StarStruck alumnus Dion Ignacio begins to appreciate acting

Dion Ignacio on acting: “Dati kasi, nung umpisa, basta ma-deliver ko lang yung linya ko, e. E, ngayon, kailangan ramdam ko. Iyon yung masarap dun, pag nararamdaman mo yung eksena.”


Sampung taon na sa showbiz ang StarStruck alumnus na si Dion Ignacio, ngunit ngayon pa lang daw siya nag-e-enjoy sa pag-arte.

“Ewan ko, ang sarap na ngayong umarte, e. Lalo na pag nagma-mature ka.

“Parang sobrang love ko na,” sabi ni Dion nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng horror film na Basement bago matapos ang 2013.

Ano ang masarap na parte sa pag-arte?

Sabi ng 27-year-old Kapuso talent, “Yung nararamdaman mo yung bawat eksena, bawat sinasabi mo, alam mo kung saan nanggagagaling yung mga emosyon mo, kung bakit mo sinasabi itong dialogue na ito.

“Nakukuha ko na, e.

“Dati kasi, nung umpisa, basta ma-deliver ko lang yung linya ko, e.

“E, ngayon, kailangan ramdam ko.

“Iyon yung masarap dun, pag nararamdaman mo yung eksena.”

Patuloy ni Dion, “Na-realize ko ito mula nung ano… parang may wall, dati alam ko na ganoon dapat, pero may wall.

“Gusto kong maramdaman, pero hindi ko matuloy.

“Ewan ko, siguro parang mahina pa loob ko, kulang pa ako sa technique, hindi ako sigurado kung tama yung gagawin ko.

“Ngayon, parang napag-aralan ko na yung Dion na, sa set, wala, parang ito yung focused ako sa character.

“Minsan nagkukulong ako sa kotse, binabasa ko yung script ko, kung ano yung mga emosyon na gagawin ko.

"Ganun na, kaya parang ang sarap.”

Ano ang dream role niya?

“Gusto ko sana yung action. Yung talagang action,” sagot niya.

Bukod sa Basement, kasama rin si Dion sa cast ng upcoming afternoon soap ng GMA na Innamorata. Tampok dito sina Max Collins, Gwen Zamora, at Jackie Rice.

Bago ito ay napanood siya sa afternoon soap na Maghihintay Pa Rin, kasama naman sina Bianca King at Rafael Rosell.



BAND MEMBER. Maliban sa pag-arte ay may isa pang kinahihiligan ngayon si Dion—ang pagbabanda.

Kuwento niya, “Ngayon, tina-try kong mag-acoustic, sa instrumento na may kasamang singing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kami nila Dex Quindoza… kasama ko rin siya dito sa Basement.

“Kasi dun sa isang banda ko, gitara lang, ang bokalista namin, si Arci Muñoz.”

Ngayon ay may susubukan nga siyang bagong banda, pero existing pa rin daw ang dati nilang banda nina Arci, ang Philia, kung saan rhythm guitarist si Dion.

Sabi niya tungkol sa Philia, “Okay pa rin po, may album na.

“Okay naman, nakikilala naman na siya.”

Dagdag ni Dion, “Yung sa bagong banda, sumali lang ako kay Dex.

“Kasi isa rin sa passion ko yung music, e.

“Parang gusto kong... siyempre bilang artista, maganda rin nakikita ako, ‘Uy, si Dion, kumakanta pala, naggigitara rin!’

“Yung kay Dex na banda, Roadvoice naman ang pangalan.

“Pinaka-main si Dex, tapos nagbabaon ako ng mga limang kanta. Para sa second set, ako naman.

“Kasi siya yung Roadvoice, e, si Dex.”

Tulad ni Dion ay produkto rin ng StarStruck si Dex. Kabilang siya sa Batch 4, kasama sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Jewel Mische, Martin Escudero, at Paulo Avelino.

Nagpe-perform daw ang Roadvoice sa Ewong’s, na pagmamay-ari ng dating Kapuso artist na si Sherwin Ordoñez.

Sabi ni Dion, “Every Thursday.

“Ako, dyuma-jam lang, parang sinusubukan ko kung ano pakiramdam pag sa stage.

“Kasi kakanta, naka-acoustics.”’

“So… di ba, ang dami kong karakter?” sabay-tawa ni Dion.



LOVELIFE. Sa lovelife naman daw ay “lie-low” muna si Dion, bagamat may karelasyon daw siya ngayon.

“Tama lang yun, para makapag-focus muna ako sa career.

“Pero kami pa din.

“Busy lang siya sa school. Ako naman, busy sa pag-artista.

“Distansiya lang muna, pero okay kami.”

Pumayat si Dion, na bumagay sa kanya kaya naging mas hunky at bumata ang hitsura niya.

“Sa katawan naman, bawas lang sa kanin.

“Nagkakanin ako, pero hindi ganoong kadami, bitin!

“Tapos inom nang inom ng tubig.

“Tapos, ang pinaka-exercise ko, basketball,” kuwento ni Dion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Regular daw siyang nagba-basketball hanggang nahinto muna siya ng isang buwan sa paglalaro.

“Kasi natapilok ako, pero magaling na.”

Sa batch one daw ng StarStruck ay madalas na nakaka-bonding ni Dion si Mark Herras, dahil naglalaro sila ng basketball.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN