Bianca Gonzalez on boyfriend JC Intal: "Kung mayroong mas mabait sa aming dalawa, siya yun, hindi ako!"

Kasama ni Bianca Gonzalez na nagdiwang ng Bagong Taon ang cager boyfriend niyang si JC Intal dito sa Pilipinas. Ang "selfie" photo ng magkasintahan na makikita sa itaas (inset) ay kinunan habang sila ay sakay ng motorsiklo pagkatapos nilang dumalo ng misa noong New Year’s Eve.

Sa panayam ng PEP kay Bianca, inilarawan niya si JC bilang isang faithful boyfriend. “Ang masasabi ko talaga, talagang good guy siya. Kung mayroong mas mabait sa a


Pakiramdam ni Bianca Gonzalez ay masuwerte siya sa kanyang nobyong si JC Intal dahil hindi raw ito tulad ng ibang basketball players na may reputasyong babaero.

Kahit kailan ay hindi raw siya nito binigyan ng dahilan para magselos o magduda sa commitment nito sa kanilang relasyon.

Sabi ni Bianca sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ever since I met him, talagang good guy siya.

"Alam mo yung makikita mo yung qualities ng best friends niya, hindi rin mga babaero.

"He’s in good company.”

Nakausap ng PEP si Bianca sa presscon ng Women’s Health Magazine sa 55 Events Place sa Quezon City noong Martes, January 7.

Si Bianca ang napiling January-February 2014 cover girl dahil siya ang kumakatawan sa mga babaeng kayang balansehin ang pagkakaroon ng magandang career, healthy lifestyle, at masayang lovelife.

Patuloy na kuwento ni Bianca tungkol kay JC, “Of course, we’ve only known each other for three years, pero so far so good naman.

“Ang masasabi ko talaga, talagang good guy siya.

"Kung mayroong mas mabait sa aming dalawa, siya yun, hindi ako!"

Base sa kanilang Instagram posts noong nakaraang bakasyon, kitang-kita na hanggang ngayon ay hindi nawawala ang kilig sa pagitan ng magkasintahan.

Simple ngunit masayang sinalubong ni Bianca ang Bagong Taon kasama ng pamilya ni JC.

Lahad ni Bianca, “I actually spent Christmas with my family sa San Francisco.

"Pero nung New Year, ako lang ang umuwi. Lahat sila nandun pa.

"So, in-adopt muna ako ng family niya [JC].

“I’m so thankful. Masaya naman.

"Super simple. Mass lang, tapos media noche, countdown.

"Tapos kuwentuhan, inuman. So, yeah, masaya."



SECRET TO A HAPPY RELATIONSHIP. Kahit na tatlong taon na silang magkarelasyon, napapanatili nilang exciting ang kanilang samahan dahil hindi umiikot ang buhay nila sa isa’t isa.

Bukod sa paghu-host ng Umagang Kay Ganda, abala rin si Bianca, 30, sa pagiging editor-at-large ng isang fashion magazine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si JC, 30, naman ay dating varsity player ng Ateneo De Manila University, at ngayon ay kilalang small forward ng Barako Bulls Energy sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ano ba ang sikreto para hindi mawala ang kilig sa isang relasyon?

Sagot ng Kapamilya star, “Siguro we really have our separate busy lives.

"So, every time na may chance kaming magkita, it’s still parang exciting.

“At saka naiintindihan ko yung sinasabi ng ilang married friends ko na you really have to put effort.

“Hindi ka puwedeng mamanang-manang diyan, kasi ang daming nandiyan sa tabi-tabi lang.

“In the same way na yung guy din, hindi puwedeng kampante lang.

"Na alam mo yung parang after a few years, ite-take for granted ka?"

Ibinahagi rin ni Bianca na nagkaroon sila ng kasunduan ni JC na kailangan ay palagi nilang iparamdam ang respeto at pag-aalaga sa isa’t isa.

Kuwento ng TV host, “I totally remember nung nagsimula kami mag-date ni JC, ang isa sa mga bilin ko sa kanya, ‘Kahit ten years na tayo together, kailangan bubuksan mo pa rin yung pintuan ng kotse para sa akin.’

“Yung mga ganung little things, di ba, kapag matagal na kayo together, hindi na ginagawa ng lalaki?

“So, I think on my part, I try not to be a manang.

"On his part, he tries to be a gentleman,” saad ng Bianca.

WEDDING PLANS. Samantala, nabanggit ni Bianca na ngayong 2014 ay titiyakin niyang one-step ahead siya pagdating sa mga gusto niyang gawin sa buhay.

Balak na rin ba nilang magpakasal ni JC ngayong taon?

“It’s so hard kasi dito sa Pilipinas, parang ang hirap sumagot ang babae—either assuming ka or feeling ka.

"We’ll see," sagot ni Bianca, na ayaw pangunahan kung ano man ang balak ng kanyang nobyo.

“Usually naman talaga dito, it’s the guy who initiates things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero I’m not rushing. Yun lang ang masasabi ko.”

Sa ngayon ay hindi raw niya alam kung ano ang mararamdaman niya kung sakaling biglang mag-propose ng kasal si JC sa kanya.

“Am I ready to get married? I’m not sure.

"Actually, in my head, feeling ko sometimes, ready ako.

"Pero feeling ko sometimes, nakakatakot.

“But then, dun sa mga kaibigan kong ikinasal na, who have families na, they say na hindi ka naman talaga really ready.

"Parang you’ll just jump in talaga.”

TONI’S RUMORED ENGAGEMENT. Speaking of wedding plans, napapalibutan si Bianca ng mga kaibigan sa showbiz na may masasayang buhay-pag-ibig.

Isa na rito si Toni Gonzaga, na napapabalitang engaged na sa kanyang longtime boyfriend na si Paul Soriano.

Ito ay matapos kumalat ang sweet photos ng dalawa habang nagbabakasyon sa U.S.

Ayon sa Instagram post ni Toni noong January 2, sumunod si Paul sa New York upang mag-celebrate ng New Year kasama niya at ng kanyang pamilya.

Pagkatapos ng ilang araw ay umalis din si Direk Paul patungong Los Angeles para dumalo sa Palm Springs Film Festival.

Maging si Bianca ay hindi maiwasang kiligin nang makita ang Instagram posts ni Toni na kasama si Paul.

Minsan na kasing nabanggit ni Toni na handa na siyang magpakasal pagtungtong niya ng 30 years old.

Tiyempo namang 30thbirthday na ni Toni sa darating na January 20.

Sabi ni Bianca tungkol dito, “Actually, nung nag-New York siya, tinext ko siya.

"Sabi ko, ‘Girl, baka na-engage ka na diyan! Sabihin mo sa akin.’

“Sabi niya sa akin, ‘Hindi pa naman.’ Hindi pa naman, so, may ’pa.’

“Kasi ang dami nilang sweet pictures. So, nag-text ako agad sa kanya.

"Sabi ko, ‘Are you getting engaged in this trip?’

"Sabi naman niya, ‘Hindi.’

"So, hindi pa."

Ngunit pakiramdam ni Bianca ay hindi na magtatagal at magpapakasal na rin sina Toni at Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everyone is waiting na lang. Kumbaga, sure ball na.

"Hinihintay na lang kung kailan,” sabi ni Bianca.

At press time, nag-post si Toni ng panibagong larawan sa kanyang Instagram kasama si Direk Paul sa Los Angeles, California.

Kalakip nito ang caption na may mga katagang: "My driver today in sunshiny LA."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN