Xian Lim on real score with Kim Chiu: "In time... we won’t be selfish about it."

Kung mayroon mang gustong mangyari si Xian Lim ngayong 2014 ito ay magkaroon ng "better communication skills." Sabi ng young actor “Sana mas naiintindihan ako ng mga tao. I think naman po I’m really reaching out naman po. I think naman po misunderstood lang ako. Mabait naman akong tao."


“Better communication skills” ang isa sa mga gustong mangyari ni Xian Lim para sa kanyang sarili ngayong 2014.

Sa tingin ng Kapamilya young actor madalas siyang nami-misinterpret sa kanyang mga nasasabi lalo na sa harap ng media.

Kaya naman personal na hiling ni Xian ngayong taon “Sana mas naiintindihan ako ng mga tao.

"I think naman po I’m really reaching out naman po.

“I think naman po misunderstood lang ako.

"Mabait naman akong tao.”

Ilang beses nang naging usap-usapan ang diumano’y hindi magandang pakikitungo ni Xian sa entertainment press.

Ang pinakahuling insidenteng naiulat ay ang diumano’y pag-walkout niya habang iniinterbyu siya ng entertainment columnist na si Jobert Sucaldito at reporter na si Ahwel Paz sa isang fundraising concert ng ABS-CBN noong December 12.

Sa insidenteng ito—na isinulat ni Jobert sa kanyang kolum sa Bandera—tinanong ng kolumnista si Xian: “Hindi mo ba makakasama si Kim ngayong gabi?”

Bilang tugon ayon kay Jobert sinabi ni Xian: “Ano ba namang tanong iyan?”

Sabay nagtanggal daw ng earphone si Xian at umalis.

Sa presscon ng Bride for Rent noong Martes December 7 tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian kung naayos na ang isyung ito.

Sagot ng Star Magic artist “Okay naman po ang lahat. Everything was plantsado naman po.”

Ilang araw matapos ang insidente humingi rin ng paumanhin si Jobert kay Xian sa kanyang personal Twitter account.



REAL SCORE WITH KIM. Naging mainit namang usapin sa mismong presscon ng Bride For Rent ang tungkol sa estado ng relasyon ni Xian sa ka-loveteam niyang si Kim Chiu.

Sa halos lahat ng panayam sa kanilang dalawa madalas ay “special friends” ang sinasagot nila kapag tinatanong kung ano ang estado ng kanilang relasyon.

Katulad ng dati hindi pa rin direktang sinagot ng dalawang Kapamilya stars ang tanong na ito sa presscon ng kanilang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging isyu pa ang sagot na ito ni Kim: "We don’t owe you any of our personal lives siguro."

Read: Kim Chiu to media on real score with Xian Lim: "We don’t owe you any of our personal lives."

Sabi naman ni Xian tungkol dito “In time naman po malalaman naman po ng lahat kung ano talaga yung status.

“Pero I don’t think this is the perfect time kung ano na talaga yung nangyayari.

“In time... we won’t be selfish about it.

"We will be more than happy to share it."



CLOSEST FRIEND. Nabanggit din ni Kim sa presscon na si Xian ang pinakamalapit niyang kaibigan sa ngayon.

Inamin ng young actress na takot na siyang makipagkaibigan dahil sa mga nakaraang nangyari sa kanya.

Gayunman natutuwa si Kim na si Xian ay gumagawa ng paraan upang maging malapit hindi lamang sa kanya kundi pati sa kanyang pamilya.

Pinatotohanan naman ito ni Xian.

Aniya “Dumating kasi ako sa point na kilala ko na ang buong pamilya nila.

“Dumating po ako sa point na naiintindihan ko yung mga kapatid niya.

“Dumating ako sa point na nakakausap ko yung tatay niya.

“I think that’s one of the reasons she said that.

"Kasi mayroon kaming certain connection na hindi lang basta ‘hi hello’ o acquaintance.

"Ito more on the personal side nakikilala ko sila."

Sa kabila nito iniiwasan ng dalawa na pag-usapan ang tungkol sa kanilang personal na relasyon.

Sa halip mas gusto nilang mag-focus muna sa kanilang pelikula na unang offering ng Star Cinema ngayong 2014.

Sabi pa ni Xian, “Siyempre naman bihira lang po kasi ang nabibigyan ng ganitong pagkakataon e.

“So we really want to focus we really want to work hard to make everyone happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN