siya.”

Getting-to-know stage ba sila ni Janine off-camera?

“Siyempre, iba yung sa work, e,” sagot niya

Ibig sabihin, walang karelasyon ngayon si Janine at si Elmo naman ay walang girlfriend?

Tugon ni Elmo, “Yes! Basta, right now, wala pa, nothing. We’re just really happy.”

NEW YEAR, NEW LOVE. May plano ba siyang i-pursue si Janine para sa mas malalim na samahan o higit pa sa pagiging magkaibigan o katrabaho?

“I can’t really answer that right now.

"Yeah, once I am, ako pa ang lalapit sa inyo.”

Paano siya napapasaya ni Janine?

“Masaya siya, e. Masaya siyang kasama.”

So, wala na sila ni Lauren? Meaning, new year, new love?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta, I’m just happy.

“I really can’t say anything.

"Yun nga, I’m just looking forward to 2014.

"Just really be out there and experience more things in life.”

If ever na maging sila ni Janine, aaminin ba niya ang relasyon nila?

“Oo!” mabilis niyang sagot.

Dugtong niyang paliwanag, “Well, kasi ako, ayokong pangunahan.

"Nothing is there yet, alam mo yun?

"Gagawin ko lang yun pag, like, seryoso or papunta na sa marriage. Pag ganung serious.

“Pero pag mga ganito [lovelife], parang it’s too private for me.”

Pero hindi naman niya ipagkakait sa lahat kung sakaling magkaroon sila ng romantic relationship ni Janine?

“Of course, yeah!” sagot ni Elmo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN