Billy Crawford on reported New York vacation with Coleen Garcia: "I don’t think I need to speak right now."

Diretsahang tinanong si Billy Crawford tungkol sa kumakalat na larawan kung saan diumano’y kasama niya si Coleen Garcia na nanood ng NBA game sa Barclays Center, New York. Ngunit tumangging magbigay ng pahayag si Billy at agad na umiwas na mausisa kaugnay ng napapabalitang pagkakamabutihan nila ng kanyang It’s Showtime co-host.


Tumangging magbigay ng pahayag si Billy Crawford tungkol sa kumalat na larawan nila ni Coleen Garcia na magkasamang nanood ng NBA Game sa Barclays Center sa New York, noong December 27.

“I don’t think I need to speak right now,” ang maiksing pahayag ni Billy nang makapanayam siya ng ABS-CBNNews.com ngayong araw, January 8.

Halatang hindi kumportable si Billy na pag-usapan ang tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay-pag-ibig.

Base sa video na lumabas sa news website, tinanong muna si Billy tungkol sa mga bagay na gusto niyang pagtuunan ng pansin ngayong taon.

Maayos namang sumagot ang It’s Showtime host at sinabing, “Hopefully, better health, success, and more patience.

"Resolution for me? Get healthier.”

Ngunit nang usisain ang lagay ng kanyang puso, biglang umiwas at naglakad palayo ng camera si Billy.

Sa puntong ito ay tumanggi si Billy na magbigay ng anumang pahayag tungkol sa kanila ni Coleen.



"SWEET" PHOTOS IN BACOLOD. Si Coleen ang isa sa naiturong third party sa breakup nina Billy at Nikki Gil noong July 2013.

Bandang Oktubre nang maging viral ang “sweet” photos nina Billy at Coleen na kuha sa isang bar sa Bacolod.

Sa isang photo ay malinaw na nakaakbay si Billy kay Coleen.

Ngunit agad pinabulaanan ng dalaga ang mga espekulasyon tungkol sa pagkakamabutihan umano nila ng 31-year-old singer-dancer-actor-host.

Read: Coleen Garcia insists there’s "no malice" in "sweet" photos with Billy Crawford now going viral on social media

Maging si Billy ay consistent din sa pagsasabing hindi niya nililigawan si Coleen.

Read: Billy Crawford on being linked to Coleen: "Hindi ako nanliligaw."

THIRD PARTY? Kaugnay nito, naging usap-usapan din ang rebelasyon ni Nikki tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Billy sa cover story ng Cosmopolitan Magazine noong December.

Dito ay matapang na inilahad ni Nikki ang hinala niyang nambababae si Billy habang magkarelasyon pa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There were always a lot of warnings, but I chose to ignore them—I couldn’t wrap my head around the fact that it could be done to me.

“I’d ask him, ‘Why were you [at this place]?’ Then I’d back off and say, ‘Never mind, I was just asking.’

“You just brush it under the rug, until one day, it all blows up in your face,” pagbabalik-tanaw ni Nikki sa panayam ng Cosmopolitan Magazine.

Read: Nikki Gil reveals third party caused breakup with Billy Crawford

Hindi tinukoy ni Nikki sa naturang panayam kung sino ang pinaghihinalaan niyang third party sa hiwalayan nila ni Billy.

Sa hiwalay na panayam ng Buzz Ng Bayan noong November 24, tumanggi ring magbigay ng komento si Nikki nang diretsahan siyang tanungin tungkol sa pagkaka-link ni Billy kay Coleen.

“That’s really none of my business. I have nothing to do with that,” maiksing tugon ni Nikki.

Read: Nikki Gil on rumor linking ex-boyfriend Billy Crawford to Coleen Garcia: "That’s really none of my business..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN