Bianca Gonzalez on Mariel Rodriguez’s reported return to ABS-CBN: “Ang saya! We’ll see.”

Ikinagagalak ni Bianca Gonzalez (kanan) ang posibilidad na makatrabaho muli ang matalik niyang kaibigang si Mariel Rodriguez (kaliwa) para sa Pinoy Big Brother Season 5. “As a viewer, I enjoy watching her so much. So, if ever may chance for us to work together again—Toni [Gonzaga], ako, and Mariel, talagang wow! Super dream come true,” sabi ni Bianca sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, January 7.


Kinikilig sa sobrang excitement si Bianca Gonzalez sa diumano’y napipintong pagbabalik-Kapamilya ni Mariel Rodriguez para sa Pinoy Big Brother Season 5, na nakatakdang umere ngayong taon.

Kung saka-sakali ay handa raw si Bianca na magkatrabaho muli silang tatlo nina Mariel at Toni Gonzaga sa naturang reality show ng ABS-CBN.

“Oh, my gosh! I’ve been ready forever. As in, wow!

“I’ve never lost touch with Mariel. Hindi talaga kami nagkikita physically.

"Pero I’m so excited kung saka-sakaling makakabalik talaga siya,” pahayag ni Bianca.

Ngunit tumangging magbigay ng iba pang detalye ang TV host nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, January 7, kung napag-usapan na ba nila ni Mariel ang tungkol sa bagay na ito.

“Siyempre, dream namin for her to come back to Big Brother, kasi nauna pa nga siya sa akin, e.

"So, show niya talaga yun... I don’t know,” ang simpleng sagot ni Bianca.

Dagdag pa niya tungkol sa pagbisita noon ni Mariel sa ABS-CBN: “Ayyy! Kinikilig ako. Ang saya! We’ll see.”

MEETING WITH DIREK LAUREN. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na minsan nang dumalaw sa ABS-CBN compound si Mariel upang makipag-meeting kay Direk Laurenti Dyogi, entertainment head of TV production ng Kapamilya network.

Noong November 6, 2013, nag-post si Robin Padilla sa Instagram ng video ng asawang si Mariel habang ito ay naglalagay ng make-up.

Kalakip nito ang caption na “UBER,” na tila ang pinatutungkulan ay ang pang-hapon na programa ng Pinoy Big Brother, na dating hinu-host ni Mariel sa ABS-CBN.

Mayroon ding kasamang moving text ang video na may mga katagang: “Dumating na ang Araw na aking kinakatakutan... Ang araw nang patawag ng mga kapamilya sa ABS-CBN, direk Lauren D.”

Noong gabi ding iyon ay nag-guest si Mariel sa Bandila para sa segment na “Ikaw Na!” ni Boy Abunda.

Nang tanungin si Mariel kung magbabalik-ABS-CBN ba siya, ang tanging sagot lang ng TV host-actress: “I would love too, I don’t know yet right now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang noong 2011 ay lumipat si Mariel sa TV5 upang maging bahagi ng variety show na Wil Time Bigtime, na kinalaunan ay tinawag na Wowowillie.

Pinangungunahan ito ng TV host na si Willie Revillame.

Natapos umere sa TV5 ang Wowowillie noong October 12, 2013.

NO MORE ILL FEELINGS BETWEEN TONI AND MARIEL. Patuloy na kuwento ni Bianca, malaki ang bilib niya sa kaibigang si Mariel pagdating sa galing nito sa hosting.

Bubbly, may sense of humor, at likas na madaldal daw kasi si Mariel.

“I’ve always said this na si Mariel, siya lang nakakagawa ng ginagawa niya, e.

“Never siyang mawawalan ng place on TV, para sa akin, ha?

"Hindi ko alam kung biased ako dahil friend ako.

“Pero ako, as a viewer, I enjoy watching her so much.

"So, if ever may chance for us to work together again—Toni, ako, and Mariel—talagang wow!

"Super dream come true.”

Naniniwala si Bianca na magiging maayos ang takbo ng trabaho nilang tatlo, lalo pa’t nabaon na sa limot ang nangyaring di pagkakaunawaan nina Toni at Mariel noong 2011.

Read: Toni Gonzaga confirms conflict with Mariel Rodriguez but doesn’t say why

Sabi ni Bianca tungkol dito, “I think they’re so ok. Whatever happened before was so long ago.”

Umayon naman si Bianca na bawat karanasan ay may idinudulot na mabuting resulta.

“Yeah, I guess. I still don’t know why it had to happen na medyo may falling out sila.

“But again, things like that, parang, di ba, minsan parang mas nagpapatibay din ‘yan ng relationship,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN