Kim Chiu on Xian Lim: "Siya lang yung matatawag ko na kaibigan ko dito sa showbiz."

Aminado si Kim Chiu na takot na siyang makipagkaibigan pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Maja Salvador. Paliwanag ni Kim, "Ako kasi, after ng mangyari... parang mailap na akong mag-effort na makipagkaibigan. Parang masaya na ako na nagtatrabaho ko at nandiyan ang mga kapatid ko, pamilya ko, mga pamangkin ko. Parang masaya na ako doon—work and family. Parang ayoko nang makipagkaibigan. Medyo natatakot po kasi ako."


Marami nang proyektong pinagsamahan sina Kim Chiu at Xian Lim bilang magka-loveteam—mapa-telebisyon man o pelikula.

Ngayon ay magkatambal silang muli sa unang pelikula ng Star Cinema para sa 2014—ang Bride For Rent.

Kumportableng-kumportable na ba si Kim ngayon kay Xian?

“Harmless naman po siya!” natawang sabi ng Kapamilya actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Kim sa press conference ng Bride For Rent noong January 7, Martes, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Noong pumanaw ang ina ni Kim noong isang taon, si Xian ang isa sa sumuporta at nasa tabi ng young actress.

Kaya ang tanong: Ano na nga ba ang level ng relasyon nila ngayon?

Sagot ni Kim, “Masaya kami, we’re happy kapag magkasama kami. Kumportable kami sa isa’t isa.

“And I’m very thankful na nandiyan si Xian.

“At saka, siya lang yung matatawag ko na kaibigan ko dito sa showbiz.”

Ano ang mga ginawa ni Xian para masabi o maituring niya itong nag-iisang kaibigan sa showbiz?

Saad ni Kim, “Ngayon po kasi, parang natatakot na akong makipagkaibigan.

“Ako kasi, after ng mangyari... parang mailap na akong mag-effort na makipagkaibigan.

"Parang masaya na ako na nagtatrabaho ko at nandiyan ang mga kapatid ko, pamilya ko, mga pamangkin ko.

"Parang masaya na ako doon—work and family.

"Parang ayoko nang makipagkaibigan. Medyo natatakot po kasi ako."

Ang tinutukoy ni Kim ay ang nangyari sa kanila ng dati niyang matalik na kaibigan na si Maja Salvador.

Nagkaroon ng hidwaan ang dalawa nang magkaroon ng relasyon si Maja kay Gerald Anderson, na ex-boyfriend naman ni Kim.

Patuloy ni Kim, "Tapos nun, si Xian, siya ang nag-e-effort na makipagkaibigan.

“Sa family ko, kung saan nandoon ang comfort zone ko, siya ang lumalapit doon.”

HUSBAND-MATERIAL. Positibo naman ang naging sagot ni Kim nang tanungin kung nakikita husband-material ba si Xian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kim, “Oo, mabait naman siya. Maalaga at marespeto.

“Yun naman ang una kong quality—yung marespetong tao, e.”

Ano ba ang ayaw niyang ugali ng lalaki?

“Siyempre, yung babaero, number one yun.

“Lahat naman tayo, di ba? Dapat isa lang... loyalty is the best policy.”

Sino ang tinutukoy niyang babaero?

“Wala po, New Year na ha, 2014!” natatawang sabi niya.

Basta huwag lang babaero?

“Oo naman, lalo na kapag mag-asawa na kayo.

“Yung hindi nakakaintindi. Walang respeto.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN