Anne Curtis is the new Dyesebel; faces the press for the first time after slapping incident

Hindi napigilan ni Anne Curtis ang maging emosyunal habang nagpapasalamat sa mga patuloy na naniwala sa kanya, sa kabila ng isyung kinasangkutan niya bago natapos ang 2013. Ikinatuwa ng Kapamilya actress na siya ang gaganap bilang Dyesebel sa pagbabalik nito sa telebisyon.


Si Anne Curtis ang napili ng ABS-CBN na gumanap bilang bagong Dyesebel.

Pormal na inanunsiyo sa media ang pagkakapili kay Anne sa isang press conference na ginanap kahapon, January 9, sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Kasamang humarap ni Anne sa entertainment press ang dalawang leading men niya sa teleserye na sina Sam Milby at Gerald Anderson.

Hindi napigilan ng aktres ang maging emosyunal sa presscon.

Ito rin kasi ang unang pagkakataong humarap si Anne sa entertainment press pagkatapos pumutok ang balita tungkol sa slapping incident na kinasangkutan niya noong November 2013.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

WHY ANNE? Ikinuwento naman ni Biboy Arboleda, head of Ad and Promo ng Dreamscape business unit, kung paano napili si Anne para maging Dyesebel.

"Ang pinagbasehan po namin na pamamaraan sa pagpili o paghirang, management ran a marketing research survey and, hands down, in all levels of survey and multi-platforms, Miss Anne Curtis topped the list," saad ni Biboy.

Tinanong si Anne kung ano ang masasabi niya na siya pa rin ang nanguna sa nasabing survey, sa kabila ng kinasangkutan niyang insidente sa Privé Luxury Club noong nakaraang taon.

Tugon ng Kapamilya actress, "Siguro sa lahat ng mga taong naniwala na kaya kong i-portray si Dyesebel, maraming-maraming salamat for keeping that kind of faith in me...

"Na hindi [ako] nakalimutan dahil lang sa isang hindi magandang bagay na nangyari..."

Dito sa puntong ito ay nagsimula nang mabasag ang boses ni Anne dahil sa pagiging emosyunal.

Paliwanag niya, "First time ko kasing humarap sa ganitong karaming press after everything, so salamat for that kind of faith in me.

"At sa mga hindi naman [naniwala], God bless you na lang po.

"Everyone has something to say, but you can’t be that everybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I’m just so happy that this year, I’ll have another dream come true.

"And it’s a classic, it’s an all-time classic.

"Dyesebel is part of Philippine history, and I’m glad that I’ll be one of them."

Iilan lamang ang mga aktres na nakaganap sa coveted role na Dyesebel; kabilang na rito sina Vilma Santos, Alma Moreno, Alice Dixson, Charlene Gonzalez, at Marian Rivera.


At si Anne nga ang magbibigay-buhay muli sa karakter na ito.

Sabi pa niya, "Nagpapasalamat talaga ako na there are people who didn’t lose faith in me.

"And that faith in me brought me to become Dyesebel this year.

"Maraming salamat."



CHILDHOOD DREAM. Inilahad din ni Anne na noong bata pa siya, at kapag tinatanong ng reporters kung ano ang kanyang dream role, ay "Dyesebel" ang lagi niyang isinasagot.

Saad niya, "It’s another dream come true po.

"Sobra lang akong speechless.

"Ang laking project nito and para mahilera sa lahat ng naging Dyesebel...

"So eto na, 2014... a great way to start the year na makuha ko yung isa pang dream to come true."



Laking gulat nga raw niya nang tawagan siya noong January 8, Miyerkules, upang ipaalam na sa kanya mapupunta ang role na Dyesebel.



Kuwento ni Anne, kakabalik lang niya mula Canada, kung saan niya sinalubong ang Bagong Taon kasama ang mga kaibigan.



"It’s overwhelming na pagkabalik ko... 2013 was a tough year.

"It was really tough and to come back this year, and know that there is something na magandang mangyayari..." sabi ng aktres, na naubusan na ng sasabihin dahil sa sobrang kasiyahan.



Sa kabuuan, sinabi ni Anne na nagkaroon siya ng magandang career noong 2013, subalit pagdating sa kanyang personal na buhay, "mayroong isang di magandang bagay na nangyari."

Pero pagbawi niya, "But I’m leaving that in 2013 and 2014 I’m looking forward to being Dyesebel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will be able to tell my kids, at one point, naging Dyesebel ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN