Jasmine Curtis Smith quashes rumor that she can only work well if Sam Concepcion is on the set of her shows

Ito ang paliwanag ni Jasmine Curtis Smith sa pagsama sa kanya ng rumored boyfriend na si Sam Concepcion sa kanyang taping: "Of course, kailangang continuous yun, kasi hindi naman nag-stop yun porke’t exclusive na kayong nagdi-date, di ba? Kailangan tuluy-tuloy ang pag-pursue ng isang lalaki over and over again para ma-win over niya yung puso mo, di ba?"


Kahit halos isang taon nang napapabalitang may relasyon sina Jasmine Curtis Smith at Sam Concepcion, nananatiling nasa “ligawan” stage pa rin daw ang status nilang dalawa.

Ayon kay Jasmine, masaya ang pasok ng kanyang 2014 pagdating sa usaping lovelife.

“Masaya, yes, of course.

"Status? Ganun pa rin.

"Like the last, exclusively dating," sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 19-year-old actress-TV host sa set ng first taping day ng bagong telesine ng TV5, ang Replacement Bride, sa Quezon City, kahapon, January 7.

Bagamat hindi kasama sa cast ng telesine, namataan ng PEP sa taping si Sam.

Bagamat nailang nang makita naming magkasama, nakuhanan pa rin ng PEP ng litrato ang dalawa na masayang nag-iikot sa set matapos ang isang eksena ni Jasmine.

Naitanong namin kay Sam, 21, ang tungkol sa kanyang pagsama kay Jasmine sa taping.

Ngunit sinabi nitong napadaan lang daw siya.

Inusisa naman namin si Jasmine kung “protective” lang ba si Sam sa kanya dahil sa palaging pagsama nito sa kanyang shows.

Aniya, “Siyempre ano, hindi.

"Parang manliligaw.

"Of course, kailangang continuous yun, kasi hindi naman nag-stop yun porke’t exclusive na kayong nagdi-date, di ba?

“Kailangan tuluy-tuloy ang pag-pursue ng isang lalaki over and over again para ma-win over niya yung puso mo, di ba?”

Nilinaw rin ng PEP kay Jasmine ang balitang hindi raw siya makapagtrabaho nang maayos sa set ng kanyang shows nito kapag wala sa paligid si Sam.

Saad niya, “Hindi ‘yan totoo, lagi akong inspired.

"Lagi akong may ganang magtrabaho.

"Hindi ‘yan totoo, hindi ’yan totoo.

"I’m always inspired.”

BACK-TO-BACK PROJECTS. Tatlong malalaking proyekto ang ginagawa ngayon ni Jasmine.

Kasalukuyan pang umeere sa TV5 ang social media music show na Spin Nation, kung saan siya ang host.

Nag-shoot na rin siya ng teaser para sa gagawin niyang pelikula with Nora Aunor, ang Dementia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kahit teaser pa lang ang kanilang nagawa, malaki na raw ang paghanga ni Jasmine sa Superstar.

Sabi niya, “Oo, pero nahiya ako, kasi hindi ko masyadong nakausap si Ate Guy, siyempre medyo gulat pa.

“Pero kapag nagtrabaho na kami, we’ll be together every day, so I’m really hoping to get more tips.

"Or just observations, makita ko kung paano siya…

"Kasi when we we were looking at the playback of the teaser shoot, nakita ko na minimalistic siyang mag-acting.

"Pero dalang-dala niya yung eksena kaya magaling siya.”

Sa Marso pa ang shooting ng pelikula.

Kasama rin si Jasmine sa movie-made-for-TV na Replacement Bride, kung saan nasa cast din sina Edgar Allan Guzman, Arci Muñoz, at Daniel Matsunaga.

Kuwento niya tungkol sa Replacement Bride, “Ang role ko dito ay in love ako sa best friend ko [Edgar Allan] na nag-abroad.

"Tapos when he comes back, ‘kala ko magpo-propose siya sa akin.

“The day of his wedding, akala ko pupunta ako sa simbahan kung saan siya [ikakasal].

"Yun pala, kasal ni Daniel at ni Arci yung napuntahan ko, mali yung napuntahan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN