Eula Caballero not ready to go steady even as she and Christian Samson date exclusively

Eula Caballero on working with Joey de Leon in One of the Boys: "I really want to learn a lot from him. Kahit nga yung sa show lang na hinu-host niya dati, yung Hayop Sa Galing, just throwing spiels, sobrang galing niya. Yung timing, tamang-tama, so I want to learn that as an actress."


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa TV5 Drama Princess na si Eula Caballero ang relasyon nila ng Star Factor finalist na si Christian Samson.

July 2013 nang kumpirmahin mismo ni Eula sa kanyang Instagram na si Christian lang kanyang idine-date.

Read: Eula Caballero reveals "taking a leap" with Christian Samson after her debut

Ngunit tulad ng huling pahayag nito sa PEP tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend, hindi pa raw handa si Eula na pumasok sa relasyon.

Paglilinaw niya, “I’m going steady, steady in a way that I’m dating someone exclusively, but not settling into a relationship, yet.”

Sa ngayon, nais lang daw ni Eula na ipagpatuloy kung anuman ang meron sa pagitan nila ni Christian upang makapag-focus sa kanyang career.

Paliwanag pa niya, “Because I think I can’t manage both—a relationship and my career, my work.

"So, right now, I just want to take it easy.

“Kung anong meron kami, I’m having fun.

"I like his company and it’s just like that, I want it to stay that way muna."

Dagdag pa ni Eula, “Siguro, when the time comes na I think he deserves…

"Or I feel I deserve to reward myself to be in a relationship, then it’s okay to let that happen.

“I think, I like whatever that’s in there. It’s just fun.”

Nakapanayam ng PEP si Eula noong Martes, January 7, sa story conference ng kanyang pinakabagong project, ang One of the Boys, sa TV5 office sa Broadway Centrum.



GREAT START. Naging maganda ang pasok ng 2014 para kay Eula dahil kumpleto ang kanilang pamilya nang salubungin ang Bagong Taon.

Kuwento ng young actress, “Yung pinaka-start, masaya, because I got to spend New Year’s eve with my family, with my dad.

“He came home from Qatar, but he left also ng January 5, and that’s sad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, of course, everyone’s back to work so kalat-kalat ulit.

“Pero, overall, it’s nice because maganda yung pasok ng taon.

"Kasi, may palihe na tinatawag na kapag buo yung pamilya niyo, blessing yun sa family pag start ng taon.”

Nakapagpahinga rin daw si Eula nitong nakaraang bakasyon kasama ang kanyang pamilya, at noong January 7 lang siya muli nakabalik sa trabaho.

Aniya, “Actually, nag-block off talaga ako ng until [January] 6, so I had no work until yesterday


"So, pinakauna ko ’tong trabaho for 2014.

“So, yes, it’s nice and it’s a blessing.

"I claim it, sana maging taon ko ‘to.”


ONE OF THE BOYS. Ang One of the Boys ang unang project na ibinigay ng TV5 kay Eula bilang salubong sa 2014.

Ang One of the Boys ay isang romantic comedy kung saan makakasama ni Eula sina Joey de Leon, Nadine Samonte, Empoy, at ang Juan Direction.

Kuwento niya, matagal na talaga niyang gustong subukan ang comedy matapos ang ilang sunud-sunod na drama projects na kanyang nagawa.

Ilan sa mga teleseryeng pinagbidahan ni Eula ay ang Nandito Ako, Third Eye, at Cassandra: Warrior Angel.

Aniya, “I like it, I love it.

"Actually, matagal ko na talagang gusto mag-sitcom.

"Kasi, I think that I have something more to give and I really want to try it.

“Yung mga technicalities, gusto ko makita kung paano siya iba sa drama, and I want to know why.

“I wanna know why people say na mas mahirap siya, siguro mahirap yung timing.

“So, I’m excited to work on the set para malaman ko.”

Isa pa sa mga inaabangan ni Eula sa programang ito ay ang makatrabaho ang Eat Bulaga! host na si Joey de Leon.

“I’m really excited kasi si Sir Joey, kumbaga, legend na siya sa pagpapatawa—gags, sitcoms, or just live shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really want to learn a lot from him.

"Kahit nga yung sa show lang na hino-host niya dati, yung Hayop Sa Galing, just throwing spiels, sobrang galing niya.

“Yung timing, tamang-tama, so I want to learn that as an actress.”

Dalawa sa miyembro ng Juan Direction ang makakapareha ni Eula sa kanyang bagong projecct—sina Daniel Marsh at Henry Edwards.

Ito rin ang unang beses na makakatrabaho niya ang mga ito ngunit sigurado naman siya na magiging madali lang katrabaho ang mga miyembro ng Juan Direction.

“They are very nice people and I’m friends with Henry’s brother in real life.

“And Daniel speaks Bisaya, so at least may common grounds kami, meron kaming mapag-uusapan," saad ni Eula.



NEW CHALLENGE. Panibagong challenge daw ito para kay Eula dahil ito ang unang beses na magbibida siya sa isang sitcom.

Wika ng 18-year-old Kapatid star, “Gusto ko, magaling din ako sa comedy as an actress.

"Kasi, when you learn your timing, puwede kang ibato kahit saan—sa drama, comedy, o sa action.

"May galaw ka talaga, e, may numero, may timing.

“So, it’s very important to learn that bilang artista, because that is something na hindi madali talaga.

“Kahit isang buong gabi ka hindi matulog, natutunan mo ito in a way na parang ginagawa mo na ito palagi.

"Hindi ito yung natututunan na inaaral mo.”

Malaking tulong daw ang naibigay ng kanyang mga kasama sa Tropa Mo Ko Unli upang maging natural ang dating ng kanyang pagpapatawa.

“In Tropa kasi, what is very good about that show, we are all friends and we are all comfortable with each other.

“We can say anything or if not anything, we know hanggang kung saan kami puwedeng magbiro sa isa’t isa.

“Lumalabas siya on cam, so sana maging ganun din kami [sa One of the Boys].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Eula, pag maganda ang samahan sa set ay nagiging madali rin daw ang pag-deliver ng lines.

"It helps a lot talaga na everyone on the set are friends and you are comfortable," diin pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN