John Prats happy for newlyweds Melai Cantiveros and Jason Francisco

Ani John Prats, unang interview pa lamang niya matapos ang insidente nila ni Jason Francisco noong 2013 ay napatawad na niya ito. Marso ng nakaraang taon nang sinuntok ni Jason si John sa taping ng gag show na Banana Split.


Masaya si John Prats sa pagpapakasal ng dating mga kasamahan niya sa Banana Split na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Ikinasal ang dalawa noong December 9, 2013, sa General Santos City.

Sabi ni John, “Oo naman. Masaya ako sa mga ganung pangyayari.

“Wala akong hang-ups sa mga ganun.

“Masaya ako for the both of them, and sana magtuluy-tuloy ang kaligayahan na meron sila ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si John sa groundbreaking ceremony ng ipinapatayong eskuwelahan ng pamilya Prats sa Cainta, Rizal, noong January 7, Martes.

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina John at Jason noong March 2013.

Sinuntok ni Jason si John dahil sa isyung may kinalaman kay Melai, na noon ay girlfriend pa lang ni Jason.

Hindi raw kasi nagustuhan ni Jason kung paano biruin ni John si Melai.

Umabot pa sa puntong nagsampa ng reklamo si John sa police station sa Greenhills, San Juan, upang “turuan ng leksiyon” si Jason.

Read: John Prats and Jason Francisco involved in altercation; John files complaint against Jason



PAST IS PAST. Handa na ba si John na patawarin si Jason pagkatapos ng naging isyu nila noon?

Tugon niya, “Matagal na akong nagpatawad.

“Unang interview pa lang, nagpatawad na ako.

"Kumbaga, wala na sa akin ‘yon. Diyos na bahala do’n."

Paano kung magkasalubong sila ni Jason?

“Wala na sa akin ‘yon, okay na ako,” sagot niya.

ANGELICA’S APOLOGY. Hindi imbitado sa kasal nina Jason at Melai si John; pati na ang ibang mga kasamahan nila sa Banana Split na sina Angelica Panganiban, Jayson Gainza, at Pooh.

Read: John Prats on possibility of not being invited to Melai Cantiveros and Jason Francisco’s wedding: “Siguro kung hindi man ako imbitahin, wala namang samaan ng loob.”

Tinanong ng PEP si John kung ano ang reaksiyon niya sa balitang nag-sorry na ang best friend niyang si Angelica kay Jason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumama kasi ang loob ni Melai kay Angelica dahil tila minaliit ni Angelica ang kakayahan ni Jason na bigyan ng magandang buhay si Melai.

Read: Jason Francisco reveals Angelica Panganiban apologized to him

Reaksiyon naman ni John tungkol dito, “Wala kasi akong alam dun sa istorya na ‘yon, so di ko alam kung paano mag-comment.

“Pero kung nangyari ‘yon, at least okay na ‘yon, di ba?

“At least wala na silang hang-ups… kumbaga, okay na lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN